fourty seven

1617 คำ
XLVII. Mabilis akong napadilat ng mata nang maalimpungatan ako. Dim ang ilaw, hindi masyadong malamig pero nakakumot ako. Teka, hindi ko 'to kwarto ah? "s**t!" Agad akong napabangon nang pumasok sa isip ko na hindi pa ako umuuwi. Lumingon ako sa wall clock sa gilid at nakitang alas singko na ng umaga. Napasampal ako sa noo bago lumingon kay Kyle na nakatalikod sa'kin. Tulog. Hindi ko namalayan na nakatulog ako kanina! We were just talking. Hindi ko inakala na makakatulog ako na ganito ang suot ko, naka longsleeve ako at maong na khaki short. Alas singko na. Siguradong magtatanong na naman si ate Agnes kung saan ako galing tapos hindi ko na naman maiiwasan na magsinungaling. Damn, Savanna! Nanlaki ang mata ko nang marinig ang mahinang ungol ni Kyle. Nagising ko ba siya? Dahan-dahan akong bumalik sa pagkakahiga habang nakangiwi. 5am na naman, i don't care anymore. Mamaya na lang ako uuwi. Gumalaw si Kyle kaya nakagat ko ang labi ko. He rolls over that made me froze, nakadilat ng konti ang mata niya na halatang antok na antok pa. Mapungay ito at medyo namumula, mabilis akong pumikit at nagpanggap na natutulog nang bumaling ang tingin niya sa'kin. Gumalaw ang kama, naramdaman ko na lang ang pagpulupot ng braso niya sa'kin saka ako hinila palapit sa dibdib niya. Hinawi niya ang buhok sa mukha ko at banayad na hinalikan ang gilid ng mata ko, ramdam ko ang pag iinit ng buong mukha ko dahil doon. I'll never get used to his hugs and kisses, i'll never get used to him. Nagdilat ako ng mata kaya tanging leeg niya lang ang nakita ko. He's breathing softly, i guess he's still sleeping. Maingat na pinulupot ko rin ang braso ko sa katawan niya, hinaplos niya ang buhok ko kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. Is he awake? Inaantok na dinilat niya ang isa niyang mata para silipin ako nang maramdaman niya ang pagtitig ko. Napangiwi ako kaya gumuhit ang maliit na ngisi sa labi niya, nahihiya na ibinalik ko ang mukha ko sa dibdib niya at pumikit. I heard his chuckle. It was deep and husky. I pouted. Being in his arms? That's home. No matter where that may be. Umuwi ako sa bahay ni ate Agnes ng alas otso ng umaga. Hindi ko na siya naabutan sa bahay dahil maaga siyang umalis, sana lang talaga ay hindi niya malaman na umaga na ako umuwi. I don't want her to ask me, hindi ko alam kung anong isasagot ko. Mabilis akong naligo at pumasok ng alas diyes ng umaga, isa lang ang klase ko ngayon kaya makakauwi din ako ng mga ala una. I want to go to Kyle later dahil wala siyang klase ngayong araw pero tinawagan ako nila Gael na kailangan ko daw pumunta sa HQ mamaya. Binuro ko ang sarili ko sa pagrereview dahil sa quiz namin, nagsisimula na akong purihin ng prof at ng iba kong kaklase dahil sa biglaang pagbabago ko sa pag-aaral. Perfect ang score ko sa long quiz at naging active ako sa recitation. Oh, how i miss being a nerdy. "Hi, Vana!" Maligayang bati ni Hazel pagkarating ko sa HQ pero napalitan din agad ng ngiwi. Nginuso niya si ate Agnes na naka-cross ang legs na nakaupo sa swivel chair sa pinakadulo. Nagtaas siya ng tingin nang lumapit ako, tumaas ang isang kilay niya kaya napalingon ako kay Romeo na mukhang nabadtrip nang makita ako. Oops, galit nga pala sa'kin ang isang 'to dahil sa ginawa ko kahapon. "Ano 'yung nabalitaan ko?" Tanong ni ate Agnes. Ngumiwi ako bago maingat na umupo sa isang upuan. "I just did the right thing." Sabi ko kaya umigting ang bagang ni Romeo. "How about the taxi driver? Anong ginawa mo sa kanya?" Tanong ulit ni ate Agnes. "I let him go." "Damn, Silvana. You did the wrong thing!" Bulyaw ni Romeo. "Paano kung magsalita 'yon? Katapusan na natin lahat!" "He won't spill!" I yelled. "He's scared for his life, alright. Alam niyang pag ginawa niya 'yon ay papatayin mo siya, he knows how heartless you are Romeo!" "Stop it." Malamig na sabi ni ate Agnes kaya napatikom ang bibig ng dapat na magsasalita pang si Romeo. Nakatingin ang lahat sa'min kaya huminga ako ng malalim para kumalma. "Kilala mo ba ang taong iyon, Silvana?" Tanong ni ate Agnes. Umiling ako. Hindi ko sasabihin sa kanila na kilala ko si Tatay Poli. They would ask many questions. "Then it's okay if we killed him?" Tanong niya pa kaya mabilis akong napatayo. "Don't touch him!" Narinig ko ang asar na tawa ni Romeo. "Hindi mo kilala? Eh bakit ganyan ka maka-react? May tinatago ka ba sa'min? Ano?" Natigilan ako at kinuyom ang kamao. "W-wala akong tinatago. Pinigilan lang kita dahil mali ang gagawin mo! We don't kill innocent people! May natitira pa kaming konsensya! Kung gano'n ka, wag mo kaming idamay--" Padabog siyang tumayo kaya natumba ang chair na inuupuan niya. "You're a hired killer, Silvana! Wag kang magmalinis na akala mo ay hindi ka pumapatay ng tao, pare-pareho lang tayo dito!" "Stop raising your f*****g voice at her, Garcia." Malamig at galit na tono ng boses mula sa likod ko. Sabay-sabay kaming napalingon kay Gael na kadarating lang. Naka-kunot ang noo at malamig ang tingin kay Romeo na biglang natahimik. "Let's talk later." Walang gana na sabi ni ate Agnes bago ako dapuan ng tingin, naglakad siya papunta sa office niya kaya galit na umalis si Romeo. Naiwan akong nakatayo dito at yumuko. "Anong nangyari?" Mahinahon nang tanong ni Gael. Umiling ako at mabilis na pinunasan ang luha ko. I'm so mad! Galit na galit ako kaya ako naluluha. Nakakagalit dahil totoo 'yung sinabi ni Romeo, i'm a killer too and i already killed a plenty of people. Kaya nga ayoko nang madagdagan pa! Sobra akong nagsisisi. "May hindi lang kami napagkasunduan ni Romeo." Mahinang sagot ko bago naglakad papunta sa banyo. Nakatingin sa'kin ang lahat ng nandoon, i can sense that they're also mad at me. Naramdaman ko ang pagsunod ni Gael na hindi ko pinansin. Naghilamos ako sa sink habang pinapanood niya ako, binuksan niya isa-isa ang bawat cubicle gamit ang paa niya para makita kung may tao. Pero wala, kami lang ang nandito. "Silvana, saan ka natulog?" Tanong niya kaya napatigil ako sa pagpunas sa mukha ko. Naramdaman ko ang bumalot na kaba sa dibdib ko. "Sa kwarto ko." Mahinang sagot ko. Tinignan niya ang repleksyon ko sa salamin, walang emosyon ang mukha niya at parang guhit lang ang labi niya. "Tinanong ni ate Agnes kung sa condo ko ba ikaw natulog, ibig sabihin ay hindi ka niya nakita sa kwarto mo." Aniya sa malamig na tono. Kinilabutan ako, ngayon niya lang ako kinausap sa ganitong tono. "Hindi siya pumasok sa kwarto ko, akala niya lang siguro na wala ako." Pagsisinungaling ko pa. "Nung birthday ni ate Agnes," Binaling niya na ang tingin mismo sa'kin kaya lalo akong kinabahan. "Alas tres ka na daw umuwi at sinabi mong sa condo ko ikaw nanggaling. You never went to my unit, Silvana." "I just had some air," Yumuko ako. "Sinabi ko lang na doon ako nanggaling para hindi siya mag-alala. Sorry.." Tumango siya habang hindi inaalis ang titig sa'kin. Huminga siya ng malalim at tumalikod na para umalis. "Don't stay here for now, mukhang galit sila sayo ngayon." Aniya bago tuluyan nang lumabas ng banyo. Napahawak ako sa dibdib ko habang mabigat ang pag-hinga. I'm so sorry, Gael. Umuwi na lang ako matapos no'n, hindi na muna ako nakipagkita kay Kyle kahit may oras naman. Ayoko na munang dagdagan 'yung pagsisinungaling ko kila Gael, nakokonsensya ako ng sobra. "Can i sneak in your house?" Tanong ni Kyle mula sa kabilang linya. Namilog ang mata ko at maraming beses na umiling dahilan para humaba ang nguso niya dahil sa pagkaka-disappoint. "You can't sneak in here, you have no idea how many CCTV's are here." Sabi ko habang yakap yakap ang puti kong unan, hindi inaalis ang tingin sa screen ng phone ko. Kumunot ang noo niya. "I can handle that, Savanna. Stop insulting me." Parang bata na sabi niya kaya ngumiti ako. "Just keep on missing me!" Pagbibiro ko. "Baka magsawa ka sa'kin kapag lagi tayong magkasama." "That won't happen." Mabilis na pagtanggi niya. "Sinasabi mo lang 'yan ngayon dahil hindi pa nangyayari." Pagbibiro ko pa kaya sumimangot siya. Tumagilid siya sa pagkakahiga sa sofa kaya pareho na kami ng posisyon. "I miss your kiss already." "You're a real kiss addict!" Tumatawang sabi ko kaya ngumisi siya. Oh, i love that. "I just want to make up for all the days that i was supposed to be kissing you." Nangingiti na sabi niya kaya nakagat ko ang labi ko dahil sa pagpigil ng ngiti. He really knows what to say. I'm inlove with his mind, his words are all i could ever hear. It feels like he is touching me even if he is not near. So magical yet so scary. "You sounds like a player!" Humahalakhak na sabi ko habang kinakagat ang unan na yakap ko. ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม