Malalim akong suminghap sabay nanlalaki ang matang napatakip labi. Nasa entrance na ng restaurant sina Aliston, kasama ang maganda, sexy, matangkad, maputi at mala-model na babae. Hindi yata sila nagkakalayo ni Atticus ng type. Gusto kong magtagal at tignan sila, pero pinuno na ako ng kaba nang maalalang hindi niya naman alam na nandito ako at kasama pa talaga si Atticus! "Our orders are coming, what else do you want?" While Atticus is oblivious of the fact that we're about to encounter his brother! "Pumili ka pa, don't be shy. Walang hiya ka naman." "Atticus!" Hinampas ko siya sa braso kaya matalim niya akong binalingan. Malalaki ang mata ko siyang binalingan din. "What?" "Nandito si Aliston," bulong ko. "May kasamang babae..." Tinaasan niya ako ng kilay, at binitawan ang menu s

