Ilang araw lang ang lumipas nang kumalat na agad sa newspaper at telebisyon ang tungkol sa nangyaring pag-aaway nila Ashton at Luke. Pinagpiyestahan agad ito ng mga tao lalo na ng mga taga Cavite at mga tao sa kumpanya nila Ashton. Galit na galit si Ashton nang makarating ito sa kanya. Paano’y kalahati ng istorya doon ay pawang kasinungalingan lamang. Partikular na ang pagsugod niya daw sa opisina nito para pilitin ang Mayor na pirmahan ang dala dalang mga dokumento, at suntukin niya ito dahil sa hindi pagpayag ni Luke sa napagkasunduang ibabalik na pera ng kumpanya ni Ashton. Maging si Ellie ay naalarma ng mabalitaan iyon at agad na nagdesisyon na umuwi muna sa Cavite. Inabisuhan si Ashton ng ama at iba pang malalapit na kakilala sa loob ng kumpanya na palipasin nalang ang issue na

