Sa Nalalapit na Bukangliwayway (Pangalawang Bahagi) Ang mga sumusunod ay mula sa oyayi at iba pang matulaing likha ng guni-guni ni Jessie, na kasalukuyang nakagapos sa isang upuan sa loob ng lihim na silid sa likod ng altar ng Simbahan ng San Agustin. Jessie: Bumabangon akong tulog mula sa purgatoryo ng aking sariling budhi. Si Dante man na aming kabalitaktakan sa kabilang mundo ng buhay ay mangingimi sa aking isisiwalat tungkol sa tagpuang ito kung saan walang santong hindi ginawang tapakan ng mga among diyablong ang kaawaawang ulunan. Anak ako ng itinakwil na santo na si San Kristobal. Mula sa dalisay na dugo ng aking lahi na nananalaytay sa mga ugat ng aking katawan ay ang isang kabatiran na hindi lahat ng lalang sa sumpa ng lupa ay walang ihahatid sa sangkalupaan kundi lagim at kasam

