Lumagapak sa lupa sina Skoll at Hati. Ramdam ko ang dagundong at pagyanig na nangyari dahil sa pagbagsak ng dalawa sa lupa. They look tired. Na parang ang manlaban sa apoy na ginawa ko kanina ay sapat na upang tangayin ang natitirang lakas nila. I heard noises coming from them. Iyong tipo ng ingay na mula sa isang tuta o asong nasaktan at umiiyak. Ganoon ang narinig ko sa kanilang dalawa. Ang mabagsik at matapang na presensyang dala nila kanina ay biglang naglaho. Nag-iwas na ng tingin si Fenrir sa akin. Ang kanyang mga mata’y hindi na rin ganoon kagalit. Naglakad siya patungo sa dalawang anak na ngayon ay akala mo’y maaamong tuta. “Sasagutin niyo na ba ang katanungan namin kanina kung anong dahilan bakit niyo sinunod ang inuutos ni Odin sa inyo?” tanong Fenrir, ang buong atensyon ay na

