TODAY IS THE DAY THAT I WILL EXECUTE MY PLAN.
Sinuot ko na ang earpiece ko sa kanang tainga ko. Inayos ko na rin ang suot ko na corporate attire. I have my black suitcase.
"Is everyone ready and in their positions?" tanong ko sa mga tauhan ko. Kaya ako naka-earpiece ngayon ay dahil doon ko sila kausap. Nakapwesto na ang mga snipers sa 'di kalayuan ng La Viela building.
"We are all set, Boss."
"Good. I am on my way now. Keep your positions. Huwag niyong hayaan na mahuli kayo ng sekyuridad nila," bilin ko pa sa kanila.
Hindi ako papayag na may sisira sa plano ko na 'to. Matagal na panahon kong pinagplanuhan at pinaghandaan ang araw na 'to. Ang araw kung saan maililipat na sa anak ni Arlyn Wrenley ang kumpaniya.
"We won't ruin this operation, Boss."
"You better not. Because I will f**king kill you brutally if you ruin it," banta ko pa sa mga tauhan ko.
"Eyy, Boss. Masiyado mo naman silang tinatakot--"
"Shut up, Ryan."
Sinuway ko na agad si Ryan dahil alam ko naman na puro kalokohan lang ang sasabihin niya sa akin. Magkasama kami ngayon na papunta sa La Viela building kung saan magaganap ang event na paglilipat ng mana sa anak ni Arlyn.
Isa ako sa investor ng kumpaniya na 'yon. Hindi pa nila alam na sa akin ang may pinakamalaking shares ng kumpaniya na 'yon. Pantay lang kami ng anak niya na si Ava. Kahit pa siya ang magmamay-ari ng kumpaniya na 'yon, hindi ibig sabihin na siya ang may pinakamalaking shares sa kumpaniya. Kaya naman ay inuunti ko nang sinasagawa ang mga plano ko.
Si Ryan ang driver ko. Tinatamad akong magmaneho kaya siya na ang inutusan ko. Isa pa ay palagi naman kaming magkasama kahit saan ako magpunta. Pero baka sa oras na isagawa ko na ang plano ko para kay Ava Wrenley ay magsolo na ako. Mas makakahalata lang si Ava sa oras na palagi kong kasama si Ryan. Magpapanggap si Ryan ngayon na siya ang secretary ko. Hindi rin naman alam ng magaling kong ama na ako ang biggest shareholder sa kumpaniya ng anak-anakan niya.
"We have arrived in our destination, Boss," sambit sa akin ni Ryan. Marami-rami na ang tao sa labas. May mga ribbons na rin na nakaharang sa entrance ng kumpaniya.
Ang harapan ng building na 'to ay pataas, kaya naman may hagdan bago ka pa makarating sa mismong entrance. Kung hindi ka nakasasakyan ay kailangan mo pang maghagdan. Pero kapag naman nakasasakyan ay may daanan para makaakyat agad sa entrance.
"Stop the car here. I want to use the stairs," pigil ko naman kay Ryan. Nagtataka siyang nakatingin sa akin, pero nanatili lang tingin ko sa bintana. Pinagmamasdan ko ang mga tao sa taas na nagkakamayan at nag-uusap na para bang matagal na silang magkakakilala. Pero ang totoo ay nag-uusap lang naman sila dahil sa negosyo.
"Bakit ka pa gagamit ng hagdan, Boss? Mapapagod ka lang. Tsaka marami-rami na ang tao sa labas. Mga reporters din ang narito sa baba," sagot sa akin ni Ryan.
Hindi pa pwedeng umakyat ang mga reporters at maraming mga guwardiya ang nagbabantay dito sa baba. Malamang mga tamad ang mga matatatanda at mayayaman na mga taong 'yon kaya dumederetso na agad sila sa taas at hindi gumagamit ng hagdan. Pero iba ako sa kanila. Gusto ko na maagaw ang pansin nilang lahat.
"Mamaya na ako bababa kapag malapit nang magsimula. Gusto ko na mapunta sa akin ang atensyon nilang lahat."
"Okay, sabi mo eh."
"Answer me properly," matigas na sagot ko kay Ryan. Talagang may oras na hindi ko nagugustuhan ang pagsagot niya sa akin.
"Ah, hehe. Sensya na, Boss. Di na po mauulit."
"Be ready. The show will start any minute. Wait for my signal before firing. One fire only. If the first fire failed, then the second fire will start. Make sure to target only her. Sa oras na may mabaril kayo na ibang tao, maghukay na rin kayo ng sarili niyong libingan," banta ko muli sa mga tauhan ko.
Apat ang nakapwesto ngayon na sniper. Dahil mas maganda kapag nasa malayo sila. Iba't-ibang posisyon para makita nila kung saan pepwesto ang babae na 'yon. May host din sa araw na 'to.
Sa labas magsisimula ang event dahil may cutting of ribbons pa sila. Dahil sa oras na makapasok si Ava sa loob ng kumpaniya, ibig sabihin ay sa kaniya na 'yon. Maganda nga na sa labas magsisimula ang palabas na 'to. Mas napadali sa akin na mapatay ang babae na 'yon.
Lumabas na ako ng sasakyan dahil nakita ko na ang mag-ina na lumabas ng sasakyan. Nagpalakpakan na agad ang mga tao at nagsimula na rin ang mga reporters at camera na kuhanan sila. This is what I love. There are cameras everywhere. Everyone will capture the exciting moment that I have been waiting for.
"Alright! I think it's about time to start our main event for today! I know that everyone is already excited to start now! I won't make you wait any longer-- Oh?"
Napatigil sa pagsasalita ang nagho-host nang marinig ang sigawan ng mga reporters.
"Oh, who is he?"
"Mukhang big time siya."
"Maybe he is the president of this company?"
"Sir! May we know who you are?!"
Marami pa sila na sinasabi at tinatawag ako. Pero hindi ko na sila pinansin pa. Nakuha ko na ang atensyon ng lahat ngayon. Naglalakad na ako paakyat sa hagdan na pagkahaba-haba. Suot ko ang aking itim na sunglasses at maangas na naglalakad paakyat. Ang mga mata ay sa akin lang nakatutok.
"I guess we have a special guest for today's event?" hindi pa sigurado na sambit ng host.
Hindi na ako nagulat pa sa sinabi niya na 'yon. Sino ba naman ang makakakilala sa akin? Matagal akong nagtago. Ni wala ngang nakakaalam na ako ang biggest shareholder ng kumpaniya na ito. Ngayon lang ako nagpakita sa kanila matapos ang limang taon ko nang nagbibigay ng shares sa kumpaniya. Kaya malamang ay magugulat sila ngayon ng husto sa oras na magpakilala na ako sa kanila.
Nang makaakyat na ako sa taas ay tahimik lang sila at nakatingin pa rin sa akin. Sinusuri nila ang kabuuan ko. Pero dumako ang tingin ko sa anak ng kabit ng ama ko. Hindi naman niya makikita na sa kaniya ako nakatingin ngayon, dahil sa suot ko na salamin.
Napangisi ako ng bahagya nang matitigan ko siya. Ah, mas maganda siya sa personal. Sayang ang ganda niya dahil nagkaroon pa siya ng ina na katulad ni Arlyn...
Tinanggal ko naman ang salamin ko at deretso na ang tingin ko ngayon kay Ava. Nakita ko na medyo napataas ang kaniyang isang kilay nang magkatinginan kami. Pero agad ko na rin na inalis ang paningin ko sa kaniya at tiningnan ang host. Ngumiti ako sa kaniya.
"Go on and continue with the program now, " utos ko pa sa kaniya.
"I'm sorry, Sir. But may we know who you are? So that I can introduce you properly. It seems like no one here knows who you are and it's also my first time seeing you. No offense," sambit naman niya sa akin.
"Ah..."
Hinawi ko naman ang coat na suot ko. "I am Sureños, the biggest shareholder of this company," pagpapakilala ko sa sarili ko.
Ginamit ko ang Suñeros na pangalan ng organisasyon namin. Para maitago ang tunay kong pangalan. Tutal naman ay hindi malalaman ng mga tao na 'to na isa pa lang Mafia Organization ang Suñeros.
Marami ang nagulat nang marinig nila ang pagpapakilala ko. Pati na rin si Arlyn ay nagulat nang malaman niya kung sino ako. Alam niya ang tunay kong pangalan, kaya hindi ko ginamit ang pangalan ko. Pero sigurado ako na hindi niya alam ang itsura ng anak na lalaki ng kaniyang bagong napangasawa. Kaya malakas ang loob ko na magpakilala sa kanila sa araw na 'to.
Pero kakaiba ang naging reaksyon ni Ava. Tila ba wala siyang pakialam kahit nalaman na niya kung sino ako.
"Oh! You are Mr. Suñeros? It is nice meeting you! We are all curious already about your identity! Who would have thought that we will meet you on this day?" kumento naman ng isang shareholder din ng kumpaniya. Kilala ko sila sa mga itsura nila, pero hindi sa pangalan. Dahil napag-aralan ko na noon ang mga namamahala ng kumpaniya na 'to.
"I decided to reveal myself today, on this special event. So go on and continue the program. I don't want to delay it any longer," sambit ko pang muli sa host.
"Ladies and gentlemen, thank you all for coming in this special event. We will now start the cutting ribbon of our new CEO, Miss Ava Wrenley. Let us all congratulate her with a round of applause!"
Kinuha na ni Ava ang gunting at lumapit na sa ribbon. Nagpalakpakan naman ang mga tao. Pero sa ingay na nagagawa namin, doon na ako nagkaroon ng senyales para sa mga tauhan ko.
"Fir--"
*BANG!*
Hindi pa ako nakakapag-utos sa mga tauhan ko ay bigla na lang may nagpaputok ng baril! Ang bala ay sumakto papunta sa ulo ni Arlyn, ang ina ni Ava!
Nagulat ako dahil hindi ko 'yon inaasahan. Nagkagulo ang mga tao at napuno ng sigawan ang paligid. Nakakunot na ang noo ko ngayon.
"Who shot her? I didn't gave orders yet!" medyo mahina pero mariin na sambit ko para marinig ng mga tauhan ko.
"Boss, hindi pa kami bumabaril."
"We are waiting for your order."
"Then who f**king shot her?"
"I FOUND THE SNIPER! HE IS NOT IN OUR TEAM! HE'S A DIFFERENT SNIPER! AND THE SNIPER IS LOCATED IN THE LEFT CORNER. I THINK HE'S TARGETING THE DAUGHTER NOW!"
Nanglaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi ng isa kong tauhan. Hinanap ng mga mata ko ang pwesto ng sniper na bumaril kay Arlyn. Si Ava naman ay nanginginig na ngayon dahil sa ina niyang nabaril sa harapan niya mismo at puno na ng dugo ngayon.
Nakita ko na ang sniper at nakatutok nga ang baril niya kay Ava! No, hindi ako papayag!
"Catch that sh!t, but don't kill him! Bring him to be alive!" utos ko pa sa mga tauhan ko.
Pero bago pa sila makakilos ay pumutok na ang baril ng sniper. Mabilis akong kumilos at agad na hinila si Ava palapit sa akin. "Ah!" inda ko nang ako ang tamaan ng bala.
Tumama ang bala sa braso ko.
"Oh my gosh!" gulat pa na sigaw ni Ava.
Hindi ko ininda ang tama sa braso ko. Mabilis kong itinakbo si Ava palayo roon para maitago siya sa loob.
"N-No! Mom! Mom!" sigaw pa niya habang nagpupumiglas sa hawak ko upang makabalik siya sa ina niyang nakahandusay na ngayon sa sahig dahil wala nang buhay.
"Let's go! You will die if you stay there!" galit na sigaw ko kay Ava.
Umiyak lang siya. Nang makapasok na kami sa loob ay nagtatakbuhan na ang lahat ng mga tao. Hindi ako makapagbigay ng utos ngayon sa mga tauhan ko dahil maririnig ako ni Ava. Hindi ko rin siya pwedeng iwan ngayon. Hindi ako papayag na matatapos agad ang buhay niya.
"Boss! Boss!" Narinig ko ang boses ni Ryan na tinatawag ako ngayon. Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa akin at bumulong.
"You were the target and not them..."
Kailangan munang maghirap ni Ava bago siya mawala sa mundo na 'to. Siya ang magbabayad sa mga kasalanan na nagawa ng kaniyang ina...