Nakarating na agad si Ava muli rito sa opisina ko. Pinatay ko naman ang computer para hindi niya makita na pinapanood ko siya. Nakaupo lang ako roon at hinihintay siya na pumasok sa loob ko. Nakatuon ang magkabilang braso ko sa lamesa at itonuon ko rin ang mukha ko sa kamay ko. Para bang nang-aasar ako sa kaniya.
“What do you want me to do? I’m sure that you have your f*çkīng plans against me! Tell me! What should I do to make you stop?!” sigaw niya agad nang makapasok siyang muli sa loob ng opisina ko. Dere-deretso siya ng lakad hanggang sa makarating siya sa harapan ko.
Sumandal naman ako sa upuan. “Woah, woah! You’re aggressive, huh?”
“F*çk you! Drop the act! I know that you’re a bad guy!”
“Am I really the bad one here? What did I do wrong to you, huh? I told earlier that you should blame your mother instead of me.”
Narinig ko pa nga kanina ang binanggit niya sa elevator na ang nanay niya pala ang may kasalanan kung bakit nangyayari ‘to sa kaniya ngayon. Gusto pa nga niya na makita kung ano ang magiging hangganan nito.
“I don’t know kung ano ang nagawa sa ‘yo ni Mom. Huwag mo akong idamay! Kung gusto mo na maghiganti sa kaniya, then go and follow her to death!”
“Hmm… I don’t like your attitude. Ano pa ba ang pwede kong makuha sa ‘yo? May pagmamay-ari ka p ba?”
Nakita ko na mas nangaliti siya sa galit dahil sa mga sinasabi ko sa kaniya. That’s what I want. Gusto kong makita na mas nagagalit siya sa akin.
“Or maybe… I can get your virgíníty? Should I do that? Let me taste you,” dagdag pa na pang-aasar ko sa kaniya. Come to think of it, ‘yon na lang naman talaga ang makukuha ko pa sa kaniya at wala nang iba pa.
“What?! You f*ćkíng bastard! You’re really crazy! Isa kang malaking gago! Sa tingin mo ba ay gano’n ako karuming babae at madali lang makuha? Magpapakamatay na lang ako kaysa patulan pa ang isang hayop na katulad mo!” sigaw pa niyang muli sa akin.
“Then die. Kill yourself now.”
Biglang sumeryoso ang mukha ko nang sabihin ko ‘yon. Tumayo ako at muling lumapit sa kaniya. Tila ba napako ang kaniyang mga paa sa kinatatayuan niya ngayon. Hindi siya makagalaw. Hinawakan ko naman ang kaniyang panga at inilapit sa akin ang mukha niya.
“Do you want me to kill you with… so much satisfaction? With so much pleasure? Do you want that, huh?” I said with a sexy voice. Trying to seduce her.
“F*ćk off!”
Bago pa niya maisaksak sa akin ang maliit na kutsilyo na hawak niya, agad ko nang napilipit ang kaniyng kamay. “AHH!” sigaw niya dahil sa sakit ng ginawa ko.
Nginisian ko siya nang mabitawan na niya ang kutsilyo. Nakahawak pa rin ang isang kamay ko sa panga niya at ang isang kamay ko ay nasa kamay niya.
“Do you really think you can stab me that easily? Kahit nakatalikod pa ako sa ‘yo ay hindi mo ako masasaksak. You don’t know who you are dealing with, Ava,” nang-aasar pa na sambit ko sa kaniya.
Sinipa ko palayo ang kutsilyo at binitawan na siya. Napansin ko kasi na gumalaw ng bahagya ang kanang kamay niya kanina, kaya naghanda na ako. Kahit hindi ako masiyadong nakatingin ay napansin ko na ang matulis na metal na hawak niya kanina. Binalak pa talaga niya na saksakin ako? Masasabi ko na may kakaiba talagang tapang ang babae na ito.
“You will pay for this! I will make sure that I will get back to you!”
“Akala ko ba ay bumalik ka rito para tanungin ako kung ano ba ang dapat mong gawin para tigilan ko ‘to sa ‘yo?”
Ang bilis namang magbago ng mood niya. Magpasalamat pa nga siya at hindi ko pa siya nasasaktan ng tuluyan. Kanina pa ako naiirita sa boses niya na palagi akong sinisigawan. Magkalapit lang naman kami, pero kung makasigaw siya ay akala mo nasa malayo ako. Ganito ba talaga ang babae na ‘to?
“Fine. Tell me now. Hindi ‘yong puro kagaguhan ang mga pinagsasabi mo sa akin.”
“I guess you still don’t know the real reason kung bakit nasabi ko na pati ikaw mismo ay pagmamay-ari ko na.”
“What do you meant by that? Ano na naman ang aaminin mo sa akin? May hindi pa ba ako nalalaman?”
I planned this already. It’s time to execute it. Kung hindi naman siya bumalik sa akin ngayon, e ‘di sana ay hindi pa niya agad malalaman ang tungkol dito. Bakit kasi ang bilis magbago ng mood niya? Tsk. Maguguluhan na naman tuloy siya. But this is what I want!
“Your mother sold you before she died. She made a contract that you’re her biggest asset. Ginawa kang pangbayad ng nanay mo sa utang niya. Don’t you know that?”
“W-What? May utang siya sa ‘yo?”
“That’s what I have said. Hindi lang siya sa akin may utang, pati sa iba pang mga businessmen. But don’t worry, nabayaran ko na sila. Dahil ang kapalit ay pagmamay-ari ko na ang kumpaniya na ‘to at ang iba pa na mga kinuha ko mula sa ‘yo. Sa akin na lang hindi nagbabayad ang ina mo. Ang kasunduan namin ay ikaw ang magiging kabayaran.”
Of course, I made that too. Hindi totoo ‘yon. Pero kasama sa plano ko. I made a fake contract, but with Arlyn Wrenley’s fingerprint signature. Matagal ko na ‘yon na nagawa. Lasing na lasing si Arlyn na galing sa bar noon kaya wala siyang kamalay-malay na napapirmahan ko ang kontrata na ginawa ko gamit ang fingerprint niya. So, literally… Hindi naman pekeng kontrata mismo. Hindi lang niya alam na may gano’ng klaseng kontrata. Kaya nga ngayon ko lang nilabas noong namatay na siya. Dahil anak niya lang ang dapat na makarinig at makaalam ng tungkol dito.
“If you don’t believe me, I will send the files of our contracts with you. It has our attorneys and our own fingerprint signatures. Ah, that was way back year 2019. Matagal-tagal na ang utang niya sa akin. Plus the interest, right? It’s been four years,” dagdag na paliwanag ko pa sa kaniya.
Napaupo na lang siya sa sahig dahil mukhang hindi na niya makayanan ang mga sinasabi ko. “Now you know the reason why I am doing this to you. If you understand, behave yourself. Ayoko sa lahat ay ‘yong taong nagpapainit ng ulo ko,” dagdag ko pa muli sa kaniya.
“I can’t believe everything… It’s so hard… I—I… I don’t know what to do anymore,” nanghihina pa na sambit niya sa akin.
“You are already sold to me.”
Wala ka nang magagawa pa, Ava Wrenley. Hindi mo na rin mapipigilan pa ang plano ko para sa ‘yo. Isisi mo lahat sa ina mo. Hindi mo alam kung gaano kasakit mawalan ng ina. Ako pa ang kinalaban ng ina mo. Kailangan kong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kapatid at ina ko. Isusunod ko na sa plano ang magaling kong ama sa tamang panahon.
Ava Wrenley has been sold to me… the mafia boss billionaire.