Chapter 18
Jake's Pov
May kakaiba kay Chie, parang ibang Chie iyon taong kaharap ko kagabi.
Tangina kung alam lang niya gustong-gusto ko siyang tulungan pero nasa paligid namin ang mga gangster na pakiramdam ko sinusubukan lang nila ako, pero kailangan ko siya tiisin at nagpapasalamat ako kay Jarrie na siyang tumulong kay Chie na sana akong gumawa.
Nang bigla ng may tumawag sa phone ko. Ang aga-aga istorbo sa malaming ko pag-iisip. Sinagot ko ang tawag ni Reiver.
"Gago ang tagal mo sagutin." Tangina hindi pa nga ako nakapag-hello, heto agad bungad niya sa'kin.
"Gago ka," sabi ko sa kan'ya.
"Tangina pumunta ka rito. Itetext ko sa'yo ang address." Sabay off niya.
Naguluhan ako sa sinabi ni Reiver. Maya-maya ibinigay niya sa'kin ang address. Nagmadali akong nagbihis paglabas ko napatingin ako sa katabi kong kuwarto hindi ko maiwasan silipin si Chie.
Pagtingin ko wala, akong Chie nakita. Maingat ko sinara. Pababa na ako sa hagdan. Parang may kakaiba.
Hindi ko maiwasan napatingin sa kusina walang Chie. Baka nga sa cr lang si Chie.
Umalis na akong pinuntahan ko sinasabi lugar nagtaka ako bakit nandito kami sa lumang bahay kubo nila Roy. Sa kanila ito ang tanging kami lang magkakaibigan nakakaalam.
"Anong kasalanan sa inyo ni Chie, tangina nakakagago kayo." Narinig kong sigaw ni Roy.
Nagmamadali akong nakapasok sa loob. Nagulat ako sa nakita ko. Bakit may mga putek sila Joana at ang mga kaibigan niya.
Napatingin ako kay kay Roy, galit na galit siya. Problema ni Roy. Anong kasalanan nila kay Roy. Napalapit silang lahat sa akin ng seryoso nakatingin sa'kin.
"Uulitin ko anong kasalanan sa inyo ni Chie at nagawa niyo siya itulak." Napa-seryoso ako nakatingin kay Roy ng marinig ko ang pangalan ni Chie.
Bakit ganoon na lang ang galit niya na kaya niya pumatay para kay Chie. Hindi kaya si Chie ang bestfriend niya.
Nakatakip ako sa iniisip ko. Hindi magagalit si Roy ng walang matinding dahilan kilala kong isang ito.
Lahat gagawin niya para sa mahal niya at minsan na siya nagsabi sa amin. Magiging makasalanan siya sa oras na may manakit sa bestfriend niya.
Ibig sabihin si Chie ang bestfriend niya paano at kailan pa? Tanong ko sa sarili ko.
"Roy!" Sabay lapit ko.
Hindi niya ako pinansin at tanging ang tingin niya sa tatlo. Halos isusubsub ni Roy sa putek ang tatlo. Sa bawat galaw tuwang-tuwa si Roy sa tuwing napapadapa ang tatlo.
"Roy babae ito," mahinahon ko sabi.
Napaharap si Roy sabay tawa niya sa'kin.
"At sino ka pag-utusan ako." Sabay sapak niya sa'kin.
"Anong problema mo?" sigaw ko sa kan'ya.
"Ikaw ang problema ko. Tangina andoon ka wala kang ginawa. Wala kayong lahat ginawa para sa bestfriend ko. Tingnan niyo lang lahat ang best friend ko pagulong-gulong sa hagdan." Natulala ako sa sinabi niya si Chie ang bestfriend niya. Sinasabi ko na si Chie ang tinutukoy niya.
"Kayo, hindi pa tayo tapos nagsisimula pa lang tayo." Sabay tawa ni Roy.
Nilapitan niya ang tatlo sabay niya ulit hinagisan na may laman putek. Nagsisigaw sila tawang-tawa si Roy.
"Labas, lumakad kayong pauwi at ayaw ko lalapit kayo sa mga tao makikita niyo sa oras sumuway kayo hindi lang ito ipaparanas ko sa inyo. 'Wag niyo na tangkain dahil sa bawat galaw niyo alam ko. Tangina kulang pa nga ito. Pasalamat kayo, hindi masyado nasaktan si Chie. Sa oras, nakantihin niyo siya. Babalikan ko ka'yo gumawa kahit saan kayo magtagong tatlo hahanapin ko kayo. At isa pa walang makakaalam na akong may kagagawan nito sa inyo. Nagkakaintindihan ba tayo? O baka gusto niyo sabihin ko na kayo ang dahilan ng pagkahulog ni Chie at madadamay na ang lahat ng saksi sa nangyari sa pagkahulog ni Chie. Kaya kong gawan ng paraan kung gugustuhin ko." Sabay alis ni Roy sa amin.
Napatingin ako sa mga kasama ko. Alam ko kami ang pinaparinggan ni Roy sa nangyari kay Chie at kami sinisisi niya dahil hindi namin siya tinulungan.
"Tangina, umalis na kayo?" sabi ni Raygie sa tatlo.
Nagmamadaling umalis ang tatlo. Makakaya ba nilang maglakad ng pauwi katulad ng utos ni Roy sa kanila.
"Tangina ang layo sa tingin mo kakauwi sila at ang putek pa ng buong katawan nila. Maliban na lang may magpasakay sa kanila."
"Nakikinig ka ba sa sinabi ni Roy kanina walang sinuman puwede lumapit sa kanila," sabi ni Rom kay Paul.
"Tanga ka, ang sabi ni Roy sila ang hindi lalapit at hindi sila puwede magsumbong sa mga makakausap nila pero iyong tumulong sa kanila at lumapit puwede tumulong sa kanila, hindi lang puwede sila magsalita. Tangina sa oras na nagsalita sila hindi lang putek ang iparanas sa kanila ni Roy. Baka nga mga tae ng manok ang ipaligo sa kanila. Alam mo naman na may-ari sila ng manukan."
"Nakakatakot si Roy kanina." Seryoso sabi ni Reiver.
"Gago kahit naman sino ang mahalagang tao sa paligid niya, ganoon rin gagawin ng iba. Kahit ako tangina, walang puwede manakit sa taong mahal ko, pero bilib ako sa iba, kaya nilang tiisin ang taog mahal nila." Sabay tingin ni Raygie sa akin.
Alam ko ako pinaparinggan niya. Oo kasalanan ko dahil hindi ako natulungan si Chie. Ihahakbang ko na lang paa ko, pero pagtingala ko. Buhat na buhat ni Jarrie si Chie at sinugod sa hospital. Ilang beses ko gustong lapitan si Chie pero lahat ng mga mata ng gangster sa akin nakatingin.
Tangina sa oras na makasagupa ko sila. Hindi ko alam puwede mangyari sa kanila. Pinakialaman nila si Chie humanda sila sa paghihiganti ko. Hindi pa ako tapos kay Joana hindi ko palalampasin ang ginawa niya. May tamang oras para sa kan'ya.
"Mauna na ako sa inyo. Wala ng show nakaalis na sila." Sabay talikod ni Rom. Nauna pa sa amin umalis ang loko.
"Ako rin tangina nagutom ako sa tawag ni Raygie." Sabay tayo ni Reiver.
"Gago sama ako sa'yo. Wala akong sasakyan," sabi ni Paul.
Umalis na nga sila kami na lang dalawa ni Raygie natira.
"Balita ko nakauwi na si Chie. Kumusta na si Chie." Seryoso sabi ni Raygie.
"Ang tahimik niya, hindi niya akong magawang tingnan. May iba kay Chie."
"Sa tingin mo hindi magagalit si Chie na ikaw mismo hindi mo siya tinulungan. Sana tinawag mo ako ng natulungan ko siya."
"Wala akong choice, lahat sila nakatingin sa akin." Napa-suntok ako sa pader.
"May paraan Jake, puwede mo naman siya protektahan kahit alam nila kung sino si Chie sa buhay mo. Alam mo kaduwagan ang matatawag diyan sa hindi pagharap sa kalaban. Tangina ngayon pa lang pinagtawanan ka na ng mga kalaban mo." Napaupo na lang ako. Sana tinulungan ko siya. Sana sa tabi niya ako.
"Nangyari na wala na tayo magagawa. Tara na tanghali na." Sabay talikud ni Raygie napa-sunod ako sa kaniya.
Umalis na rin kami pareho kami nakamotor lang ang gamit namin dalawa. Nauna siya sa'kin na kauwi. Ako naman ang madali na umuwi. Pumasok na ako. Agad unang nilapitan ko ang kusina alam kong ganitong oras nasa kusina si Chie nagluluto pero walang Chie at wala pa kahit isa niluto. Baka nga hindi pa magaling si Chie. Ang ginawa ko nagluto ako adobong baboy ng makaluto na ako.
Napatingin na ako sa relo ko 11:30 na wala pa rin si Chie lumalabas. Ang ginawa ko nilapitan ko na siya palapit sa kuwarto niya. Kumatok ako ng hindi pa rin sagutin ako ni Chie pero wala pa rin. Bumalik ako sa kuwarto ko. Kinuha ko ang duplicate ng mabuksan, wala akong Chie nakita. Hinanap ko siya c.r. wala siya roon. Kinabahan ako sa naiisip ko. Hindi kaya umalis na si Chie hindi na nagpaalam sa akin. Pero saan siya titira? Dahil sa kaba ko nilapitan ko ang kuwarto ni Chie.
Tangina walang Chie ako nakita. Napatingin ako sa damitan ni Chie wala naman kakaiba. Bumaba ako hinanap ko si Chie sa buong bahay at ang huli madalas niya tambayan na hanggang ngayon favorite niya wala akong nakita. Bumalik ako sa loob napaisip ako hindi naman ganyan si Chie. Hindi naman siya umalis ng walang dahilan. Hinintay ko siya buong maghapon walang Chie dumating. Kinabahan na ako dahil gabi na walang Chie. Hindi ko na alam gagawin ko lakad dito, lakad roon ang ginawa ako.
"Tangina pinsan ako nahihilo pinaggagawa mo?" Napalingon ako kay Reiver. Nagulat ako sa kaniya.
Tangina kapag andito kasi ang loko may problema siya. Tangina ngayon pa siya dumagdag sa iisipin ko.
"Umupo ka nga?" Napatingin ako sa kan'ya seryoso.
Gustong umiyak sa harapan niya pero natatakot ako ibully ng lokong-loko na ito. Kilala ko ito tangina hindi ako titigilan nito hanggang hindi ko siya masapak. Pero sa kabila ng lahat kailangan ko ng isang tao mapagkakatiwalaan ko ngayon ang tanging ang isang tao ito ay siya. Alam kong siya may kakayahan tulungan ako at alam ko madali lang sa kan'ya ito. Siya si Reiver nakukuha ang lahat ng bagay ng walang imposible kahit na easy go lucky lang isang ito."
"Sasabihin ka ba sa'kin o ipapaliwanag sa nangyayari ngayon?" Napa-seryoso siya hinarap ako.
"Hindi ka ba magsasalita? O napipi ka na?" Napaupo ako sa tabi niya, kailangan ko siya.
Siya lang makakatulong sa ngayon. Maliban kay Raygie hindi ko puwede dagdagan pa ang iisipin niya. May iba pinagkakaabalahan si Raygie sa ngayon iyon ay alamin ang estado ng mga gangster. Sa oras na malaman ko sino ang lider nila ngayon tangina handa ako pumatay para kay Chie at ipaghiganti siya.
"Si Chie," sabi ko mahina.
"Anong kay Chie?" Seryoso niya sabi.
"Nawawala si Chie," sabi ko.
"Nawawala si Chie. Bakit concern ka?"
"Tangina naman Reiver, tutulong ka ba o magtatanong na lang."
"Gago ka ba? Anong kinalaman mo may Chie. Tangina 'wag sabihin ikaw may pakana kung nahulog si Chie."
"Tangina hindi ko magagawa iyon sa taong mahal ko." Nagulat si Reiver sa pagka-sabi ko. Kahit ako nagulat ako sa sinabi ko. Tinawanan lang ako ni Reiver.
"Tama si Janzen may feeling ka na sa kan'ya at iyon ay sinasadya mo siyang utusan kapag sa harap niya tama ba ako?"
"Anong alam mo?" sabi ko sa kan'ya.
"Easy lang bro,bakit ganyan ka makatingin. Gago ka ba? Kahit hindi mo sabihin halata naman saga kinikilos mo. Tangina ka ganyan sa mga babae pero si Chie binago ka gago ka. Ngayon hahanapin mo siya kung kailan siya wala na sa buhay mo."
"Anong ibig mo sabihin?"
"Simple lang bro, nauntog siya sa pag-uugali mo. Kahit naman sino iiwan ka, kahit mahal ka ng tao iyon. Tangina ikaw ba naman makunan ng taong hindi ka magawa ipagtanggol." Napa-seryoso ako nakatingin sa kan'ya.
Pinagsasabi niya. Tumapik pa ang loko. Tapos wala ka man lang ginawa para sa kan'ya hinayaan mo siya at hindi man lang magawa bisitahin siya. Anong klase ama ka ng magiging anak mo sana. Sa inis ko nasapak ko si Reiver pinagsasabi niya.
"Nasaktan ka ba sa sinabi ko? Totoo naman ang lahat ng iyon. Tangina anong akala niyo sa'min ni Roy bobo. Tangina nawalan na kaming tiwala sa lahat ng desisyon niyo sa grupo natin at hindi ko hahayaan na maulit mo. Gago ka sa pangalawang pagkakataon, hindi kayo nag-tiwala sa'min. Anong nangyari ngayong may isang tao nadamay sa kapalpakan niyo pero 'wag kang mag-alala malapit na kami sa finish line at malapit na namin makamit ang tagumpay ay iyong ipaghiganti si Chie sa mga taong nanakit sa kan'ya ay hindi nga pala nagawa na ni Roy pero ngayon ang taong lider ng grupo at ay walang iba malalaman mo sa takdang panahon. Sa ngayon, wala ka na magagawa, for sure, natauhan na si Chie at iniwan ka na niya." Sabay talikod ni Reiver. Sa inis ko, hinarap ko si Reiver.
"Anong sinasabi mo nakunan?"
"Hindi ka na man bingi di ba? Tangina alam ni Roy ang nangyari, pero hindi niya alam ikaw ang ama." Napaupo ako sa sahig.
"Tumayo ka na riyan. Willing ako hanapin si Chie. Mahahanap natin siya sa ngayon ang kalaban ang unahin natin. Magpahinga ka na. ' Wag mo na rin alamin kung bakit ko alam at hindi ako iyong taong sumusubaybay sa kan'ya. Inunahan na kita, laging nasa mata mo ako Jake. Good night, nagpaalam na ako kay Kuya Jaydee at pumayag na siya dito muna ako." Natulala na lang ako sa mga nalalaman ko.
Tangina kasalanan ko kung bakit nawala ang baby namin. Bigla sumakit ang ulo ko. Nakaupo ako sa sopa at ipikit ko mga mata ko.