ELIZABETH VILLAPORTE POV:) "Beth, tara! Punta na tayo ng peryahan!" Sigaw ni Lemuel sabay pasok sa loob ng bahay. Nag-aayos na sila Ros at Sir Johnser habang ako ay kakatapos ko lang maghugas ng pinagkainan at nilalagay ko na ang mga pinggan sa lagayan nito. "Oo, sandali lang. Tapusin ko lang ito," sagot ko kaagad dito sabay punas ng basa kong kamay sa telang nakasabit sa pako. Kakatapos lang namin kumain at may lakad nga kami ngayon. Papunta kami ngayon ng peryahan para mag-enjoy at manood na rin ng sayawan. Desperas na bukas ng fiesta dito at bukas rin matutuloy ang Reach-out Program na naudlot dahil sa sama ng panahon kaninang umaga. Naglakad na ako papuntang pintuan nang sumulpot kaagad doon si Ros."Di ka pa tapos?" Tanong nito sa akin. "Kakatapos lang," sagot ko dito. Binigyan

