ANDREW SY POV:) Pinagbuksan ako ng pinto ng assistant ko. Tumikhim muna saka ako pumasok sa loob ng kotse. Pagkatapos ay sinara na nito ang pinto at sa kanilang pinto naman ito pumasok. Pagkapasok nito, mabilis naman binigay niya sa akin ang isang brown envelope. Nakaupo kami sa backseat pareho at may sarili akong driver ngayon. "Eto na ba?" Tanong ko. "Opo. Resume po iyan ng janitress at andyan na rin po ang copy ng birth certificate niya." Sagot nito. Binuksan ko naman iyon at tiningnan ang papeles doon. "Elizabeth Villatorte," basa ko sa pangalan niya."Wala siyang middle name?" Tanong ko. "Base po sa napagtanungan kong mga katrabaho niya, patay na po ang ina niya. Taga probinsya po siya at lumuwas siya dito sa maynila para hanapin ang ama niya." Paliwanag nito. "Ibig sabihin, hi

