Ilang saglit pa’y tumabi na kay Guido ang dalagitang mananayaw at nagpakilala. Tinanong iyung lalaki kung may ka-table na ba siya. Nung bahagyang umiling ang lalaki ay kaagad umupo ang katatapos lamang sumayaw na dancer sa katabing upuan ng bago niyang customer. Nangingintab ang makinis na balat ng dalagita dahil sa pawis at sangkaterbang glitters na parang paminta na binudbod sa kung saan-saang lantad na bahagi ng murang katawan nito. Sa may hindi kalayuan na cashier’s counter, natanaw ng dalagita ang kaniyang floor manager. Binaling ng babae ang kaniyang tingin sa katabing lalaki. Nagpakilala siya ulit dito. Ngunit mas malambing ang tinig. “Hi, ako si Cassandra. Sandy, for short.” Bagaman iba ang nararamdaman ng dalagita sa kaniyang bagong-kakilala, tinanong pa rin niya si Guido kung

