Chapter 2

1012 คำ
Alondra Hindi ko pinansin na ang offer at nagpatuloy na ako sa aking pamumuhay. Nakausap ko na ang mga kapatid ko at pumayag naman na silang maglinis bago pumasok. Humingi din sila ng sorry kaya naman na-touch ako lalo at nangako silang tutulong lagi sa gawaing bahay. Off ko sa restaurant kaya naman hanap muna ako ng raket. Nagpunta ako sa bestfriend ko na si Odette dahil baka may mairekumenda siya. “Pasensya ka na Sissy… wala din akong mai-recommend ngayon. Mahina rin sa catering na pinapasukan ko dahil itong amo ko ay ayaw man lang mamuhunan sa pagpapaganda ng mga kagamitan namin.” Halata sa boses niya ang inis kaya naman naniniwala ako sa kanya. Isa pa, sa tuwing kakailanganin talaga nila ng dagdag na tao ay ako ang pinapasok niya. Hindi na sila lugi sa akin dahil nga sa restaurant ako nagtatrabaho at sanay na sa pagsisilbi. “Meron sana, pero alam ko naman na aayawan mo,” maya-maya ay sabi niya. “Saan? Anong trabaho?” tanong ko. Huminga siya ng malalim bago tumugon. “Eh di sa club na pinagtatrabahuan ni Lena. Narinig ko na naghahanap sila ng bagong talent. Lalo na kung birhen dahil yun daw ang hanap ng kliyente nila. Malaki ang bayad.” Kinilabutan ako sa sinabi niya kasabay ang pag-iling. “Hindi ko kaya yon,” sabi ko. “Alam ko. Sinabi ko lang para at least kung talagang walang-wala na ay may option ka.” Naintindihan ko naman ang ibig niyang sabihin. Na-appreciate ko rin ang concern niya, ngunit talagang hindi kaya ng sikmura ko ang ganong klase ng trabaho. Dahil walang extrang raket ay umuwi na lang na ako. Ngunit ganon na lamang ang takot ko ng madatnan ko ang nga kalalakihan na nasa harapan ng aming bahay at nanggugulo. “Anong nangyayari dito?” Nagtinginan sila lahat sa akin, medyo nahawi din sila kaya kita ko kung paano sakalin ng isang lalaki ang aking ina. Mabilis akong lumapit sa kanila at sinikap na tanggalin ang kamay ng lalaki sa leeg ni Mama. “Mabuti naman at nandito ka na, nasan na ang bayad mo?” “Ang lakas ng loob mong maningil pagkatapos ng ginawa mo sa nanay ko!” sigaw ko tapos ay tinignan ko si Mama. “Ayos lang ako, anak.” “Narinig mo, ayos lang daw siya.” Nagbalik ang mga mata ko sa lalaki. Kung nakakamatay lang talaga ang tingin ay baka bumulagta na siya. “Kapag may nangyaring masama sa Mama ko, mas lalo kayong walang mapapala sa amin. Kung tutuusin ay wala kaming pananagutan sa inutang ng Papa ko dahil hindi naman namin alam ang tungkol don at mas lalong wala ang pangalan o pirma ko don. Kaya kung ako sa inyo ay aayusin ko ang paniningil.” “Wag mo akong tinatakot babae!” galit na sigaw ng lalaki. Ngumisi pa ito bago nagpatuloy. “Magbabayad ka o kukunin kong kabayaran ang kapatid mo! Isang linggo. Meron kang isang linggo para bunuin ang isandaang libong piso na utang na tatay mo!” Pagkasabi ng lalaki non ay umalis na siya kasunod ang iba pa. Ang akala ko ay sa pelikula lang nangyayari ang ganito. “Anong gagawin natin, anak? Saan tayo kukuha ng ganon kalaking halaga. Paano na si Mariella?” Bakas ang takot at nanginginig pa ang boses ni Mama. Kahit ako ay ganon din ang nararamdaman. Lumakas ang t***k ng aking puso na para akong hinahabol ng sampung kabayo. Pero kailangan kong magpakatatag. Hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan sa harap ng aking ina. Hinarap ko siya at ngumiti. “Wag ho kayong mag-alala, Ma. Ako na po ang bahala doon. May mahihiraman naman ako kaya lang ay nagdadalawang isip pa ako.” Pero ang totoo ay wala naman. “Pasensya ka na anak. Alam kong nahihirapan ka na ngunit wala naman akong magawa.” Hindi makatingin ng diretso sa akin ang aking ina, halatang nahihiya. “Ano ka ba naman, Ma. Basta panatilihin niyo lang na malakas ang iyong pangangatawan ay sapat na yon.” Tinignan niya ako at tumango. Sa ngayon, wala talaga siyang magagawa. Kahit ako ay ganon din, ngunit kailangan ko pa rin gumawa ng paraan. Naglinis na ako ng bahay habang hinayaan ko ng magpahinga ang aking ina. Nakakainis lang dahil wala na ngang raket ay may nanggulo pa sa bahay namin. Huminga ako ng malalim habang nag-iisip sa kung saang kamay ng Diyos ko kukunin ang 100K. Ayaw ko rin naman na may mangyaring masama sa kahit na sino sa mga kapatid ko at kahit na kay Mama. Umupo ako sa luma naming sofa at tumingin sa pintuan ng silid na pinasukan ng aking ina. Pakiramdam ko ay biglang sumakit ang aking ulo. 100K. Kahit yata maglakad ako sa baga ay hindi ako kikita ng 100K sa loob lamang ng isang linggo. Saglit akong pumikit ng madiin. Pagdilat ko ay tumayo na ako at nagsimulang maglinis at ayusin ang mga gamit na ginulo din ng mga lalaking yon. Pagpasok ko ng kwarto kung nasaan rin ang aking ina na ngayon ay nakahiga na ay napatingin ako sa orocan na lagayan namin ng damit. Sa ibabaw non ay napansin ko ang calling card na binigay sa akin ni Mr. Aldeguer. Lumapit ako at kinuha iyon. Kung ito na lang kaya? Kaya lang, maatim ko bang makisama sa lalaking hindi ko naman gusto? Oo nga at gwapo, mayaman at mukhang normal naman siya, pero ang magkaroon ng contract marriage? Hindi ba at kabaliwan iyon? Ang akala ko ay sa palabas lang ito nangyayari. Hindi ko inasahan na pwede pala sa totoong buhay at mas lalong hindi ko inasahan na sa akin mismo mangyayari. Na ako mismo ang tatanggap ng ganong klase ng offer. Ngunit sa kalagayan ko ngayon, magpaka-choosy pa ba ako? Kailangang kailangan ko ng pera. Kung hindi ko mababayaran ang mga lalaking yon, baka kung ano ang gawin nila kay Mariella. Naipilig ko ang aking ulo tsaka humugot ng malalim na buntong hininga. No choice. Hindi narin masama. Kaysa naman masaktan pa ang pamilya ko.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม