I JUST CRIED on the floor like a usual loser. Iniiyakan ko ang sakit ng paa ko— and at the same time, iyong sakit sa puso ko.
Asawa niya ako.
Pero mas malala pa sa basahan ang trato niya sakin. What did I even do? Everything happened in a very wrong timing... Pero hindi ko intensyong... sirain ang kasiyahan niya.
I was scared to when he got me pregnant. I was scared to when I lost our baby. I was... heart broken to all this time.
Pero bakit parang... sakit niya lang ang iniisip?
I know I look so pathetic lying on the floor right now. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas para tumayo– o para manlang tumahan sa pag-iyak.
Napahinto ako sa pag-iyak noong marinig ang yabag ni Rios pababa ng hagdan.
Dire-diretso lang ito sa pintuan kaya kinabahan ako.
Tinungkod ko ang kamay at pinilit na umupo kahit nanlalambot na.
"R-Rios, saan ka pupunta–"
"Anong pakialam mo?" Maanghang na sigaw niya sakin at hinarap ako. "Do you really think I would stay here if you are like that?"
Parang sinuntok ang puso ko dahil sa sinabi niya.
Paano... ako?
Ang sakit talaga... ng talampakan ko. It was throbbing in pain.. Dinagdagan pa ng sakit niya magsalita.
"S-Saan ka naman... pupunta?"
"Talaga bang kailangan mo pa itanong yan?" Sagot niya at binuksan ang pintuan. "Ayokong mag-alaga ng baldado."
"Kay Gwen na naman ba?" Matapang na tanong ko dito, hindi pinansin ang insulto niya.
Napahinto ito at sakto namang nakarinig ako ng sasakyan sa labas.
"R-Rios..."
Bakit kay Gwen na naman?
Alam kong... Gwen is everything for her. She is perfect. Siya ang unang minahal ni Rios— hanggang ngayon.
I thought I was doing a great job of being her wife.
Inaral kong magluto, maglaba, at maging kaagapay niya sa bahay dahil nga ayaw niya ng katulong. Akala ko ay hindi na sila nagkikita ni Gwen dahil... may pakinabang na ako.
Grabe ang pagiging delusyunal ko.
"Just tell mother that I am on condo near work." Bilin niya sakin kung tumawag man ang ina nito mamayang umaga.
"S-Sandali!"
Sinimulan kong gumapang papalapit sakanya.
Dahil wala akong mga paa sa ngayon, ginamit ko ang kamay para hilahin ang sarili ko papalapit sakanya. Mabagal noong una— pero noong tinignan niya ako ng masama ay binilisan ko ang paggapang.
"What the fvck are you—"
Napahinto ito sa pagsasalita noong hinawakan ko ang pantalon nito.
Tinignan ko siya. "Rios... Please..."
Don't go to Gwen. I am doing better. Akala ko makalipas ang isang buwan, wala na si Gwen sayo dahil may pakinabang na ako.
"Saglit lang 'tong sugat ko. Hindi mo naman kailangan umalis at maasikaso pa kita—"
"Bitawan mo ako–"
"Rios please..."
Pag nagkasama sila ni Gwen– wala na naman ako. Mas lalo akong... matatalo. Uumpisahan ko na naman lahat... o akala ko lang ay meron talagang nangyayari sa kasal na 'to?
Baka wala naman talagang... nangyayari. Ako lang ang pumipilit.
"Bitawan mo ako sabi!"
Sinipa ako ni Rios palayo— at kasabay noon ay pagsalita ng isang boses.
"Oh god! What happened to her?" Si Gwen.
Napahinto ako— nanlamig habang nakasubsob ang mukha sa sahig.
"Why are you here? I told you not to come," kalmado pero halatang galit pa rin ang tono Rios.
"Baby, chill. I told you, I was on my way... so... I came to fetch you."
Hindi ako gumalaw sa pwesto ko.
"Let's go." Si Rios.
"Wait! Sienna is not moving! Oh god, is she de4ad? Buhay pa ba?" Halatang nang-iinsulto ang tanong ni Gwen.
"Gwen..." Rios sighed. "Tara na."
"I hope she can be de4ad. Sinira mo ang lahat—"
"Gwen!" Halos dumagundong ang boses ni Rios sa bahay namin.
No one talked. Pakiramdam ko ay lahat natigilan sa sigaw nito.
"Just... stop. Sayang ang laway mo sa babaeng 'yan."
"Why are you so annoyed, baby? Tsk..." Si Gwen. "Tara na nga! Did she sign the annulment na ba?" Narinig ko pang tanong nito bago tuluyang mawala ang boses nilang dalawa.
I heard a car move... and just like that, I was all alone.
Ang luha ko ay nasa mata pa rin, tulala ako sa sahig. Natigilan sa nangyari.
I cried again
Do you... wish me de4ad, Rios?
Hindi ko alam kung ilang oras akong umiyak sa sahig– all I knew, I felt... tired...
And the next thing I knew, Manang is shouting all over the house.
"Manang..." Nanghihinang tawag ko dito dahil akala niya ata, may nangyaring masama sakin. "Nakatulog... po ako."
Masama ang pakiramdam ko. Masakit ang lalamunan at ulo. Mukhang... lalagnatin ata ako.
"Jusko! Anong... anong..." Nagpa-panic siya. "Ang init mong bata ka!"
Natawa ako. "I'm sorry po, manang..."
"Nasaan ang asawa mo?"
Hindi ko alam ang isasagot.
Nasa kabit?
Mas lalo akong... mukhang nakakaawa.
Pumikit ako noong nag-init na naman ang mata ko dahil sa luha.
"Nag-away po kami, Manang..."
Kung ano-ano ang komento nito. Hindi ko na naintindihan dahil sa hilo at parang babagsak ulit ako sa sahig pero ginigising ako ni manang.
"Dadalhin po ulit kita sa hospital—"
Hinawakan ko ang braso nito. "M-Manang... kaya niyo po ba akong i-angat sa sofa? A-Ayoko... mag-ospital."
"Ma'am naman!"
Napapikit ako. Hindi ko na talaga kaya... Pero kailangan kong makahiga... kahit sa sofa manlang... Para hindi lamigin ang likod ko sa tiles ng sahig.
Gumapang ulit ako– at naalala ko ang nangyari kagabi.
I started crying. Nakakaawa ka, Sienna. Kasalanan mo lahat... ng nangyayari sayo.
"Ma'am..." Halos pumiyok na rin ang boses ni manang, pero tuloy pa rin ako sa paggapang.
Going on the hospital may cause a scene. Who knows if someone see ne there? I don't want them to see me on a worst state. Baka kung ano pa ang masabi nila tungkol kay Rios.
Tinulangan ako ni manang na lumuhod at ilagay ang sarili sa sofa.
"Gagamutin ko po ang sugat niyo at pagkatapos noon, magluluto ako para makainom kayo ng mga gamot. Saglit lang, ma'am ha?"
Tumango na lang ako... at hindi namalayang nakatulog ulit dahil sa halo-halong sakit na nararamdaman ko.
NAGISING AKO NG masama ang pakiramdam. Ginising ako ni manang at sinabihang kumain upang makainom na ng gamot.
My husband is cheating on me and he doesn't even care how will I react on it.
Ang alam ko, nasira ko ang relasyon nila dahil sa kasal na nangyari.
This all happened... when we enter the adult life.
Ito ang nangyari.
Gaya ng sabi ko, Rios and I are just best friends, but I have feelings for him. All throughout the relationship, I stopped myself and was happy with what we have. And since Rios was a playboy, and doesn't give a serious or genuine care for other woman aside from me. It gave me satisfaction. Na okay lang na ganito kami because wala siyang pakialam sa ibang babae.
Not until he introduced to me Gwen.
Gwen was the love of her life. Simula college, minahal niya ito ng lubos.
It was painful— because I felt like someone is robbed away from me. Pero wala namang ninakaw sakin... Dahil wala akong ginawa para mapasakin siya.
Kasalanan ko rin.
Lagi silang nag-aaway. The relationship sounded so toxic but Rios kept going...
Pero dahil sa isang gabi... na umiiyak siya dahil wala na daw talaga silang dalawa ni Gwen...
May nangyari sa'min. I know I was awful for that... but everything made me feel set on fire.
It was a mistake for him. He kept saying sorry. Rios keeps apologizing. Sising-sisi siya habang ako ay nasasaktan dahil nagsisisi ito.
Nauna nabuntis si Gwen. Sumunod ako.
That time, it also happened that my family was in debt with Rios. Tinutukso nga kami na magpakasal na lang para tapos na. Our family wanted us to get married... but they don't support marriage without love. Kaya kami ang hinihintay nila because according to them, it will eventually happen.
It was chaotic. Ilang buwang hiwalay sila Gwen pero noong nabuntis ang babae ay bumalik kay Rios.
Pero ako din. Buntis ako. But I was... so shocked when Rios told me stop being like that for money. Hindi siya makapaniwala na sa isang gabi, nagbunga lahat.
May family knew it. At dahil doon, ipinakasal kaming dalawa because finally, the wait is over for them. Masaya ang lahat— lalo na ang pamilya ko.
But Rios... was never happy. How he rejected me and my child... Kung paano niya sabihin na mukha akong pera at nagpapagamit sa magulang ko para doon...
Because of our forced marriage, Gwen had a miscarriage. Sinisi sakin ni Rios lahat ng 'yon.
Hindi ko kinaya iyong stress at pag-aaway namin. I was not strong. Everything shocked me too. Hindi ko naman kasalanan. Wala akong intensyong manakit.
Nakunan ako.
Nauna si Gwen, but later on, they found their child not giving a heartbeat. At ako, na isang buwan pa lang na buntis ay nakunan.
Maselan ang pagbubuntis ko. Marriage, broken friendship, and being a murd3r3r for their unborn child... Lahat ng 'yon at nangyari sa unang buwan ng pagiging buntis ko.
Nasaktan din ako. Babae rin ako.
Pero ang pinagkaiba ko sa nangyari...
Naging tanga ako. Kasalanan ko rin dahil hindi ako nag-iisip. Ang b0bo ko.
Ngayon, I am doing my very best... everything... To get Rios. Kung noon na best friend niya ako at walang ginawa para sa nararamdaman ko kaya nagkamali ang lahat...
Ngayon gusto ko i-ayos dahil mag-asawa na kami. Gusto ko ilaban iyong nararamdaman ko para itama ang lahat.
Pero... magiging maayos pa ba ang lahat?
Mahal na mahal niya pa rin si Gwen.
Kahit anong gawin ko. Kahit lumuhod pa ako sa harapan niya.
ILANG ARAW NA ang lumipas bago ako makapaglakad ng maayos. At sa araw na 'yon, hindi manlang nag-abala na umuwi ang asawa ko.
I am afraid to text him too...
Tinitignan ko ang phone and I am busy stalking his friends online. Wala siya sa mga posts ng friends.
Talaga bang nagpaka-busy silang dalawa sa isa't-isa?
I am feeling better too. Ngayon ay pupunta akong ospital para ipa-check up ang sarili.
I was quite happy when I can walk a little bit.
Baka kung makalakad na ako ay bumalik na si Rios. Two... weeks na siyang wala dito.
Two weeks na ring magkasama sila ni Gwen.
Sa tuwing... naiisip ko iyon ay parang pinipiga ako ng sobra.
Pero ito ang pinili ko. Iyong lumaban kahit dehado.
"My dear daughter!"
Nataranta ako noong tumawag si Mommy habang nasa ospital ako.
"Ma?"
"We are going home na from a trip!"
Napangiti ako dahil mukhang naging masaya ang bakasyon nila ni daddy.
"Good. Saan naman ang susunod?"
"Susunod? Nah! Wala ng susunod because your dad wants to go home na and do some business with your husband! Nakakahiya naman kung wala kami doon at si Rios lang lahat, hindi ba?"
Natahimik ako sa sinabi nito.
"We are going to visit you after a week or two."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. A week or two?
"Mommy... Busy si Rios."
"At busy ka? You're just his wife there! What is making you busy?" My mother chuckled. "I love you my dear! See you!"
"See... you," nanghihinang sabi ko.
Tama. Simula noong pakasalan ko si Rios... I am just his wife.
Hindi na ako si Sienna.
Wala na iyong dati kong buhay.
Napatitig ako sa braso at kamay para i-check kung may mga pasa ako doon o sugat. Sigurado din naman akong walang namamaga sa mukha ko...
Pwede naman sila bumisita.
Saglit akong naging masaya dahil naisip ko na makikita ulit si Rios. Pero napalitan agad ng takot dahil siguradong iritado ito sa pamilya ko.
At baka magalit na naman siya pagka-uwi nila Mommy.
I am overthinking everything. Ginagamot ulit ang paa ko, but I can walk slightly already. Kaya ko ng magpanggap na walang masakit habang naglalakad ako.
Siguradong magaling na ako after a week.
Si Manang ang kasama ko sa bahay. Tinuturuan niya din akong magluto gaya ng mga iba naming katulong. But I can say that she was nice than the others.
Hindi tulad ng iba na parang kumikilos na lang sakin para sa awa. O tingin na parang nagtataka dahil nagtitiis ako sa ganitong klase ng relasyon.
And after a week, mother said na next monday siya pupunta sa bahay.
I was... calling Rios, but he is not answering. I also message him regarding my mother's invitation, pero hindi siya sumasagot.
One week straigt ata akong nagcha-chat sakanya, pero friday na at wala pa rin akong naririnig.
I am cooking food. Napag-desisyunan kong pumunta sa opisina niya.
I want him to show what I cook. I felt proud because it taste more good than my other kaldereta recipe. Favorite din iyon ni Rios.
I need to go to his office to tell him. Baka he's to busy to check his phone.
After cooking, I fixed myself.
Natigilan ako sa pagngiti noong makita ang sarili sa salamin. Mas pumutla, mas lumalim ang mata, at halos yakapin na ng balat ang buto sa mukha ko.
I should... put make up.
I felt excited. Ngayon lang ulit ako makakalabas at nag-ayos. Hindi kasi ako nakakalabas na at... wala namang dahilan.
Rios hated me going out too... so... I cannot do that.
Ilang beses na akong nakapunta sa opisina ni Rios before marriage happened. There are other different faces on the lobby, but the front desk person remain the same.
"Good morning, welcome to Cervantes. How may I help you?"
Ngumiti ako sakanya. "May I know if I can visit Rios?"
"Rios Cervantes?"
Tumango ako.
"May appointment po?"
"He is not answering my calls po. But you can contact him and tell that this is Sienna."
Lumaki ang mata nito. "Sienna po?"
Tumango ako sakanya. "Hello... good morning."
"Ma'am Sienna... hindi ko po kayo nakilala..." Aniya.
Hindi nagdalawang isip ang front desk na paakyatin ako without appointment. Naglalagi rin naman kasi ako noon dito.
Ah... I miss this place! It bring... so much happy memories.
Tinignan ko ang pagkain na bitbit. Maglu-lunch time pa lang. Sana ay hindi pa siya nakakabili sa labas.
Tuloy-tuloy lang ang lakad ko sa office. I greeted someone— pero mukhang nalilito sila kung sino ako.
I guess... My face really changed.
My secretary ito sa labas ng office.
"Excuse me, Ma'am. Do you have any prior appointment?"
"Wala. I am just here to talk to him over lunch." I told and smiled. "Where is he?"
"On a meeting pa po. But I'm sorry... Ma'am. Hindi po pwede ang ginagawa niyo."
"I..." Hindi ko alam kung bakit nahihiya pa akong sabihin ang salitang 'to. "I am his... bestfriend."
I am his wife. Gusto kong sabihin iyon.
Kumunot ang noo ng babae. "Po?"
"Kaibigan." Asawa.
Nalito ito. "Pwede pong patingin ng ID?"
"Sienna Cervantes? Sorry po Ma'am! Mukhang kamag-anak po kayo," tawa niya at kinakabahan. "Pumasok na po kayo..."
I smiled and entered. Ah, finally. I am back on his office.
It's been... months since the last time! The office remained unchanged. Ganon pa rin.
The walls are simply pain in white, and some details are in black.
Sa unahang gitna ay nandoon ang office chair niya at sa likod noon ay isang malaking bookshelf. The wall itself was a bookshelf.
Napangisi ako. Pinagawa niya ito noon dahil hilig ko magbasa ng libro, at favorite ko gawing library ang office niya.
Sa gitnang bahagi ay isang maliit na sofa na para sakanya, at kaliwa't kanang mahabang sofa para sa ka-meeting. There are a short table on the center.
Doon ako umupo at inayos ang kaldereta kong bitbit. I need to fix this before he arrives. Para kakain na lang siya.
Naalala ko noon, hinahayaan niya lang ako dito na mangulit at magbasa ng libro.
I was even shocked when he made this shelf just for me. Para daw may basahin ako habang busy siya.
"What the fvxck are you doing here, Sienna!?" Bulong, pero padiin na tanong niya at sinarado ang pinto.
Nawala ang ngiti ko noong makita ang galit niyang mukha.
"R-Rios..."