Uulitin natin ang tanong: Kung ang karamihan ng kasapi ng mga puristang aswang ay ang mga beterano sa digmaan, sino naman ang mga kasapi ni Mayor Sugay at ni Luke? Mga pugante na preso, mga pinaghahanap ng batas, mga mambubudol at estapador, mga paupahang berdugo, mga alibughang kabataang lulong sa iba-ibang bisyo ng katawan, mga tampalasang sundalo’t pulis, mga tiwaling opisyal at empleyado ng gobyerno, at marami pang iba. Ito ang mga bagong aswang may kuta hindi lamang sa liblib na kagubatan ng San Kristobal, kundi sa loob mismo ng hasyenda ng kunsintidor na alkalde ng Tagamingwit. Kung sa loob mismo ng hasyenda ni Mayor Sugay ay siya ang hari-harian ng mga hybrid na aswang na ang karamihan ay mga sanggano’t kriminal, sa loob naman ng liblib na kagubatan ng San Kristobal ay ang mang

