Agaw-Liwayway (Pangalawang Bahagi) Simulan natin sa kung tawagin nga sa Ingles ay - omnipresence. Omnipresensiya. Na ang Diyos ni Padre Aquino ay nasa lahat ng dako sa lahat ng panahon. Paano napaniwala ni Padre Aquino ang sarili na siya'y mayroon ding angkin o may karampatang omnipresensiya? Nasa loob pa lamang ng seminaryo si Padre Aquino'y itinuktok na ng mga paring guro niya na ang Diyos ay nakikita ang lahat ng bagay sa daigdig na ito. Ito'y ganap na paniniwala na itinuturo sa kaniya ng kanilang ebanghelyo. May kaunting pagkakaiba lamang sa ibang relihiyon, tulad ng Judaismo, kung saan ang Diyos ay nasa lahat ng dako subalit nahahati sa dalawa. Ang dalawang hating ito'y ang tinatawag na immanence, o ang paniniwalang ang Diyos ay nasa lahat ng kaniyang nilikha; pangalawa'y ang tinat

