MAFIA 3

1083 คำ
"What? Who the hell wants to target me?!" inis na tanong ko kay Ryan. Ni wala ngang nakakaalam na ibang tao na dadalo ako sa event na ito. Tapos sinasabi sa akin ngayon ni Ryan na ako ang target? "Our men was also killed by that one sniper. Isa lang ang nakaligtas. I told him to immediately run away and stay alive. Siya ang nagbalita sa akin na nakita niyang ikaw ang gustong target-in ng sniper at hindi si Ava," paliwanag pa niya sa akin. "That's impossible. Baka naman-- Oh, sh!t. Call some backup to clean those men who died. No one can find out that they are working in our organization," mahinang utos ko na lang sa kaniya. Napansin ko kasi si Ava na nanginginig na ng sobra ngayon at tila ba wala na sa sarili niya. Iniwan ko siya saglit sa pwesto namin kanina dahil kailangan naming mag-usap ni Ryan. Nang makaalis na si Ryan ay nilapitan ko muli si Ava. Hinawakan ko siya sa kaniyang kamay para umalis na sana roon, pero agad niyang hinablot ang kamay niya sa akin. "Who the hell are you?! Leave me alone!" sigaw niya sa akin bigla. Umiiyak na siya ng sobra. Palabas na sana muli siya ng building nang pigilan ko siya. Kunot ang aking noo habang nakatingin sa kaniya. Nagkakagulo pa rin ang mga tao na tumatakbo palabas ng building dahil sa takot. "Where do you think you're going?" "Bitiwan mo nga ako! I will go to my Mom!" sigaw pa niya sa akin. "Boss, the car outside is ready," rinig ko naman na sambit ni Ryan sa earpiece ko. Pinilit ni Ava na makawala sa hawak ko sa kaniya. Nang makawala siya ay agad siyang tumakbo palabas ng building. "Where's the sniper?" tanong ko kay Ryan. "Nag-iisa lang siya. Hinahabol na siya ngayon ng mga back-up natin. Pero sa tingin ko ay hindi pa nila nahuhuli." "F*çk. Get him at all cost!" Sinundan ko na si Ava sa labas ng building at nakita ko siya na nakatayo lang sa harapan ng nanay niya na nakahandusay sa sahig. Ah, disgusting! Nakita ko na nakamulat pa ang mga mata ng kaniyang ina at medyo nakanganga ng kaunti ang bibig dahil sa gulat na nabaril siya sa noo. Masasabi ko na magaling nga ang sniper na 'yon dahil walang nakahalata sa kaniya sa mga tauhan ko. Ang mga tauhan ko ay mahuhusay, kaya nagulat din ako na napatay sila ng iisang sniper lang. O baka dahil hindi lang sila nakapaghanda? Hindi rin naman namin inaasahan na may iba pang papatay sa babae na 'to. Ang pagkakabaril sa noo niya ay gitnang-gitna. Humahanga ako sa husay ng sniper na 'yon. Pero hindi ko lang gusto na binalak pa niyang sirain ang plano ko. Kailangan kong malaman kung sino ang nag-utos na patayin ang babae na 'to at target-in pa ako. Pinanood ko lang si Ava na nakatayo at nakatitig sa kaniyang patay na ina. Masakit ba? Masakit ba na makita na namatay ang ina mo sa harap mo? Gusto kong malaman at masaksihan kung paano siya nasasaktan ngayon. Dahil gusto kong maparamdam sa kaniya kung gaano kasakit ang mawalan ng magulang. Bigla ay umupo siya sa gilid ng kaniyang ina at lumapit sa tainga nito na tila ba binubulungan niya 'yon. Napakunot ang noo ko muli. Medyo malayo ako sa kaniya, pero nakikita ko ang pagbuka ng kaniyang bibig sa tabi ng tainga ng patay niyang ina. Ano ang binubulong niya? I creeped out by her actions. Lalo na noong nakita ko pa siya na ngumisi ng bahagya matapos niyang magsalita. Oh, damn. Is she crazy? Tumayo na siya at pinagpagan ang sarili niya. Pinunasan niya ang luha sa mukha niya at saka kinuha ang kaniyang cell phone. Mukhang may tinatawagan na siya. Lumapit na ako sa pwesto niya para marinig kung sino ang tinawagan niya. "There's an emergency here. We need an ambulance as fast as possible. There's... a dead person here," sambit niya. Nang mapatay na niya ang tawag ay nilingon na niya muli ang kaniyang ina, pero gamit na ang malamig niyang tingin. Wala na akong makita na kahit na anong emosyon ngayon sa mga mata niya. Nakakapagtaka... Bakit biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya ngayon? Kanina ay sobrang lungkot niya at todo iyak pa siya. Tiningnan naman niya ako. Gano'n pa rin kalamig ang tingin niya sa akin. "What?" tanong pa niya sa akin. "Do you know who am I?" "My mother just died in front of me. Tapos 'yan pa ang itatanong mo sa akin?" hindi makapaniwala na tanong niya sa akin. She's unbelievable. How can she switch emotions so fast? Like nothing happened? Ni isang luha ay wala na akong makita ngayon sa mga mata niya. Tila ba ibang tao na siya bigla. "Boss? Where are you? We need you to come here in our place!" narinig ko na sambit ni Ryan sa kabilang linya. Hindi rin nagtagal ay may dumating nang mga pulis at ambulansiya rito sa building. Hindi na ako pinansin pa ni Ava at inasikaso na niya ang kaniyang ina. Hindi ko na rin muna siya kinausap at umalis na ako sa lugar na 'yon. Sumakay ako sa sasakyan ko na nakaparada at nakahanda na. "What happened?" tanong ko naman. "We will explain everything to you here. It's a chaos here! F*çk!" Sa boses pa lang ni Ryan ay nahalata ko nang hindi ako matutuwa sa madadatnan ko na balita roon. Binilisan ko pa ang pagmamaneho ko, pero bigla ay may humarang na sasakyan sa harapan ko. Pwersahan kong itinigil ang kotse ko at agad na kinuha ang baril sa tabi ko. Galit ako na lumabas sa kotse ko at tinutok sa kotse. "F*çk you! What the hell?!" sigaw ko. Mainit ang ulo ko ngayon dahil sa mga nangyari sa plano ko. Tapos may gago pa rito na haharang sa dinaraanan ko?! Bigla ay may itinapon lang ang tao na nasa driver's seat. Isang papel 'yon. Pinaharurot niya agad ang sasakyan niya palayo, pero agad kong pinagbabaril ang kotse. Wala ako sa wisyo ngayon, kaya hindi tumama ang mga bala ko sa mismong gulong ng kotse. Kaya naman ay nakalayo na 'yon sa akin. "Ah, sh!t!" Kinuha ko ang papel na ibinato sa sahig ng hayop na 'yon. Nang makita ko ay may kakaibang logo na naroon. Isang logo ng ahas na kulay itim at malaki. Ulo lang at walang katawan. Sa tabi no'n ay may nakalagay. 'You better run... We are coming for you..."
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม