KURT DE MERCEDES NAGISING AKO NANG may mahigpit na nakayakap sa buong katawan ko. Dahan-dahan ko namang iminulat ang mga mata ko. Nang tuluyan ng bumuka ang mga mata ko, hindi ko napigilang manlaki ang mga ito. Nasa tabi ko na pala ang anak ko. Sa kanya pala galing ang mahigpit na yakap at ang bigat na naramdaman sa katawan ko. Ang buong akala ko ay nanaginip lang ako. Pero heto siya at lumipat dito sa akin. Napatawa naman ako sa katotohanang walang kwenta talaga ang anak ko. Iniwan ba naman ang kasintahan niya sa kwarto kung saan sila natutulog. Napahawak naman ako sa tiyan dahil sa hagikgik. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Noon kasi ay tinutukso ko lang siya na baka kapag kasama na niya sa kwarto si Winter ay iwanan niya iyon sa kwarto at lumipat sa akin. Pero ito na nga at nangy

