Nilapag ko ang kanin at ulam sa harapan ni Atticus saka siya sinalinan ng apple juice at tubig sa dalawang baso. Naupo rin ako sa kaharap niyang upuan at kinunutan siya ng nuo. "Balak mo bang tumunganga na lang sa'kin buong gabi?" Tanong ko. "Hindi ka mabubusog kakatutunganga sa'kin, Atticus." Para kasi siyang tangang nakatunganga sa'kin. "Pero nabusog na ako kakapanuod sa'yo, Eve," sagot niya at ngumisi. "Actually, I'm no longer hungry." "May tupak ka na, kumain ka na lang at umuwi." "Pauuwiin mo'ko agad?" "Malamang!" "Then I won't eat, para hindi ako makauwi." "At saan ka matutulog? Don't tell me you're planning of sleeping here!?" Ngumisi siya lalo at tinukod ang dalawang siko sa mesa saka inilapit ang mukha sa'kin. Awtomatiko akong umatras kaya nagtaas-kilay siya. "Umayos ka

