PUBG/RYAN POV:) "Saan ka pupunta?" Gulat na napatigil naman ako sa paghakbang at napalingon na lamang ako sa aking likuran. Nakita ko naman ang nanay ni Bossbrad na nasa paanan ng pinto ng kwarto nito. Nakatingin ng seryoso sa akin at walang bakas sa mukha nito na galing sa pagtulog. Seryosong lumapit ito sa kinaroroonan ko. "Di ka rin ba makatulog?" Tanong na lamang nito. Dahan-dahan naman akong tumango dito. Nandito kami sa kusinan, nakaupo sa harap ng mesa. Nilapag ni Aling Martha ang kape tinimpla niya sa aking harapan. "Salamat po," nahihiyang pasalamat ko. Ngumiti lamang ito sa akin at naupo na ito sa kabilang upuan kung saan kaharap ako. "May naalala kana ba?" Panimulang topic nito sabay inom ng mainit na tubig. "W-wala pa po," pagsisinungaling ko. "Hmm," patango-tango n

