Agaw-Liwayway (Ikatlong Bahagi) Ating ulitin ang lohika na sinundan ni Elias Canetti tungkol sa masalimuot na kaugnayan sa isa't isa ng puwersa at ng kapangyarihan. Muli, hinalimbawa niya kasi sa unang sipi na ang pusa ay gumagamit ng puwersa upang hulihin ang daga, upang sunggaban ito, hawak ng kaniyang matatalim na kuko at sa dakong huli'y kitilin ito. Ngunit habang pinaglalaruan ng pusa ang daga, may isa pang salik ang matutukoy dito. Pakakawalan ng pusa ang daga, sandaling pababayaang magtatatakbo at tatalikuran pa ito; at sa naturang sandali, hindi na napapasailalim sa puwersa ang daga. Ngunit ito'y nasa kapangyarihan pa rin ng pusa, at maaaring mahuli muli... Natuklasan ni Padre Aquino na ang walang hanggang kapangyarihan ng kaniyang Diyos, na ibang-iba sa mistulang paggamit lamang

