Sunod-sunod na ring ng telepono ang gumising kay Marcus kinabukasan. Gusto niyang murahin ang kung sinuman ang tumatawag na iyon dahil hindi pa niya gustong magmulat ng mata. Nang tingnan niya ang oras sa relong pambisig na nakapatong sa bedside table ay napabuntunghininga siya. Alas otso na ng umaga. "Marcus, where are you?!" iritableng wika ng kausap. "Kanina pa kami kumakatok sa kwarto mo." Hindi siya agad nakasagot at agad na sumagi sa isip si Stacey. Pangalawang araw ng seminar ngayon sa SMX Convention Center pero wala na siyang balak pumunta. Mas gusto niyang puntahan si Stacey at pag-usapan ang nangyari sa kanila. "Marcus!" muling wika ni Caroline sa kabilang linya. "I'm sorry, naparami ako ng inom kagabi kaya sa malapit na bar na lang ako nag-check-in," alibi niya. "

