Sandaling natigilan si Stacey nang mapagsino ang kaharap niya ngayon. Hindi lang kaharap- dahil nakasabit pa ang mga kamay niya sa leeg nito. She was drunk, she knows that. At ang kataksilang ginawa ni Leandro sa kanya ay nagbibigay ng dahilan para magwala siya at gumawa ng bagay na hindi niya pa nagagawa sa tanang buhay niya - ang sumama sa isang estranghero habang puno ng alcohol ang buong sistema niya. But Marcus wasn't a stranger. At sa pagkakatanda niya'y may gusto ito sa kanya noong nasa poder pa nila ito. She smiled seductively. "Long time no see," inayos niya ang kwelyo nito at nakitang napapalunok ang binata kapag tinititigan niya. She could still have that effect on him. "You've changed," nakangiti niyang wika. "Akala mo ba'y ako pa rin ang patpating lalaki na walang

