"Baka naman patay na 'yan, pards! Tingnan mo muna kung humihinga pa! Napalakas 'ata 'yung palo mo kasi..." Ito ang kinakabahang payo ni James sa katropang climber na si Ramon. Nilapitan ng nakatatandang pinsan ni Arvin ang walang-malay na pinuno ng mga puristang mangalok. Si Ramon at si James ang tanging nakababatid sa patong sa ulo ni Jessie na inilagay ni Padre Aquino. Isang daang libo! Maging ang ibang mga katropa't kasosyo nila sa Haguhit zipline project ay walang kaalam-alam sa bagay na ito. Sa katunayan, pinasunod ni James ang lahat ng kasamahan nila sa AGAW-TANAW climbers club sa Simbahan ng San Agustin para sa isang gawain na malayo sa binabalak ng dalawang tila tanggap na ang pagiging kidnapper. Bakit nga naman hindi? Sa halagang isang daang libo ba naman! Ang alam lamang kasi

