ELIZABETH VILLATORTE POV:) Pagkarating namin mabilis naman ako hinila ni Lemuel paalis. Nang malayo na kami saka niya ako binitawan at nagtago sa puno ng mangga. "Anong gulo itong pinasok mo, Beth? Anong kapatid mo 'yong kano na 'yon?" Kunot-noong tanong nito sa akin. "Kano? Di naman siya amerikano, pinoy siya." Pagtatama ko. "Ay? Pinoy ba siya?" Nalito na tanong nito."Wag mo baguhin ang topic natin. Tinatanong kita, bakit alam ng mga boss mo na kapatid mo 'yong lalaking iyon? Saan mo siya napulot?" Kunot-noo pa ring tanong nito. "Lem, di ko kasi alam paano ko ipapaliwanag---" "Bakit? Ipaliwanag mo," pilit nito. "Di ko alam saan ko sisimulan pero---" naputol ulit ang sasabihin ko. "Kailangan ko ang paliwanag mo. Paano ako makikisakay sa sekreto mo kung di mo sakin sasabihin ang to

