Mag-iisang linggo narin ang nakakalipas nang magsimula nang humupa ang gulo sa nangyari sa pagitan nila Ashton at Luke. Katunayan ay wala na silang narinig na rinig navfbalita tungkol kay Luke pagkatapos nang barikadahan nito ang harapang bakuran pati na ang gate ng lumang bahay na binili ni Ashton para hindi ito makapasok doon. Nakakapagtaka man na bigla nalang itong naging tahimik, subalit pabor narin sa kanila ang hindi na pangugugulo nito. Siguro ay naging abala narin ito dahil sa ipinapagawang tulay na iba na ang construction company ang humawak. Nakita nila itong pagkakataon na puntahan si Lola Florencia sa Bataan para sunduin ito at dalhin sa Cavite. Ilang araw na rin magmula nang makauwi ito galing sa ospital. Bumalik na ang saya at sigla nito na sadyang ikinatuwa nila lalo na si

