Ang paglipas ng mga oras, araw, linggo, at buwan sa kanilang dalawa ay naging kasingbilis na kagaya ng pagbagsak ng ulan sa lupang bahagyang tinigang ng tag-araw. Lalo pa silang napalapit na dalawa sa isa’t-isa nang hindi nila namamalayan. Magkatulong nilang isinaayos ang kanilang maliit na tahanan at magkatulong rin silang nagplano kung ano na ang magiging itsura pa nito, mula sa mga kagamitan at mga design ng silid, sala, kusina at maging ng bawat mga banyo ng silid. Pinasimulan nila ang pagpaparenovate dito na itatayo lang sa gilid ng bahay na tinitirhan nila pagkaraan ng dalawang buwan ng kanilang naging plano. Magkasama silang dalawa na pumili ng mga kagamitan doon, at nang dahil sa bagay na iyon ay lalo pa silang naging close na aakalain ng mga makakakita ay tunay nga silang magkasin

