“Boss! I have news for you!”
I was busy training my new men when Ryan suddenly called me. Tiningnan ko naman siya. “What?” walang emosyon na sagot ko sa kaniya.
“Let’s talk inside your office.”
Sa sinagot niyang ‘yon ay alam ko na agad na importante ang kailangan niyang sabihin sa akin.
Tiningnan ko naman ang mga bagong tauhan ko.
“Continue your training. Huwag kayong hihinto hangga’t hindi ko kayo pinagpapahinga. Ang mahuli ko na nagpapahinga kahit wala ako rito ay makakatanggap ng matinding parusa mula sa akin.”
Sinisigurado ko na wala nang pamilya ang mga lalaki na ‘to. Naghahanap kami ng mga bagong tauhan dahil marami ang namatay sa amin noong nakaraan na insidente. Nahanap namin ang mga ‘to sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Karamihan sa kanila ay walang trabaho at walang pamilya, ang iba naman ay napulot sa lansangan. Mga minor pa ang karamihan dito. Around 16-17 years old. Ang iba naman ay nasa edad 23-24 na. Pumayag sila na mag-training sa amin. Kinilala rin namin sila at maraming test ang ginagawa namin sa mga tauhan namin. Hindi lang namin basta-basta napulot tapos ieensayo na agad. Pinapirma rin namin sila ng mga kontrata. Handa naman silang mamatay. Pero bago naman namin sila isasabak sa isang matinding labanan ay hinahanda muna namin sila.
Sinabihan ko na rin sila sa mga kailangan nilang malaman sa trabaho na ito. Sa oras naman na may mahuli ako na tumatraydor sa akin ay kamatayan ang abot nila. Pinakita ko kung gaano ako nakakatakot, nang sa gano’n ay hindi na nila balakin pa na tumagilid sa akin. Hindi ko rin sinasabi sa kanila kung sino ang mga may balak na kumalaban sa akin o ‘di kaya ay kung sino ang kumakalaban sa akin. Mahirap na dahil kapag kilala nila kung sino, mas magkakaroon sila ng ideya kung sino ang pwede pa nilang kampihan bukod sa akin.
“What is it?” tanong ko kay Ryan nang makapasok na kami sa loob ng opisina ko.
“It’s about that girl, Ava… What do you plan to do with her? She gathered all the shareholders of La Viela without informing you, Boss. They had an emergency earlier.”
Napakunot ang noo ko nang marinig ang sinabi sa akin ni Ryan. “What? Why did she do that?”
“I don’t know yet, Boss—”
“F*çk your ass, Ryan! Nagbabalita ka sa akin ngayon, pero hindi kumpleto ang impormasyon na dala mo?!” inis na sigaw ko kaagad sa kaniya.
Napayuko naman siya dahil sa sinabi ko na ‘yon. “I’m sorry, Boss. Naghigpit bigla sa La Viela ngayon. Hindi na rin basta-basta makakapasok ang kahit na sino without verifying your identity. Dapat din ay empleyado raw mismo o shareholder ng kumpaniya ang pwede lang makapasok sa loob. That was implemented earlier by Ava herself. ‘Yon lang ang tanging nabalitaan ko,” paliwanag pa niya sa akin.
Pinaikot ko naman ang swivel chair ko habang nag-iisip. “Imposible na hindi pa niya ako kilala. Alam na niyang ako ang may pinakamalaking shares sa kumpaniya. So she purposely didn’t invite me, right?”
“I think so too, Boss.”
“Something’s really fishy about that f*çkíng girl. Found out everything about her this instant. I want to know how many house she owns, where she currently lives, what are the plate numbers and colors of her cars, everything! I need to know every small details about her. Go!”
“Noted on everything, Boss!”
Mabilis naman na kumilos si Ryan at lumabas na sa opisina ko. Ako naman ay nag-iisip pa rin kung bakit hindi ako sinabihan ng babae na ‘yon. Para saan ang paghihigpit niya? Tungkol saan ang naging meeting nila kanina? Ano ang binabalak niya? Ang ayoko pa naman sa lahat ay ‘yong may sisira ng mga naging plano ko!
Tumayo ako at nagpunta sa shower area ng opisina ko. Dahil pinawisan ako kanina sa pagtuturo sa mga nag-eensayo ay kailangan kong mag-ayos ng sarili ko ngayon. Mabilis akong naligo muli at saka pumasok sa walk-in closet ko. Parang mini house ko na ‘tong opisina ko rito sa kampo. Lahat ng kampo namin ay may ganito akong klase ng opisina. Nang sa gano’n ay hindi ko na kailangan pang magdala ng mga gamit ko kapag bumibisita ako sa mga kampo namin.
Nang maayos ko na ang sarili ko ay tiningnan ko na ang kabuuan ko sa salamin. Damn, I’m so f*ćkīng hot! Nakasuot ako ngayon ng corporate attire. I should show that girl whom she’s messing with. Hindi ko nagugustuhan ang mga inaakto niya nitong mga nakaraan. Magpasalamat na lang siya na hindi ko pa sinisimulan ang plano ko sa kaniya dahil nagkaroon ng problema sa pagkamatay ng ina niya. Kung kami lang sana ang mismong nakapatay sa ina niya, wala na sana akong problema ngayon. Ang inaatupag ko na sana ay ang babaeng si Ava.
Lumabas na ako sa opisina ko at sumakay sa aking Rolls-Royce Boat Tail na sasakyan. Ito ay nagkakahalaga ng twenty-eight million dollars at mula pa sa US. One point five billion pesos ito kung ikukumpara sa pera sa Pinas. Kulay asul ito at bilang lang sa mundo ang mayroon ng ganitong klaseng sasakyan, lalo na at limited edition din. Marami pa akong mga mamahalin na sasakyan, pero ito na ang pinakamahal na sasakyan na nabili ko.
Mabilis ko iyon na pinaharurot paalis at nagsuot na rin ako ng sunglasses para agaw pansin. Wala itong bubong, kaya kita ako ng lahat ng mga madadaanan ko. Maganda rin ang ganitong klaseng sasakyan, lalo na at gusto kong nakikita ako ng lahat. I want attention. I want to let them know who I am. I want people to be curious about me. Kaya ganito ang mga sasakyan na gusto ko.
Nang makarating na ako sa harapan ng La Viela building ay napansin ko na agad na agaw pansin ako. Kahit nasa loob ang mga tao ay nakita kong nagtakbuhan sila sa entrance door para lang masilip kung sino ako. Alam ko naman na sobrang gwapo ko. Lumabas ako sa sasakyan ko. May lumapit sa akin na valet, ‘yong kumukuha ng sasakyan para iparada sa parking lot. Pero hindi ko siya pinansin. There’s no way I will f*čking let some loser drive my car.
“Sir, bawal po kasi ang magparada rito—”
“Don’t you know who I am?” tanong ko kaagad sa kaniya dahil hinarangan niya ako sa paglalakad ko. Papasok na sana ako sa loob ng building.
“Sorry, Sir. Pero hindi po, eh. Just let me park your car to the parking area. May iba rin po kasi na sasakyan na dadaan dito.”
Nag-igiting naman ang panga ko. Sinasayang ng hayop na ‘to ang oras ko rito sa labas. “Do you want to lose your job?”
Napayuko siya nang marinig ang sinabi ko na ‘yon. “I—I don’t want, Sir. But I need to do my job properly. So please allow me to park your car—”
“Then just block the freaking way, so that no one else will use this road other than me. This whole place will be mine. Don’t you know that?!”
“P-Po?” utal pa na sagot niya sa akin. Tiningnan ko naman ang pangalan niya sa gilid ng uniporme niya.
“So you’re Kyle, huh? You’re fired.”
Lalagpasan ko na sana siya nang may naalala pa ako. Dahil alam ko nang itatanong niya kung sino ako. “I am the biggest shareholder of this company. And I will also get this to be mine only starting today. Get your things here and go away.”
Tuluyan na akong pumasok sa loob ng building. Pero sa lobby pa lang ay mukhang mahigpit na nga ang lahat ng mga guwardiya. Lahat sila ay nakatingin na sa akin, miski ang mga empleyado na kanina ay mukhang sobrang daming ginagawa.
Inalis ko naman ang sunglasses ko at tumingin sa babae na nasa information area. Seryoso lang ang mukha ko at hindi ko sila pinapakitaan ng kahit na anong reaksyon.
“Where’s Ava Wrenley?” tanong ko agad sa babae.
“May we know who are you, Sir? For verification only. Because we tightened our security and no one is allowed to go upstairs without verifying who you are and—”
“Shut up! Tell me where Ava Wrenley is. Or else, you will end up getting fired like that valet outside earlier. Do you want that?!” inis na sigaw ko pa dahil ang dami pa niyang sinasabi sa akin.
Ang simple lang ng tanong ko, pero hindi pa niya masagot kaagad. What’s wrong with these people? Gusto ba talaga nilang makilala kung sino ako?!
“May I ask who you are? Why are you creating a scene here in my company?”
Oh, there she is. The b***h that I have been waiting for…