MAFIA 6

1262 คำ
Nag-igting ang panga ko nang marinig ang sinabi sa akin ng babae na 'to. Nilapitan ko siya at nginisian. "Isang linggo pa lang tayo na hindi nagkikita, hindi mo na agad natatandaan kung sino ako?" sagot ko sa kaniya na tila ba nang-aasar. Kinunutan naman niya ako ng noo dahil sa sinagot ko sa kaniya. Tila ba mas pinapamukha niya sa akin ngayon na hindi niya talaga ako kilala. Wow! Nagka-amnesia na ba ang babae na ito matapos nang kamatayan ng ina niya? Imposible na makakalimutan niya agad ako. Pwera na lang kung masiyado siyang gulat na gulat sa pangyayari kaya hindi na niya namalayan na hinila ko pala siya papasok sa loob ng kumpaniya niya noong nakaraan na linggo. "May I see your ID, please? As you can see, we tightened our security, and we don't allow anyone to just come in here and barge like a trash," matapang naman na sagot niya sa akin. Ah, kakaiba ang tapang niya ngayon. Hindi ko naman nakita ang ugali niya na ito noon. She's really interesting. Mayroon sa kaniya na sobrang nakukuha niya ang atensyon ko. Sigurado ako na may kakaiba sa babae na ito. Para sa akin ay medyo misteryosa pa siya. Masasabi ko na magaling siyang magtago ng tunay niyang nararamdaman at emosyon. Base na lang sa nasaksihan ko noong namatay ang ina niya, tapos ngayon. Nginisian ko ulit siya. Kung gusto niya na makipag-asaran ay hindi ko siya aatrasan. Magpasalamat na lang siya sa akin na hanggang ngayon ay nabubuhay pa siya sa mundo na ito at nagagawa pa niya akong yabangan ngayon. Dahil sa akin kung bakit hanggang ngayon ay buhay pa siya. I will let her enjoy her remaining happy life before I start my plan against her. Tingnan ko lang kung ano na ba ang magiging reaksyon niya. Makakapagyabang pa ba siya sa akin ng ganito sa oras na simulan ko na ang plano ko laban sa kaniya? "Why are you smirking at me? Wala ka bang ID na maipapakita sa akin? Then if that's the case... guards!" Inis ko siyang sinakal. Hindi naman sobrang lakas dahil kahit papaano ay pinipigilan ko pa ang sarili ko. Narinig ko pa ang reaksyon ng mga empleyado sa paligid ko nang makita nila ang ginawa ko sa kinikilala nilang amo nila. Mga inutil. "Do you think I'm a joke to you? I am Kael Rowan, the biggest shareholder of this company. Don't you know? Mas mataas na ang shares ko sa kumpaniya na ito kumpara sa 'yo. Basically, La Viela is already mine. Lahat ng narito ngayon, pati na rin ang mga tauhan dito, at ikaw, ay pagmamay-ari ko. Ngayon... kilala mo na ba ako?!" sigaw ko sa kaniya. Nakita ko naman na nagbago ang reaksyon ng mukha niya nang marinig niya ang sinabi ko. Binitawan ko naman ang maliit niyang leeg. Base pa lang sa reaksyon niya ngayon ay hindi na siya makapaniwala sa narinig niya. Nawala ang angas niya ngayon. Natahimik din ang mga tao sa paligid. Sigurado naman ako na narinig ng lahat ang sinabi ko. Nilibot ko naman ang paningin ko. "Spread the word. I, Kael Rowan, is now the owner of La Viela Company. Siguraduhin niyo na malalaman ng lahat ng nagtatrabaho rito sa kumpaniya kung sino ako. Dahil sa oras na may hindi makakilala sa akin ay agad na masesesante," banta ko pa sa lahat. Aligaga naman sila na kinuha ang kani-kanilang mga cell phones at nag-type na. Sigurado naman ako na mabilis lang kakalat ang balita tungkol sa akin. Baka nga hindi lang dito sa loob kumalat ang balita, kundi pati na rin sa labas. Tiningnan ko naman si Ava na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita at mukhang hindi pa rin makapaniwala. Hinawakan ko ang kamay niya at pwersahan siya na hinila papunta sa elevator. "W-What are you doing?!" sigaw pa niya sa akin. Pinilit niya na magpumiglas sa hawak ko, pero hindi naman siya malakas para makatakas pa sa hawak ko. Kami lang dalawa ang nasa loob ng elevator ngayon at paakyat na kami sa opisina ng CEO, ang opisina ko simula ngayong araw. Napansin ko na tumitingin-tingin sa akin si Ava, kaya walang emosyon ko siya na tinitigan. "So, you're that guy from last week," mahinang sambit niya sa akin. Parang akala mo ay bigla siyang naging maamong pusa. Kung kanina ay para siyang tigre na ang tapang sa harapan ko. Ngayon naman ay isa na siyang pusa na halos hindi ako matingnan ng deretso sa mga mata ko. "Do you remember me now? Or you still want me to tell everything to you that happened last week--" "No need... I don't want to hear it," putol niya agad sa sinasabi ko. Hindi niya rin na ako ang anak ng lalaking pinakasalan muli ng kaniyang ina. Ang gamit kong apelyido ay kay Mom. Imposible rin naman na malalaman pa niya ang maiden name ng ina ko, dahil mukha namang wala siyang pakialam sa kung sino ang dating pamilya ng naging step-father. "Now let's talking. I hold the biggest shares of this company, more than yours..." "How... How is that even possible? I am the CEO of this company. My mother handed me this company before she died!" Nginisian ko naman siya nang marinig ang sinabi niya na 'yon. "And so? It's just papers. I can get this company by the shares that I hold. Remember that who ever have the biggest shares can be the CEO and the owner. Don't you know about that?" sambit ko naman sa kaniya. "But how can you become the biggest shareholder?" "I have my own ways..." Tila inaasar ko pa siya ngayon dahil alam na niya sa sarili niya na wala na siyang magagawa. Sa oras na makuha ko na ang kumpaniya na ito, marami pa akong plano para sa kaniya. "Who are you? Why arw you doing this to me? Why do you want to get this company that my late mother owned? I just don't get it... Bigla ka lang namang nagpakita sa amin noong araw na inilipat na sa akin ang kumpaniya na ito. Ni walang nakakakilala sa 'yo at lahat kami ay nagulat nang sabihin mo na ikaw ang may malaking shares sa kumpaniya. Alam ko naman na hindi ka rin nagsisinungaling. I already verified it." Ang dami namang drama ng babae na 'to. Masiyado siyang madaldal. Nagkunwari naman ako na nangangati ang tainga ko sa mga pinagsasabi niya. "Enough with your dramas. I don't have time to answer your questions. Hindi lang naman itong kumpaniya ang magiging pagmamay-ari ko simula sa araw na ito..." "W-What do you mean? May iba ka pang balak na agawain sa akin?!" "Agawin? That's not the right term for that. Because I have the rights to get everything away from you. In the first place, wala kang pagmamay-ari na kahit na ano." "Kael Rowan, sobra ka na! That's not fair! I don't even know who you are! Kaya kung may iba ka pang binabalak sa akin, 'wag mo nang ituloy! Hindi ako papayag na makukuha mo sa akin ang mga pagmamay-ari ko!" Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Nakita ko sa mga mata niya ang biglaang takot dahil sa paglapit ko. Ang mga mata ko ay deretso lamang na nakatingin sa kaniya. Seryoso lang din ang mukha ko. Napaatras siya hanggang sa tumama ang kaniyang likuran sa pader. Inilagay ko ang isa kong kamay sa pader at nasa gilid ng mukha niya. "Your company, your house and lots, your cars, your furnitures, your body, your soul, and everything... All of it are mine."
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม