MOTHER'S day, isa sa mga okasyon na dagsa ang customers sa Dangwa. Sobrang bili ng mga bulaklak na planong ibigay ng mga asawa, anak, kamag-anak ng mga nanay at tatay, tita, na tumayong nanay rin sa mga anak at pamangkin. Tulad ng Tita Agnes ni Angel, na abala sa pag- assist ng mga customers sa mga oras na 'yon. Minsan pa ay inalala ni Angel sa diwa ang masasayang araw nila ng mama at papa niya sa tuwing may okasyon na gano'n. Hay, tama na, Angel. Huwag ngayon... Ayaw naman niyang maging pabigat sa tita niya at kay Theo. Kaya dapat na niyang itigil ang pag-iisip ng kung ano-ano. Focus. Grind lang ng grind, 'yon, gano'n lang dapat. Nakakatulong 'yon sa pag-usad. Sa saglit na paglimot. Proven and tested niya na. "Ang daming tao, Sis! Kumain ka na at ikain mo na lang muna kami ni Tit

