Nakatitig si Stacey sa anak na mahimbing pa ring natutulog. Kung meron man siyang ipinagpapasalamat ay ang kaalamang maayos na ang relasyon nilang mag-ina. Athena loves to hug and kiss her anytime she wants. Malambing ito at mabait na bata. At minsan ay may kirot sa puso niya na isiping si Caroline ang niyayakap at hinahalikan ng anak noong mga panahong tinalikuran niya ito. Hindi pa naman huli ang lahat dahil nabawi niya agad si Athena. But she already lost Marcus. Ang lalaking nagmakaawa pa dati na bigyan niya ng atensyon ay bumaling na sa iba. She learned from Nana Rosa that Caroline is pregnant. Gusto man niyang aminin ang damdamin kay Marcus ay tiyak niyang pagtatawanan lang siya nito sa huli -- na tapos na ang pagkahibang nito sa kanya. Marcus never shows he wants her back.

