Superman (Unang Bahagi) Kung naniniwala ka na may Superman sa daigdig na ito, makinig kang mabuti sa ikukuwento ko sa iyo. Ikukuwento ko sa iyo kung paano iniligtas ng isang hunyangong aswang ang isang tao na magiging susi sa kaniyang pinakatatanging pagbabagong-loob, labas sa kaniyang malimit na pagbabagong-anyo. Nang makababa na sa lupa ang puting agila, agad itong nagpalit ng anyo bilang si Diego, ang hybrid na binatang aswang na kanang kamay ni Luke at ang isang naligaw at nangungulila na anak ng isang tao na wala namang ninais maganap sa mundo kundi pawang kabutihan lamang. Bilang si Diego, lumapit ang mangalok sa tumilapon na SUV na lulan sina Mam Precious at Sarhento Sarmiento. Bahagya nang umaabot sa kaniyang ilong ang simoy ng gasolinang tumatagas mula sa tubo ng nawasak na kar

