"Agent Kabane, the head is asking for your presence."
Sinulyapan niya ang taong nakaabang sa pinto ng kwarto niya. Isang kapwa niya agent na lalaki ngunit mas mataas ang rango niya kesa dito.
Binitawan niya ang hawak na barbell, tumayo at inabot ang puting towel na nakasabit sa upuan. Nagmukhang gym ang kwarto niya dahil sa mga equipment na pang exercise.
One of the perks of being a high ranked agent, malaki ang space niya sa headquarters, kasing laki ng hotel lobby ang kwarto niya or should he call it unit.
"You can go," sabi niya nang makitang hindi pa rin umaalis ang agent, "I don't need an escort."
"Very well," magalang na tumango ito at taas noong umalis.
He fixed himself up and go where the office of their head is. The head is not their boss, right hand ito ng kanilang boss na pa mysterious ang dating dahil kahit kailan wala pang nakakakita sa mukha nito.
"Kabane, have a seat," salubong ng head pagpasok niya sa office nito.
Dalawa lang naman ang dahilan kung bakit siya nandito ngayon, it's either may bago siyang misyon o kaya naman ay humihingi ito ng report sa last mission niya.
Right, he just came back from Mindanao. Pinadala siya doon para patumbahin ang mga rebeldeng nagbabalak patayin ang mayor ng Digos City. Malas lang nila at natunugan ng pulisya ang plano at mukhang dumarami ang krimen sa lugar nila dahil humingi ang mga ito ng tulong.
"How's your mission?" Deritsahang tanong nito.
"I took care of it quietly and left it clean," walang paligoy ligoy na sagot naman niya.
Tumango tango ito, he seemed satisfied but alam niyang hindi lang ito ang pinunta niya dito base sa galaw ng head.
"As expected, hindi ako nagkamaling ikaw ang ipadala doon. Considering na pamahalaan pa mismo ang humingi ng tulong."
"With all due respect, but you wouldn't summon me here just for that, right?"
"I'm sorry kung pabigla bigla ito, I will be assigning you to a new mission."
Sabi na nga ba niya. Ah, kagagaling niya lang sa misyon kahapon meron na kaagad ngayon? Sabagay, hindi na bago ang ganito. May mga pagkakataon ngang katulad ngayon pero kadalasan ay umaabot ng ilang araw bago siya ma-assign sa bagong misyon.
Pinatunog niya ang mga daliri. Now then, ano naman kayang misyon ang ibibigay sa kanya? Assassination ba? Spy? Magiging guard ba siya ng public figure?
"You will be assigned in a undercover mission,"
Undercover mission? Wala namang bago, mukhang madali lang. After all, sa lahat ng missions ay nagu-undercover talaga sila para maiwasang ma expose ang kanilang identity.
Pero mukhang may kakaiba sa misyon na ito, hesitant ang head, matagal na nakatitig sa documents na hawak nito na parang sinisuguradong tama nga ang binabasa.
"You will be... going back to school."
"I SAID, step aside."
Hindi nakinig si Raven, kinasa nito ang baril, handa itong iputok ang armas anumang oras. Nakita ni Dash na walang alinlangan ang dalaga kaya hinawakan niya ito sa balikat para pakalmahin, kahit mukha naman itong kalmado.
Nang tignan niya kung sino ang may ganang tutukan siya ng baril ay doon sumeryoso ang mukha niya.
"If it isn't it Tony Cabardo," ani niya, "Never thought I'd see the head's beloved son in this area."
"Umalis ka na sa lugar na ito kung ayaw mong kumalat ang pira-pirasong utak mo dito," babala nito habang hindi natitinag sa pagtutok ng baril.
"Now, now. You don't want to get to your father's subordinate's bad side, right?" Nakangising ani niya habang nakataas ang parehang kamay.
Kunot na kunot ang noo ni Tony, anumang oras ang ipuputok nito ang baril pero kalmado lamang si Dash. Kilala niya ang lalaking ito, anak ng head ng kanilang agency.
Even though they didn't know each other personally, nakilala niya ito dahil gumawa siya ng background check sa head. Yeah, mismong head nila hindi niya pinagkakatiwalaan.
Tony is the only child of Mr. Cabardo. He is spoiled to the rot. He is not surprised though na kilala siya nito. Nakikita siguro nitong pumupunta siya sa bahay nila para maki-kape when in fact naghahatid siya ng documents and stuff.
The boy probably know what kind of work his father had.
"Tony, ibaba mo iyang baril mo kung ayaw mong patalsikin sa groupong ito," seryosong babala ni Cale.
Hindi man lang natinag si Tony, imbis ay sinamaan nito ng tingin si Cale. "Bakit ka nag dala ng FBI dito?! Kilala mo ba ang lalaking ito ha?!"
"Pfff!" si Dash.
"FBI?" napatingin si Cale at Raven sa kanya, "Sabog ka ba Tony? Mukha bang FBI ang lalaking iyan?"
Naka school uniform pa siya, nakaligtaan niyang mag palit ng damit sa sobrang pagmamadali kanina.
"Agent Kabane of Rengo-gun Agency," Tony spilled the beans.
"Rengo-gun?"
Binaba niya ang kanyang kamay at namulsa. Mukhang wala siyang choice kundi magpaliwanag.
"Secret organization na binubuo ng mga taong nagta-trabaho sa dilim, you can call us assasins, spies, ninja or what. Any kind of work that will be given to us will be in no time completed. Good morning everyone, I'm Agent Kabane, the five-star agent of Rengo-gun Organization and Agency. And for your information, hindi ako FBI."
"Nagpapatawa ka ba, Dash?"
Umiling siya at umopo sa hood ng sasakyan. "Unfortunately, seryoso ako Cale."
This time, this fake personality was gone and replaced by the true nature of an agent. He is not cold nor emotionless, he's just... merciless.
"Anong ginagawa mo dito? Pinadala ka ba ni papa para damputin ako?!" sigang tanong ni Tony.
"Sorry to disappoint you but I'm not here to capture you. Hindi ako mag-aaksaya ng oras para sa isang spoild brat na katulad mo."
"Anong sabi mo?!"
Mabilis na pinigilan ng mga kasama nila ang namumulang si Tony. Dalawang lalaki kaagad ang pumigil sa magkabilang braso nito sa pagsugod kay Dash.
Hindi man nila masyadong naiintindihan ang nangyayari, isa lang ang alam nila. Malakas ang lalaking ito. Hindi dahil sa nalaman nilang agent ito, kundi dahil sa presensya nitong tila gugustuhin mong lumuhod na lang sa harap nito.
"Explain it from the start, Dash," Cale said with a serious expression.
Parang gusto niyang saluduhan si Cale. He didn't assume right away and let the situation kick in. Nice. A leader, indeed. Because one wrong move and if the situation is asking for it, he could m******e all of them right here, right now.
"Haays! Hindi ko naman kasi ine-expect na kasamahan niyo pala ang bata ng head namin. This will the first time I failed my mission, well, not completely failed."
"Mas mabuti pa sigurong papuntahin ko nalang dito si Cabardo para siya na ang magpaliwanag sa inyo," dugtong pa niya.
Nilabas niya ang cellphone at may tinawagan. Mabilisang conversation lang ang nangyari at wala pang sampung segundo ay binaba na niya ang tawag.
Sinulyapan niya si Tony na nakaupo sa isang monoblock medyo may kalayuan sa kanya. May dalawa namang kalalakihan ang nakaabang sa likod nito at handang pigilan ang lalaki kung may gawin man itong hindi maganda.
"Get ready, brat, your old man is coming," he teased.