“Are you insane?!”
Malakas niya akong tinulak, pero hindi ako natinag. Ni hindi nga ako nakalayo sa kaniya kahit isang hakbang. Tinawanan ko naman ang reaksyon niya na ‘yon.
“Why? Hindi ka ba naniniwala sa mga sinabi ko na ‘yon? Or do you want me to still prove it to you?” nang-aasar na tanong ko pa sa kaniya.
“Yes! Prove it to me! Hindi ako papayag na makukuha mo sa akin ang lahat. I don’t even know you! Crazy jerk!”
Aalis na sana siya sa loob ng opisina ko nang pigilan ko siya. Hinawakan ko siya sa kaniyang kamay. Saka ko kinuha ang phone ko at tinawagan si Ryan.
“Not so fast, young lady. Hindi pa tayo tapos mag-usap, kaya hindi ka pa pwedeng lumabas ng opisina ko,” sambit ko sa kaniya.
“Bitiwan mo nga ako! Wala kang pakialam kung umalis ako rito! Hindi mo hawak ang buhay ko.”
“Your life will also end up being mine. Wala kang karapatan. Hindi ka makakahinga sa mundo na ‘to kung hindi dahil sa akin. Naiintindihan mo ba?”
Hindi siya makapaniwala na natawa dahil sa sinabi ko na ‘yon. Does she think I am a joke to her? Nakakinsulto ang pagtawa niya na ‘yon. Deretso naman niya ako na tiningnan sa mga mata ko.
“You know what? You’re so unbelievable.”
Nginisian ko siya. “You will believe me after hearing this.”
Tinawagan ko na si Ryan at agad naman niya ito na sinagot. Pinindot ko ang loud speaker volume, nang sa gano’n ay marinig din ni Ava ang sasabihin ni Ryan.
“How’s your work there? Are you finished already?” tanong ko.
“I’m done already. All the properties under Ava Wrenley’s name were already transferred to you, Kael.”
Masama na ang tingin sa akin ni Ava. “That’s not possible! How come?! And why?! Without my permission?! Ni wala akong kaalam-alam tungkol d’yan!” sigaw niya agad sa akin.
“Elaborate what are the properties that were transferred in my name,” utos ko pa kay Ryan.
“The properties are the company building, the ownership of the La’Viela Company, all the house and lots, all cars registered in Ava Wrenley’s name, furnitures, her debit cards. She doesn’t have any credit cards. Basically, walang matitira ni piso sa kaniya. Depende kung may pera siya sa wallet niya. ‘Yon na lang ang matitira. Ang mga personal na gamit naman niya ay hindi na kinuha, ayon sa utos mo.”
“Nasaan ang mga papeles na magpapatunay na pagmamay-ari ko na ang lahat ng ‘yon? And explain to her why those things and properties were already mine.”
“It’s because of her mother’s fault. Nakasalang na ngayon sa prosecution ang mga kaso ng kaniyang ina. Murder and stealing of properties. And because you’re now the CEO of La’Viela Company, sa ‘yo na mapupunta ang lahat ng ari-arian nila.”
Inutusan ko si Ryan na ‘yon muna ang sabihin. Wala akong balak na ipaalam agad kay Ava kung sino talaga ako at kung bakit ko ‘to ginagawa sa kaniya. Totoo na magnanakaw ang ina niya. Ninakaw niya ang mga dating negosyo ni Mom, pinalitan ang pangalan at ni-relocate lamang para hindi mahalata ng ibang tao na ‘yon na pala ang kumpaniya ng ina ko. But about the murder, I made proofs for that. Hindi siya mamamatay ng tahimik. Hindi sapat sa akin na namatay siya ng brutal. Kailangan ko pang sirain ang pangalan niya. I manipulated a voice record just to ruin her. It’s not really manipulated. Dahil ang mga sinabi naman niya sa voice record na ‘yon ay kung ano mismo ang narinig kong mga salita na sinabi niya sa harapan ni Dad. ‘Yon ay ang binalak niyang patayin si Mom kahit humihinga pa sa ospital.
“T-That’s… absurd. It doesn’t make any sense. My mom is a murderer? And what did she stole?! My mom just died brutally!”
Tila nanghihina na siya ngayon. Pinatay ko na ang tawag kay Ryan at hinarap na muli ng ayos si Ava. “Blame everything on your mother. All of these were her fault. I’m just claiming what I own.”
Bumalik na ako sa upuan ko at pinanood ko siya na naguguluhan at hindi pa rin makapaniwala sa mga nabalitaan niya. Ito ang gusto ko. ‘Yong napapanood ko kung gaano siya mahihirapan sa buhay niya. Nawala na ang angas niya.
“I can’t… believe this is happening!”
Tumakbo siya paalis sa opisina ko. I opened the computer and watched all the CCTV footages. Nang sa gano’n ay makikita ko pa rin siya habang palabas siya sa gusali na ‘to. Nakita ko na nakatulala lang siya sa elevator ngayon. Miski sa elevator ay pinalagyan ko na ng voice recorder, nang sa gano’n ay maririnig ko pa rin ang sasabihin niya.
Nakita ko na kinuha niya ang kaniyang cell phone at mukhang may tinatawagan.
“Hello, Mr. Andrew? May I confirm that— What? What are you talking about? You’re not my lawyer anymore? Why?… Is it because of… So, it’s all true? I don’t have anything left for me anymore?”
Hindi ko man naririnig ang mga sinasabi ng kausap niya sa kabilang linya, pero naririnig ko naman ang mga sinasabi niya ngayon. Medyo naiintindihan ko rin kung ano ang ibig niyang sabihin. Malamang ay kinukumpirma na niya ngayon kung totoo ba na wala na siyang mga pagmamay-ari ngayon.
Nanglalambot na pinatay niya ang tawag. Nang makapunta na siya sa basement ay may nag-aabang na agad sa kaniya roon na mga tauhan ko. “Please give the key on your car, Miss. We already got your car and transferred it to the new CEO’s house. We need the key.”
“W-What?! Even my car here?!”
Wala siyang nagawa kundi ang ibigay ang susi ng sasakyan niya sa tauhan ko. Naiwan siya sa basement na nakatayo at nakatulala lang. Maya-maya ay nakita ko na pumasok ulit siya sa elevator at pinindot ang floor kung nasaan ako ngayon.
“Oohh… She’s going back here, huh?” kumento ko nang makita ko siya.
I am very satisfied right now about her reactions. It’s priceless! Kitang-kita ko na agad ngayon kung paano siya nahihirapan at nagdudusa. Paano pa kaya kapag mas tumagal pa? Sinigurado ko rin na walang tatanggap sa kaniya na kahit anong trabaho, kung sakali man na balakin niya. I already ended her future.
“So these bullsh!ts happened because of her, huh? Let’s see the ending of this…”