Chapter 19
Jake's Pov
Walang akong nasayang na oras hinanap ko si Chie saan-saan kahit magulang niya wala silang alam.
Hindi ko rin magawang tanungin si Roy ay dahil hanggang ngayon galit pa rin siya sa'kin sa nalaman niya na hindi ko pagtulong sa bestfriend niya. Napa-suntok ako sa manibela.
"Mahahanap natin siya. 'Wag kang mag-alala." Tingnan ko lang si Reiver. Tangina limang araw ko ng hindi nahahanap si Chie, ngayon may dumagdag pa sa iisipin ko. Tangina pagtutuos kami hindi ako papayag na hindi ako makaganti.
"Jake, alam ko sa isip ko mo." Napatingin ako kay Reiver, naririndi na ako sa boses niya.
"Tangina hindi ko alam anong puwede mangyari bukas. Gustong-gusto ko manapak Reiver. Gusto kong gumanti."
"Naintindihan ko kayo pinagdadaanan ni Roy pero Jake. Hindi matatapos ang gulong ito kung puro gantihan na lang at dahil dito may mga tao nadadamay."
"Naririnig mo ba sinasabi mo. Tangina nanahimik ako, pero sila ang unang ng gulo, ngayon sabihin mo sa akin dapat akong manahimik."
"Oo, tulad ng ginawa mo kay Chie di ba. Wala ka naman pakialam noon di ba. Saan ka galit iniwan ka ni Chie o sa nalaman mo ang totoo dahilan pag-iwan sa'yo ni Chie. Dahil sa totoo lang kahit pa magkita kayo ni Chie, for sure hindi siya sasama sa'yo at kinamumuhian ka niya," sigaw niya sa'kin. Nanahimik ako. Hindi ako makapagsalita. Tinawanan pa ako ng sira ulo kong pinsan.
"Labas," sigaw ko sa kan'ya.
"Teka lang. Sa gitna tayo ng kalsada oh! Wala pa naman dumadaan."
"Wala akong pake. Labas," sigaw ko ulit sa kan'ya.
"Ok fine. 'Wag na wag kang lalapit sa'kin gago ka." Hindi ko na lang siya pinansin. Pagkaalis niya. Sa bahay ang diretso ko. Pagod ako bumaba na parang bang ang bigat-bigat ng pakiramdam ang ko. Naglakad ako palapit sa sala. Napaupo ako hinilot hilot ko ang noo ko. Pakiramdam ko magkasakit ako. Gusto kong ipikit mga mata ko pero sa araw-araw na pinagdaanan ni Chie sinisi ko ang sarili ko.
"Malalampasan mo rin iyan anak." Nagulat ako napatayo hindi ko iniexpect andito mga magulang ko lahat sila andito kahit ang kuya ko kasama nila si Manong at si Manang. Ngayon pa sila nandito kung kailan iniwan ako ng mahal ko. Gusto kong umiyak ko pinipigilan ko lang. Never pa akong kinausap ng parent ko nang ganito ang tanging sandalan ko si Manang at Manong at minsan na rin ang Kuya, pero hindi lahat sinasabi ko sa kan'ya. Kilala ko ito kapag usapan lovelife hindi magpapawat ang Kuya ko daig pa kung babae makaadvice ang loko. Idadamay pa ako sa kan'ya kalokohan. Oo minsan na rin ako naging tanga pero hindi nararamdaman sa parent ko mag-alala nila sa akin pero ngayon wow! Alam nila ang tungkol sa pinagdaaan namin ni Chie serious ba sila? Sabagay hindi nakapagtataka gusto nila kami ni Chie ang magkatuluyan na minsan ko na binara sa mga magulang pero ngayon kinain ako ng lahat na sinabi ko sa kanila. Ngayon ako parang basang sisiw na iniwan ng inahin.
"Ganyan ka ba kaduwag? Uupo na lang." Uminit ang ulo sa sinabi ng kapatid ko kung wala lang parent ko nasapak ko isang ito pero hindi ko magawa dahil kapatid ko siya. Kahit ganyan iyan never pa kami nag-aaway o pinagbuhatan ng kamay.
"Oh siya, kumain ka na ba?" Napahiling na lang ako kay Mommy. Nagtataka ako kung bakit andito sila.
"Manang, ipaghanda mo ang bunso ko mukhang namamayat." Seryoso sabi ni Daddy. Nalilito ako sa mga kinikilos nila. Wala aba sila sasabihin sa akin. Hindi ba sila magagalit.
:Tara na, 'wag ka nang magdrama riyan. Mahahanap mo pa rin siya."
"Alam niyo?" sabi ko sa kanila.
Wala akong narimig buhat sa kanila ang tanging ginawa nila ay talikuran nila ako. Ako naman nasunod sa kanila. Ang dami nga nila binili. Ang lahat ng ito ay favorite ko. Noon pa man, spaghetti at fried chicken lang nagpapasaya sa'kin sa oras na may mga bagay akong iniisip.
Napaupo ako bigla akong natakap. Lumamon agad ako para nakalimutan ko sila. Nang mabusog ako napatingala ako sa kanila. Naibaba ko fried chicken ko.
Ngayon lang kasi nabuo ang kami sa hapag kainan kung kailan may mabigat pa akong problema. Hindi ko na alam kung ano iniisip nila. Hindi ko alam kung totoo ba concern sila o dahil may kinalaman kay Chie ang lahat ng pinapakita nila.
"Anong tingin iyan? Matutunaw kami sa'yo." Sabay batok ng kapatid ko. Hindi na lang ako nagsalita. Hindi ako sanay na kinakausap sila.
"Mauna na po ako." Paalam ko sa kanila.
"Walang masama umiyak anak," sabi ni Daddy sa'kin nakatalikod ako. Hindi ko alam anong magiging reaksyon sa kanila.
"Anak, andito lang kami ng Daddy niyo. Kung may mabigat na problema handa kami makinig sa'yo. Handa kami protektahan ka lang. Malapit na mabubuo, magkakasamang rin anak. Sa oras na makatapos ka ikaw naman mamahala lahat ng ito pinaghirapan namin at kami naman ng Daddy mo mag-aalaga na lang mga apo niyo." Sabay tawa ni Kuya sa sinabi ni Mommy.
"Anong tinatawa-tawa mo riyan seryoso ako sinabi ko di ba Manang tayong dalawa mag-aalaga sa mga apo ko."
Ano pa nga ba Jaz ito panganay mo parang wala akong nababalitaan na dinadate. Mabuti pa itong bunso mo umiibig nga naman patago pa ayaw pa kasi aminin tapos ngayon wala na tsaka naisipan hanapin. Sa totoo lang, kung ako tatanungin wala akong masabi kay Chie mabait, mapagmahal, masipag at higit sa lahat maalaga." Napalingon ako kay Manang lahat gusto kong umiyak sa harap ni Manang sabihin ang lahat ng saloobin ko. Si Manang lang nakakaunawa sa'kin at lagi kong sandigan. Naalala ko pa noong bata pa akong si Manang hinahanap ko lagi. Hindi ako makatulog na wala si Manang sa tabi ko. Gusto ko kayakap ako ni Manang.
"Oh siya! Magpahinga ka na? Alam ko pagod ka na. Mamaya mag-usap tayo ng masinsinan." Pabulong sabi ni Manang sa'kin.
Tumango na lang ako kay Manang. Tinalikuran ko na sila. Sanay naman ako. Bukas na bukas aalis, sila rin sila. Ginagawa lang nila ito parang school-bahay, bahay-school, ganyan sila. Hawak nila ang oras.
Nang makarating ako sa kuwarto ko napadapa ako nakatingala sa kawalan. Walang araw hindi ko sinisisi ang sarili ko. Sana hindi ako naging duwag. Sana tinulungan ko siya. Sana naging matapang ako sa kan'ya.
Sumasakit ang ulo ko sa mga bagay iniisip ko. Pilit ko pinipikit mga mata ko pero tangina hindi ako makatulog. Binato ko unan nang bigla bumukas si Manang at Manong seryoso ako nila tingnan.
"Puwede ba akong lumapit." Sabay akbay ni Manong sa'kin.
"Nagpaalam ka pa, nauna ka pa pumasok sa'kin." Tumawa lang si Manong sa Ate niya.
"Seryoso tayo, hindi ka ba nakatulog?" Tumango na lang ako.
"Bakit?" Seryoso tanong ni Manong sa'kin.
"Anak, hindi man namin alam kung ano talaga ang puno't dulo ng lahat ang alam lang namin umalis si Chie iyon ang sabi ng Kuya mo."
"Kasalanan ko po Manang." Hindi ko napigilan lumapit kay Manang sabay iyak ko.
"Anak, pasensiya ka na kung iniwan ka namin ni Manong. Gusto lang kasi namin na maging strong ka at lumaban ng mag-isa dahil hindi sa lahat ng oras andito kami ni Manong para ipagtanggol ka."
"Tama si Manang mo Jake, gusto kong matuto ka sa buhay mo at alam namin na si Chie lang ang taong nagpabago sa'yo. Akala namin ni Ate sa pag-alis namin magiging masaya ka at matutunan mo mahalin si Chie, pero ngayon sinaktan mo siya."
"Manong, bunganga mo."
"Sorry, alam mo naman na team Chie ako para sa alaga natin."
"Anak anong dahilan bakit ka iniwan ni Chie." Napatingin ako sa kanila. Kinuwento ko sa kanila ang pinagdaanan ni Chie hanggang sa hindi ko pagtulong sa kaniya pero hindi ko sinabi ang lahat maliban sa bagay na hanggang ngayon sinisisi ko ang lahat.
"Nagawa mo 'yon anak." Seryoso ako tinitigan ni Manang.
"Grabe ka Jake, iba ka! Bakit hinayaan mo? May dapat ba kami malaman kasi Jake hindi ka ganyan na tao. Si Chie iyon Jake humihingi ng tulong sa'yo. Ewan ko ba bakit ka bulag sa girlfriend mo siya kinampihan mo." Napakamot na lang sa ulo si Manong. Hindi ko magawa magsalita sa kanila. Ramdam ko galit nila sa akin. Alam kong naging mabuti si Chie sa kanila.
"Sorry po, kasalanan ko po ang lahat." Umiiyak na akong napaharap sa kanila.
"'Wag ka samin humingi ng sorry. Hindi kami ang nagawan mo ng kasalanan si Chie iyon. Sana mahanap mo si Chie Jake at sabihin mo ang lahat ng nilalaman ng puso mo. Hindi bumabagal ang oras Jake. Oras-oras umiikot Jake. Sa oras na iyon gigising ka na lang wala na sa'yo ang mahal mo na sa ibang tao na at masaya na siya roon at bumuo sa taong mahal mo ay dahil doon hindi mo na siya makakapitan o mahahawakan man lang dahil mayroon na nagmamay-ari sa puso niya. Tandaan mo Jake. Hindi ka pabata ng bata." Seryoso sabi ni Manang.
"Grabe ka Ate Ikaw ba iyan, ang lalim ah!" Natawa ako ng bigla na lang hampasin ng unan si Manong.
"Tara na nga, baka saan pa mapunta usapan na ito. Ang lagi mo tandaan Jake. Magbago ka na, ayusin mo buhay mo at pagkatao ka. 'Wag kang duwag ah! Kapag nakita mo na 'wag mo ng pakawalan. Baka isang araw pagsisihan mo lahat ng ito."
"Teka lang Ate, kay Jake pa ba ang Advice mo o sa sarili mo. Parang kasing may Hugot eh! Nagsisi ka ba iniwan siya at hindi pinili?" Napalingon ako kay Manang na tahimik siya sa sinabi ni Manong.
"Salamat po sa inyo." Iniba ko na usapan baka kasi may iyakan pa magaganap. Iyakin din minsan ai Manang.
"Alis na kami." Sabay hila ni Manang kay Manong. Pagkaalis nila ako naman napaisip sa mga sinabi nila. Napaka Matalinghaga ang bawat advice ni Manang at talaga bukas sa loob. Ngayon nagkaroon akong lakas at tapat dahil sa advice Manang at Manong sa'kin. Hanggang sa nakatulog ako.