Chapter 3

1264 คำ
Alondra Tatlong araw na ang nakalipas ng madatnan ko ang mga sangganong ‘yon sa bahay namin at ayaw ko ng maulit pa ‘yon dahil baka hindi lang panggugulo ang gawin nila. Kaya naman heto ako, napalunok ako habang nakatingala sa mataas na building ng kumpanya ni Norman Aldeguer. Tinawagan ko siya at pinaalam na pumapayag na ako sa offer niya kaya pinapunta niya ako sa kanyang opisina. Humugot muna ako ng isang malalim na buntong hininga bago naglakad papasok sa building. Dumiretso na ako sa elevator dahil sinabi naman ni Mr. Aldeguer kung anong floor ko siya makikita. Pagbukas ng elevator ay isang magandang babae ang nakita kong nakatayo sa tapat non na tila may hinihintay. Alanganin akong tumango bilang pagbati at lalagpasan ko sana siya ng bigla siyang magsalita. “Is there anything you need?” Nakangiti akong lumingon sa kanya habang sinisikap na pakalmahin ang aking sarili. Medyo intimidating kasi ang dating niya. “I'm looking for Mr. Norman Aldeguer.” Nag-english na ako dahil para kahit papaano ay medyo gumanda naman ang dating ko. Ngunit tinignan ako ng babae mula ulo hanggang paa at pabalik ulit sa mukha. Imbis na makadama ng panliliit na karaniwang nangyayari sa tuwing nakakaharap ako ng mayayamang customer sa restaurant ay tila nainis ako sa inakto niya. Ang akala mo ay kung sino ito. “You're here,” sabi ni Mr. Aldeguer na kakarating lang. Sabay kami ng babae na nagbaling ng tingin. “Sir,” bati ng kaharap ko na akala mo ngayon ay maamong tupa. “What are you doing here? Go back to your work,” sabi ng lalaki. Nakita kong napalunok pa ang babae bago tumango at tumalikod. Mukhang masungit na amo ang mapapangasawa ko ah. “You,” sabi ulit ni Mr. Aldeguer. “Follow me.” Ginawa ko ang sinabi niya ng magsimula na siyang maglakad. Ngunit napansin ko na tila bumagal o lumiit ang bawat hakbang niya hanggang sa magkasabay na kami. As in, nasa tabi na niya ako. Bigla akong nakadama ng hiya lalo at pansin ko ang mga empleyado na nakasunod ang tingin sa amin. Binuksan ni Mr. Aldeguer ang pinto, nakasunod pa rin ako hanggang sa maupo siya sa couch. Ganito ba talaga ang opisina ng isang bigating tao? Ang laki at ang luwag. Nasa bandang kanan ang tila living area kung saan siya ngayon nakaupo. Sa kaliwa ay ang kanyang malaking office table. At sa tapat ng kinaroroonan namin ay isang rectangular na lamesa na napapalibutan ng anim na upuan. “Sit down.” Hindi naman pautos, pero parang ganon na din. Naupo ako at tumingin sa kanya. Hindi ko naman na siguro kailangang sabihin ulit sa kanya na pumapayag na ako sa offer niya, right? “Ito ang kontrata. Pwede mong basahin na ngayon. Tagalog na rin yan para mas maunawaan mo.” Tinulak niya ang folder na nasa center table palapit sa akin gamit ang dalawang daliri. Dumiin ang pagkakatikom ng aking bibig. “Wala akong ibang ibig sabihin. Tagalog dahil ayaw kong sabihin mo na kailangan mo pang ipabasa sa abogado. Ang gusto ko ay magkapirmahan na tayo ngayon kaya hindi ko na hinayaan pa na magkaroon ng mga salitang abogado lang ang makakaintindi.” Oo nga naman, may point siya. Pero bakit parang lagi na lang niyang nalalaman ang laman ng isip ko? Huminga ako ng malalim at dinampot ang folder na naglalaman ng kontrata ng aming kasunduan, prenuptial agreement at marriage application form na napakadali nga lang intindihin. Pirmado narin niya ang lahat at ako na lang talaga ang hinihintay. Sa kasunduan ay mag-asawa kaming totoo at wala ako kahit isang kusing na mamanahin kung sakaling mamatay siya. Ngunit lahat ng pangangailangan ko ay siya ang magpoprovide kasama na ang sa aking pamilya. Hindi ako pwedeng mawala sa bahay ng maraming oras. Kung kailangan kong umalis ay may driver na maghahatid at maghihintay sa akin. Maliban na lang kung sa pamilya ko ako pupunta at hindi pwedeng abutin ng dis-oras ng gabi. Nasa sa akin din kung gusto kong magsama ng driver kung sakali. Napakibit balikat na lang ako. Hindi niya ako pipilitin na gawin ang wife duty ko. Talaga ba? So, ibig sabihin ay hindi ko siya kailangang pagsilbihan? Sigurado ba siya? Kung sakali kasi ay panghabang buhay na ito. Bahala na nga lang siya sa buhay niya. Basta ang pangunahing responsibility ko ay si Riley, ang kanyang anak. Sana lang ay magustuhan niya ako. Ngunit kung sakaling hindi ay gagawin ko ang lahat upang makuha ang kanyang kalooban. Si Mr. Aldeguer lang ang may karapatan tumapos ng aming kontrata at kahit na sa papel lamang kami kasal ay hindi kami pwedeng magloko. Ibig sabihin, walang ibang lalaki or babae. At least sa part na yon ay fair siya. “Wala akong reklamo at sa palagay ko ay patas naman ang lahat.” Pagkasabi ko non ay inabot niya sa akin ang ballpen na tinanggap ko naman, agad na pumirma at nagfill up ng form. Habang ginagawa ko yun ay kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon. “Come to my office and bring me an envelope.” Nang matapos ay nilapag ko ang ballpen sa ibabaw lang din ng folder at tsaka ako naghintay. Maya-maya lang at may kumatok bago pumasok ang isang lalaki. “Ito na po, Sir,” sabi ng lalaki na bagong dating. Kinuha ni Mr. Aldeguer ang envelop tsaka nilagay doon ang folder na naglalaman ng mga pinirmahan ko. “Pakibigay ito kay Lance at pakisabi na kailangan ko yan matapos as soon as possible,” sabi ni Mr. Aldeguer. “Okay, Sir.” Umalis na ang lalaki pagkatapos. Nakakahiya man ngunit kailangan kong sabihin ang nasa isip ko kaya tumikhim ako para kunin ang kanyang atensyon. “K-Kailangan ko ng 100K, binigyan na kami ng ultimatum ng inutangan ng tatay ko.” Hindi ko sana siya titignan ngunit hindi naman pwede. Ayaw kong isipin niya na niloloko siya. “Okay.” Napanganga ako habang may dinukot siya sa bulsa ng likod ng kanyang pantalon. Wallet pala. Binuksan niya iyon at nilabas ang isang card. “Ah, pwede bang online transfer na lang?” Alanganin kong tanong. Nakakahiya talaga, pero magiging asawa ko naman na siya kaya kinapalan ko na ang mukha ko. Tinignan nita muna ako bago tumango. “Still, keep this card. Diyan papasok ang ipapadala ko sayong allowance mo. Kung may kailangan kang bilhin na hindi kasya ang laman niyan ay sabihin mo sa akin.” “T-Thank you, pwede mo na rin ibawas ang 100K na hinihingi ko sayo ngayon,” tugon ko. “No need. Consider it as a signing fee.” Wow! Hindi na rin talaga masama ang contractual marriage na ‘to. “Kung ganon ay salamat ulit.” Wala naman na akong masasabi pa kung hindi iyon. Nagkasundo kami na lilipat ako ng kanyang bahay pagkatapos maproseso ng aming kasal na ilang araw lang ang lumipas. Tsk! Iba talaga ang may pera. Civil wedding lang at kaibigan lang niya ang witness na siya ding nagkasal sa amin. Hindi ko na pinapunta ang aking pamilya dahil hindi ko naman sinabi sa kanila ang tungkol sa pag-aasawa ko. Kahit papaano ay nahihiya ako. Paano kung bigla na lang ay gusto ng tapusin ni Mr. Aldeguer ang lahat? Ayaw kong bigyan ng isipin ang aking ina. “Sinabi ko lang kila Mama na stay-in yaya ako,” sabi ko kay Mr. Aldeguer ng sabihin ko na walang pupunta sa kahit na sinong miyembro ng pamilya ko. Hindi na siya nagsalita pa at tumango na lang.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม