“Where’s Ava right now?” tanong ko may Ryan. Narito siya ngayon sa kumpaniya. Dahil siya ang tumatayo na sekretarya ko rito. Kael lang din ang tawag niya sa akin at hindi ‘boss’. Ayoko naman na ipaalam sa mga tao rito kung sino talaga ako. Alam ko naman na normal na tawag lang din sa CEO ang boss. Pero ako mismo ang nag-utos kay Ryan na ‘yon ang itawag sa akin. “It’s been three days since she’s not going out of her room sa hotel na tinutuluyan niya ngayon. Nakabantay naman ang mga tauhan natin sa kaniya. Hindi siya sa hotel na mamahalin tumutuloy ngayon,” sagot niya sa akin. Malamang ay hindi na niya babalakin pa na roon tumuloy. Dahil mas mapapamahal lang siya sa bayad. Sa tingin ko rin ay nagtitipid na siya ngayon. Balak pa ba niya na hintayin na maubos ang natitirang pera sa wallet

