“Ano naman kayang ginagawa nila rito. Bakit sila naandito? Alam kaya ni Hela ang tungkol dito?” tanong ni Fenrir. Kanina niya pa iyon tinatanong at walang sumasagot sa kanya kaya siguro pinapaulit-ulit niya. “Baka may alam si Hela o baka siya mismo ang nagpapunta rito kay Hellhound o kay Garmr, kung sino man ang naririto ngayon. Kung anong dahilan, we’ll find out. We have to,” sagot naman ni Jormungandr. Gusto kong maging masaya dahil naririto ang isa o baka parehong alaga ng aking ina. Gusto kong matuwa na maaaring makita ko siya ngayon. Ngunit sa ipinapakitang ekspresyon ng tatlong kasama ko ay parang hindi dapat ganoon ang maramdaman ko. Papunta na kami ngayon kung saan ko nakita ang hibla ng balahibo. Itinuro ko pa nga sa kanila saan ko rin nakita ang mga bakas subalit kagaya ng ina

