ELIZABETH VILLATORTE POV:) Hihiga na sana ako nang marinig ko nalang na tila nagsisigawan sa labas sila Ros. Kinabahan naman ako kung ano na nangyayari sa kanila sa sala. Tatayo na sana ako nang pigilan ako ni Miss Mandy. "Wag na. Nababakla na naman yung mga 'yon. Hayaan mo lang para matuto." Sabi nito habang nakatingin sa repleksyon sa salamin na pinahiram ko sa kanya kanina. Mina-massage niya ang mukha niyang may naka-dikit na facemask doon. "Hmm," naisaad ko na lamang. Walang magawa kaya naupo na ulit ako. Naalala ko na takot pala sa ipis si Ros. Baka siya yung nagsisigaw sa sala. Masyado pa naman isip bata iyon, wagas pa sa babae magsisigaw sa takot. Di ko tuloy alam kung lalabas ako para kumpirmahin kung nakakita sila ng ipis sa bahay. Ma-ipis talaga dito, ano ba magagawa ko e wa

