Nakailang pindot sa on/off button ng cellphone niya si Lea bago pa lumiwanag ang touch screen nito. Sa panibagong pagliwanag ng malalim na karimlan na matagal-tagal ding bumalot sa bahaging ito ng pangawan, inihanda ni Lea ang sarili sa anumang tumuligsa sa kaniyang sensitibong mga pandamdam. Katuwiran niya, hanggang hindi siya nakararamdam ng kagat o ng hapdi o ng sakit, hindi niya ililipat ang sarili mula sa panig ng pagiging depensiba tungo sa panig ng pagiging opensiba. Naging mabait naman sa kaniya ang tadhana, dahil pagkatapos niyang punasan ang putik sa LCD screen ng cellphone at sa pagbukas niya ng ilaw ng flashlight mula dito, napag-aralan niya nang husto kung paano siya napunta sa kasalukuyan niyang napuntahan. Ikanga ng mga matatanda, ang hindi lumingon sa pinanggalingan. hindi

