MAFIA 4

1403 คำ
Me? Running away from those sh!t?! Hell, no! Sila ang mapapatay ko and not the other way around! Maswerte pa siya na wala ako sa wisyo ngayon. Kundi ay kawawa siya dahil sabog na agad ang bungo niya sa oras na tumama ang bala ng baril ko sa ulo niya. Inis akong pumasok sa sasakyan ko at pinaharurot ‘yon ng mabilis. Wala akong panahon sa mga laro nila sa nagayon. Ang mas mahalaga sa akin ngayon ay malaman kung sino ang hayop na sumira sa plano ko. Nang makarating na ako sa kampo namin ay agad kong nakita sina Ryan at ang mga tauhan ko na nag-aabang sa akin. Nilapitan naman ako ni Ryan nang makita niya ako. “What happened?” tanong ko agad. “Ang isang kampo natin sa probinsya ng Laguna ay natagpuan ng mga gustong kumalaban sa atin. Hindi ko inaasahan na may kakalaban sa atin,” pagbabalita niya agad sa akin. “What?! How the f*çk did they found out about our organization?!” galit na sigaw ko. Ni walang nakakaalam, bukod sa amin, ng tungkol sa organisasyon namin na ‘to. Dahil tago lang kami. May matino akong mga negosyo. Ang organisasyon ko lang na ito ay ang pagpatay sa mga matitinding kriminal dito sa bansa namin. Para mabawasan ang mga salot. Wala ring nag-uutos sa amin na patayin sila, dahil ako mismo ang kusang nagpapapatay sa mga ito sa oras na malaman ko sa balita ang mga krimen na nangyayari sa bansa. Kaya paano kami magkakaroon ng kalaban? Lalo na at tago ang organisasyon namin. Malinis kami kung kumilos. Wala kaming iniiwan na kahit na anong ebidensiya laban sa amin. Tanging ang bangkay lang ang naiiwan namin. “I’m sorry, Boss. Hindi ko pa sigurado kung sino ang mga kumakalaban sa atin—” “AAHHH! DAMN IT!” Galit na sigaw ko at pinagbabaril ko ang mga papel na nasa harapan ko. ‘Yon ang mga nagsisilbing targets kapag nag-eensayo ang mga bago kong tauhan. Natahimik ang mga tauhan ko at galit ko silang tiningnan. Pinipilit kong kalmahin ang sarili ko. “So what happened to our f*çkíng base?!” “It was blown out. May nagtanim ng bomba sa loob at hindi namalayan ng ating mga tauhan. Nineteen of our men died and only one survived. Thankfully, the others were outside the building kaya hindi sila nahagip ng bomba. But our base was wrecked…” Nasapo ko ang ulo ko sa sobrang galit ko ngayon. Binato ko naman ang papel sa kaniya. Ang papel na nakuha ko kanina sa nakakotse na humarang sa akin. “Check that paper. Tingnan mo kung may makukuha ka na kahit ano d’yan. Sa tingin ko ay iisa lang ang hayop na nagpadala sa akin n’yan at ang sumabotahe ng kampo natin ngayon, pati na rin ang nangyari sa La Viela kanina. Tang ina! Sisiguraduhin ko na hindi na sila sisikatan ng araw sa oras na makita ko sila!” galit na sigaw ko pa. “Yes, Boss. Ang katawan ng mga tauhan natin na namatay ay na-cremate na agad. Wala naman na silang mga pamilya rito, kaya mas madali. Nang sa gano’n ay hindi makita ng mga awtoridad ang nangyari. Nalinis na rin namin agad ang kampo natin at wala kaming iniwan na kahit anong ebidensiya roon. Medyo malakas din ang naging pagsabog, kaya sa tingin ko ay may mga nakarinig mula sa bayan,” dagdag na paliwanag pa niya sa akin. Nabawasan na kami ng isang kampo ngayon at marami-rami sa mga tauhan ko ang namatay. Hindi ko inaasahan ang pangyayari na ‘to at hindi rin kami nakapaghanda. Kaya hindi ko rin magawang sisihin ang mga tauhan ko. Sa iba’t-ibang mga probinsya rito sa bansa namin ay may mga kampo kami na nakatago malapit sa gubat. Nilayo namin sa mga may bahay nang sa gano’n ay walang mapapadpad na kahit na sino sa mga kampo namin. Para rin tago at walang makakaalam ng tungkol doon. “Imposible talaga na may makaalam ng tungkol sa organisasyon natin. Did you checked on my father?” Siya lang naman ang bukod tangi na may malaking posibilidad na makaalam ng tungkol sa organisasyon ko. “We are keeping our eyes on him, Boss. Walang ginagawa na kahit na anong kilos si Torento. May mga tauhan din tayo na nasa pamamahala niya, kaya nalalaman namin agad kung may gagawin ba siyang kilos laban sa atin,” sagot ng isa kong tauhan. Torento ang tawag nila sa ama ko. Bigla ay may naisip ako. Pero hindi ko sasabihin sa lahat ng mga tauhan ko. “Clean everything and double check everything. Siguraduhin niyo na walang matitira na ebidensiya na kahit ano laban sa atin. Sigurado ako na sa atin ibabato ang kasalanan ng pagkamatay ni Arlyn Wrenley,” utos ko sa kanila. “Yes, Boss!” sabay-sabay na sagot nila sa akin. Sinenyasan ko sila na umalis na. Si Ryan naman ay pinapunta ko sa opisina ko. “There’s a spy among us,” sambit ko agad sa kaniya. Nagulat naman siya nang marinig ang sinabi ko na ‘yon. “That’s impossible, Boss. I checked every information of our men. Alam din nila ang ugali mo. Kaya imposible na may lakas sila ng loob para baliktarin tayo.” “No, I am f*ćkíng sure about it. May spy sa mga tauhan natin. Kung tayo ay nakapasok ng spy sa loob ng kuta ni Torento, may posibilidad din na nakapasok siya rito…” “Sa tingin ko ay hindi si Torento ang kumakalaban sa atin ngayon, Boss. Una pa lang ay hindi naman niya alam na may pinlano kang bumuo ng organisasyon noon. Kaya imposible na may ideya siya na mayroon na tayong mafia organization ngayon. Sa tingin ko ay iba ang kumakalaban sa atin.” “Kung si Torento nga na sarili kong ama ay walang ideya na mayroon tayong organisasyon na ganito, paano pa ang ibang tao? Ang pinakaposible lang na dahilan ay dahil mayroong umaaligid sa atin na nagkukunwaring kakampi, pero kalaban pala.” Napaisip na rin si Ryan sa sinabi ko na ‘yon. We need to check every possibilities. Marami ang mawawala sa amin sa oras na hindi pa kami nakaisip ngayon ng plano. Mahirap kalaban ang mga taong hindi mo kilala. “So what are you planning to do?” tanong naman niya sa akin. “Sa tingin ko rin ay iisa lang ang lahat ng gumawa ng kaguluhan sa araw na ‘to. Nagsimula sa pagpatay kay Arlyn Wrenley at sa pag-target sa akin. Hindi nila tinarget si Ava Wrenley. Kailangan mong malaman ang dahilan ng mga ‘yon. Pati na rin ang papel na binigay ko sa ‘yo. Dahil sa ngayon ay ‘yon pa lang ang mga clues na mayroon tayo. Ako na ang bahala sa mga tauhan natin.” “Sige, Boss. Noted on everything. Gagawin ko ang lahat para mahanap ang mga hayop na sumasabotahe sa atin ngayon.” Tinitigan ko naman si Ryan. Walang emosyon ako na nakatingin sa kaniya. “And you have to note that you have no exemption on this. I will also do a check on you. You can also betray me. Lalo na at ikaw ang mas kasama ko mula pa noon at hanggang ngayon,” bahagyang banta ko sa kaniya. Hindi naman siya natinag sa sinabi ko na ‘yon. “You can doubt me, Boss. I will still prove and show my loyalty to you. Kilala kita… Wala kang sinasanto, Kael.” Ngayon na lang niya ulit ako tinawag sa pangalan ko mismo. Dahil palaging boss ang tawag niya sa akin. Nginisian ko naman siya. “Siguraduhin mo lang din na wala akong makikita sa ‘yo. You won’t just face death. Tripleng kamatayan ang matatanggap mo mula sa akin sa oras na malaman ko na ikaw ang tumatagilid sa akin.” “Wala akong gagawin na ikakagalit mo.” “Ako na ang bahala kay Ava. Itutuloy ko pa rin ang plano ko sa kaniya. Something about her is bothering me too… I can sense that she’s up to something. Umalis ka na at simulan mo na ang trabaho mo.” Nagpaalam na sa akin si Ryan at naiwan na ako sa opisina ko mag-isa. Iniisip ko pa rin ang naging reaksyon ni Ava kanina sa kamatayan ng ina niya. What’s with her reaction earlier? It’s bothering me so much…
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม