“Father…” ang bungad ni Arvin sa pari. Tumingin din siya sa kaniyang nakatatandang pinsan na si Ramon bilang senyas na nasa mabuting kalagayan siya. “Anak,” ang sagot ni Padre Aquino, “pasalamat sa Diyos at mabuti na ang kalagayan mo. Hindi na kita nahintay pang magkamalay at hindi na natin nagawa pang mag-usap tungkol sa nangyari kagabi. Basta ang mahalaga’y buhay ka…” Biglang sumabat si Ramon sa usapan ng dalawa, “Ibig sabihin, Father, nandoon din po kayo kagabi sa Ugong Bato at nasaksihan ninyo ang lahat?” Si Padre Aquino naman ang bahagyang nalito, “Naroroon ka rin ba, Ramon?” “Opo, Father, nasa quarry station po ako ng Haguhit nung nakita kong may katunggali si Arvin sa zipline. Inilawan ko nga po ng headlight ng aking motorsiklo iyung aswang upang masilaw pero…” Biglang inilapat

