ELIZABETH VILLATORTE POV:) "Aling Loreta, Mang Josefino, alis na po kami!" Paalam ni Lemuel dito. "Alis na po kami. Maraming salamat po," sabay pasalamat naman ni Sir Johnser at Ros. "Sige, mag-iingat kayo." Nakangiting sabi ni Aling Loreta at kumaway sa amin. "Kuya Ros, yung secret natin ah?" Nakangiting pahabol ni Tonyet. Nagkindatan lamang ang dalawa na tila nagkasundo ito sa isang bagay. Ano kayang sekreto ng dalawang 'to? Pababa na nga kami ng bundok at hindi ko mapigilang matahimik at tulala lamang habang naglalakad. Inaalala ko pa rin ang sinabi ni Lemuel sa akin. Kinabahan tuloy ako pero alam kong hindi ganun si Ros. Hindi siya ganoon na taong mapagpanggap. "Okay ka lang?" Gulat na napatingin na lamang ako sa gilid ko nang may humawak sa braso ko. Nakita ko namang si Sir

