Malakas na sumara ang pintuan ng silid ni Damian nang hilahin ito ni Gucci, nagmamadali ang kanyang mga hakbang patungo sa kanyang silid habang mariing hawak ang kanyang dibdib. Hindi niya maintindihan ang bolta-boltaheng kuryente na dumadaloy sa kanyang kalamnan. Hindi niya masabi kung dahil ba iyon sa halik o nang dahil sa mga ngiti nito na nakakaakit. Ilang beses siyang humugot ng malalim na hininga at lumunok ng laway upang kalmahin ang sarili. Tila nakalutang pa rin sa sahig ang kanyang dalawang paa, kagaya nalang ng pagkakalutang ng labi ng binata sa kanyang bibig. Sa pakiwari ng dalaga ay nandoon pa rin iyon, mariing nakadikit. “Bakit niya ako hinalikan?” maang na tanong niya sa kanyang sarili habang marahang isinasara ang pintuan ng kanyang silid, “Teka bakit ako pumayag na gaw

