Mag-isang nanood si Gucci ng palabas sa TV ng gabing iyon dahil hindi na muling lumabas pa si Damian ng kanyang silid upang samahan siya nito. Hindi tuloy maunawaan ng dalaga kung ano na ang mga nangyari sa palabas na kanyang pinapanood. Hindi iyon pumasok sa kanyang isipan na ginugulo ng katauhan ni Damian. Bagay na lalong nagpa-inis pa sa kanyang sarili dahil hindi niya rin maunawaan ang mabilis na pagtatampo ni Damian sa kanya ngayon. Naisip niya na wala namang problema sa perang ginagastos nila, babayaran naman ni Damian iyon kapag nagbalik na ang kanyang mga alaala, kaya bakit pa nito kailangang magbanat ng buto sa Hacienda Go. “Nagtatampo pa rin kaya iyon sa akin?” wala sa sariling tanong ng dalaga sa kanyang sarili na panay ang sulyap sa malayong pintuan ng silid ng binata na ka

