Alondra
“Riley, meet Alondra. From now on, siya na ang bago mong Mommy.” Ngumiti ako ng ipakilala ni Norman sa kanyang anak na ngayon ay nakatitig lang sa akin.
Naproseso na ang aming kasal at legal na kaming mag-asawa. Kaya simula ngayon ay dito na ako sa bahay nila titira.
“My Mom is gone at hindi na siya babalik. Pero kahit ganon, wala pa rin makakapalit sa kanya,” tugon ni Riley makalipas ang ilang saglit. Dama ko ang sakit sa sinabi niya. Halata din sa mukha niya ang pagkamiss sa kanyang ina.
Ayon kay Norman ay limang taon lang ito. Pero kung titignan ay napakalaking bulas niya. Naisip kong mana siya sa ama.
“Of course,” sang-ayon ng lalaki sa tinuran ng anak. Napatingin ako sa kanya at doon ko lang siya nakitang ngumiti at ang gwapo niya.
Lumuhod si Norman gamit ang isang tuhod upang magpantay ang tingin nila ni Rylie bago nagpatuloy. “Your Mom is the best. Walang makakapantay sa kanya. But I still want you to experience having someone who will give you the kind of love that only a mother can give.”
Natahimik si Rylie. Bakit parang ang bilis niyang naunawaan ang sinabi ng Daddy niya?
“Don't you love Mommy anymore?” tanong ni Rylie. Kita mo yung sakit sa mukha biya na pilit niyang tinatago.
“I love your Mommy. Pero kagaya ng sinabi mo, she's gone. At sinabi ko na sayo, ayaw niya na malulungkot tayo, right? Hindi naman porket nagpakasal na ako sa iba ay nawala na rin ang pagmamahal ko sa kanya. I love her so much. Kaya nga mahal na mahal din kita dahil ikaw ang alaalang iniwan niya sa akin.”
May bahid ng lungkot ang bawat salita ni Norman. Halata sa tinig niya ang pagpipigil na pumiyok. Marahil ay ayaw niyang ipaalam sa anak na nasasaktan parin siya.
“And look, she looks exactly like your Mom.” Kahit na alam ko na ang papel ko sa kasal namin na ito ay parang may kung anong kirot na tumusok parin sa puso ko.
Tumingin sa akin si Riley at kahit na masakit sa akin ang katotohanan ay pinilit ko parin ngumiti. Kailangan kong makuha ang loob niya, para sa pera.
Yon na lang ang naisip kong dahilan upang kahit papaano ay makayanan ng kalooban ko at tanggapin na panakip butas lamang ako para sa isang taong wala na.
Hindi na kumibo pa si Riley at nagbaling na ng tingin kay Norman tsaka tumango. Nakahinga ako ng maluwag. At least, yung first step ay nalagpasan ko na.
Sumunod ay pinakilala na ako ni Norman sa mga kasambahay. Nilinaw niya sa mga ito na ako ang asawa niya at ina ni Rylie so they need to respect me kagaya ng binibigay nila sa mag-ama.
Mukha namang makakasundo ko ang mga katulong kaya nginitian ko sila. Ayaw kong ipadama sa kanila na amo nila ako. Gusto ko rin na makuha ang tiwala nila upang matulungan ako na makalapit pa kay Rylie.
At nagsimula na nga ang buhay ko bilang Mrs. Alondra Aldeguer.
“Ryl, tikman mo ‘to. I made this,” sabi ko sabay lapag ng tray ng meryenda. Nasa lanai kami at gumagawa siya ng assignment.
Ngunit tinignan lang ako ng bata at tsaka muling tumingin sa libro. Hindi nasira ang kalooban ko, huminga ako ng malalim bago inalis sa tray ang puto pao at juice.
Natigilan siya kaya kinabahan ako. Sa isang buwan na pag-stay ko dito sa bahay ay hindi pa naman niya ako sinigawan or sinaktan. Yun nga lang, talagang palaging malamig ang pakikitungo niya sa akin.
“You can try this. Masarap, paborito ito ng mga kapatid ko.” Sinamahan ko ng ngiti ang aking sinabi sakto nagtama ang aming mga mata.
Bata pa lang siya, anim na taon to be exact. Pero kita na agad sa itsura niya ang pagiging intimidating.
Ang akala ko ay magagalit siya dahil sa pagpipilit ko. Ngunit tinupi niya ang libro at inurong sa tabi.
Dali-dali kong nilapag ang platito ng puto pao sa harap niya sabay abot ng tinidor na tinanggap naman niya.
Naupo na din ako at tsaka siya pinanood habang kumakain.
Hindi ko na kailangan magtanong dahil kita ko sa mukha niya na nagustuhan niya ang pagkain at masaya na ako don.
“Kung kailangan mo ng tulong sa assignment mo ay pwede mong sabihin sa akin,” maya-maya ay sabi ko. Kinuha ko na ang pagkakataon na okay ang mood niya to start a conversation.
“Are you smart?” tanong niya. Natigilan ako dahil hindi ko alam ang isasagot. Hindi naman kasi ako matalino, pero hindi din naman ako bobo. “Do you know everything?” dagdag pa niya.
Napalunok tuloy ako. Ngayon lang kami nagkakausap at gusto ko sana ay maging makahulugan ito. Ngunit bakit naman tungkol sa pagiging matalino pa ang napili niyang topic?
“My classmate said that their mothers know everything. Do you know everything as well? Are you like them?”
Tila nalunok ko ang sarili kong dila. At doon, nakita ko ang pagbabago ng kanyang expression kasabay ang paglapag ng tinidor na may nakatusok na puto pao.
“I didn't know everything.” Pagkasabi ko non ay sumimangot siya sabay yuko. “Pero alam ko na walang tao na nakaalam ng lahat.”
Doon bigla siyang nag-angat ng mukha. “My classmate said their mothers know everything,” pilit pa niya at naiintindihan ko naman. Ngumiti ako at tsaka siya tinanong.
“Alam ba ng mga nanay nila kung paano gumawa nyang kinakain mo?”
Natigilan siya bago tumugon. “I don't know.”
“Kung ganon, ask your classmates kung alam ba ng Mommy nila na gumawa ng puto pao. Ask them kung alam ba ng Mommy nila kung paano gumawa ng turongo.”
“Turongo?” tanong niya na may halong pagkalito.
“Oo, turongo.”
“What's that?”
“Igagawa kita bukas,” nakangiti kong tugon.
Doon lang nagliwanag ang mukha ni Rylie. Siguro, pakiramdam nya ay may bentahe na siya. Ganon naman ang mga bata. Ipagmamalaki nila ang mga magulang nila lalo na ang kanilang ina.
Kumain na si Rylie at tinulungan ko siya sa kanyang assignment. Madali lang naman dahil pang-grade 1 pa lang. Kering-keri ko pa kahit Math pa yan.
Matapos ang hapunan ay pinagpahinga ko siya saglit at niliguan ko na siya para ihanda sa pagtulog. Ayaw pa niya noong una dahil malaki na daw siya.
“Pero baby ka parin namin ng Daddy mo,” tugon ko.
“Wala pa si Dad,” malungkot niyang sabi.
Simula ng tumira ako dito ay hindi pa namin nakasabay sa hapunan si Norman. Sa tuwina ay gabing-gabi na kung dumating ito.
Kung sa akin lang ay walang problema. Pero malinaw na nakikita kong kailangan din siya ni Rylie.
Kapag nandito naman siya sa bahay ay palagi lang siyang nasa study room niya at walang pwedeng pumasok don maliban sa kanya.
“Give your Dad some time. Busy din siya sa trabaho and I'm sure kapag lumuwag ang schedule niya ay sayo niya uubusin ang kanyang oras.”
Hindi ko alam kung uubra pa ba ang mga salitang iyon. Ayon sa mga kasambahay ay madalas ng naririnig ni Rylie yon mula sa kanila.
“He's always busy. Palagi siyang wala at everyday is the same. Nadagdag ka lang.” Nalungkot na rin ako para sa kanya. Ngunit hindi ko pwedeng gatungan pa ang pangungulila na nararamdaman niya.
Ngumiti ako at tsaka hinaplos ang kanyang pisngi. “Ang mabuti pa ay maligo ka na muna. Then pagdating mamaya ng Daddy mo ay kakausapin ko siya at yayayain na maglaboy tayo this weekend. Okay ba yon?”
Hindi siya kumibo at nanatiling nakatingin lang sa akin. Nakahinga lang ako ng maluwag ng makita ko ang marahan niyang pagtango.
Tapos non ay binuhat ko na siya papunta sa bathroom at sinikap na mapasaya siya ulit. Naglaro kami sa ilalim ng shower dahil nabasa narin ako.
Pero okay lang. At least kahit papaano ay malaking improvement na ito sa loob ng isang buwan. I bonded with her without her realizing it.
Pero sa loob-loob ko, sana ay pumayag si Norman na lumabas kami ngayong weekend.
At ngayon pa lang ay nagsisimula na akong mag-ipon na lakas ng loob para sa plano kong kausapin siya mamaya.