fourty eight

2350 คำ
XLVIII. Nakapangalumbaba na nakatingin ako sa labas ng opisina ni ate Agnes dito sa HQ. Nasa labas ang ibang agent at malakas na nagkukwentuhan habang nagtatawanan. Hindi naman ako pinatawag pero bibigyan kami ng mission ni ate Agnes. I sighed again. Iniisip ko lang si Tatay Poli, halos isang linggo na mula nang mangyari ang tungkol kay Romeo. Medyo naging mailap sa'kin ang ibang agent, sinabi ni Hana na galit sa'kin ang iba dahil inaway ko si Romeo pero sinabihan sila ni Gael kaya hindi nila ako ma-comfront. Nagsabi ako kay Kyle na sana ay bantayan niya si Tatay Poli, mas magkalapit silang dalawa dahil doon talaga ang area na binabyahe-han ng taxi nito. Pumayag siya at sinabi na malapit din ng konti ang loob niya sa matanda dahil mabait ito sa kanya. He said he was stunned when Tatay Poli called him 'anak'. It was cute and sad at the same time, Kyle is longing for a parents' love, hindi niya iyon naranasan mula nung bata pa siya kaya nakakalungkot. They despised him and that was very disappointing, wala nang mas sasakit pa sa isang batang mura pa ang edad ang kamuhian siya ng sarili niyang magulang. Kyle is very strong outside but fragile inside. Hindi ko alam kung paano niya kinaya iyon, basta ang alam ko ay sobrang dami na niyang pinagdaanan at napaka daming beses na siyang nasaktan. I adore him for that. Baka kung ako ang nasa kalagayan niya ay baka matagal na akong sumuko. Napatayo ako nang sinenyasan ako ni Hana na lumabas. Tinuro niya si ate Agnes na naglalakad patungo sa meeting area kaya inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas, sunod na pumasok si Gael na naka-white long sleeves at faded jeans. He looks really good with white. Binati sila ng lahat. "Good afternoon, miss Janine." Magalang na bati nila sa kadarating lang na nakapulang simple dress at off white stiletto. Gumuhit ang maliit na ngiti sa labi niyang na may pulang lipstick, kakaiba talaga ang aura niya. Para siyang si Chloe, ang suplada ng itsura niya. "Nice to see you, Ma'am Agnes." Aniya bago lumingon kay Gael na nakahalukipkip. "Hello, Gael." Maarteng bati niya kaya tumaas ang isang kilay nito at tumango. Dumapo ang tingin niya sa'kin kaya ngumiti ako dahilan para umismid siya. She really don't like me, huh? "Anong mission?" Bored na tanong ni Gael na nakatuon ang atensyon kay ate Agnes na nakatayo sa unahan. "Okay, let's start." Binuksan niya ang screen sa unahan pero wala pang lumabas na picture. "I'll give this mission to Janine, Gael and Silvana.." Sabay na nanlaki ang mata namin lahat. Lalo na sila Hana. Kumunot ang noo ni Gael at tumaas ang kilay ni Janine. Kinuha ko ang mainit na kape na nakapatong sa harap ko na hinanda ng secretary dito, humigop ako at napangiwi dahil sa sobrang init. "Silang tatlo, ma'am?" Gulat na tanong ni Dianne. "I mean, they're like our best agents.." "I wonder who the target is.." Nag-iisip at namamangha na bulong ni Tyler. Tumikhim si ate Agnes kaya natigil ang bulungan. "This target is may be the hardest one so far, walang client na involve dito dahil ako at ang president natin mismo ang nag-decide na target-in siya.." "Woah! Our agencies president?" Namimilog ang mata na sambit ni Krizel. Hindi sumagot si ate Agnes at may pinindot sa remote na hawak niya kaya lumabas ang information ng isang tao. "Kyron Nicole Vergara.." Mabilis na nabitawan ko ang mug na hawak ko nang makita ang nasa malaking screen sa harap ko. Nabasag ang mug sa sahig at tumapon ang sobrang init na kape sa binti ko. Pero hindi ko iyon ininda, nanginginig ang loob ng katawan ko. Kyron Nicole Vergara. Ano 'to? Bakit namin siya target? "s**t, Vana!" Narinig ko ang boses ni Gael. Hinubad niya ang suot niyang white long sleeves kaya naiwan ang sleeveless na suot niya. Inangat niya ang binti ko na natapunan ng mainit na kape, pinunasan niya iyon gamit ang hinubad niya. Namumula ng sobra ang binti ko pero hindi ko ito maramdaman, halos gustuhin ko ang pakiramdam nito dahil nabawasan nito ang panlalamig ng buong katawan ko. "Hey! What's the problem?" Kunot ang noo na tanong ni ate Agnes habang tinatapik ng mahina ang pisnge ko. Natauhan ako at ngayon lang naramdaman na tumutulo ang luha ko. "Vana, magsalita ka. Ayos ka lang ba?" Tanong ni Gael kaya napalingon ako sa kanya. Nakatuon ang mata niya sa'kin, kumunot ang noo ko nang makita ang mata niya. What's with that expression, Gael? I don't understand. "Hey, girl. You okay?" Tanong ni Janine na nagtataka. Tumango ako at pinunasan ang luha. "Ang sakit.." Sambit ko. Binalik ko ang tingin sa screen sa harap ko at lalong nanlumo nang makita ang malaking picture ni Kyle sa gilid. Dumating na ang araw na pinaka-kinatatakutan ko; ang maging target ng APO si Kyle. I'm so scared, i feel so scared for my Kyle.. "Can we continue?" Tanong ni ate Agnes matapos lagyan ng first aid ang nasunog kong balat. Tumango ako kaya sinulyapan ako ni Gael, nakatayo siya sa bandang likod ko. Nakasandal ang pwetan sa lamesa habang pinaglalaruan ang kanyang labi. "So, this young man right here is maybe.. i think, the target that every single one of us will be happy if he fell on our hands." Ate Agnes smirked. "Remember, the hacker?" "That's him?! He's hot as hell!" Nakanganga na sabi ni Janine. "Malayung-malayo sa na-imagine kong itsura niya.." "What a handsome hacker.." Hagikgik nila Hana sa likuran. "Got you this time, fucker!" Maligayang sabi ni Tyler. "We just have to kill him?" Malamig na tanong ni Gael kaya napangiti si ate Agnes at umiling. Napayuko ako at kinagat ang labi ko. Come on, tears! Wag kang babagsak! "Nope." Aniya. "Kailangan niyo siyang dalhin dito, like what Tyler and Hana said; he's a beast when we're talking about hacking." May binasa siya sa isang maliit na papel. "Well, he's a real beast. He's good at fighting, too. He can even make bombs and guns all by himself, he's very smart and labeled by people around him as a psychopath." "Wow." Janine uttered. "I think i'm inlove!" Tumawa siya ng maarte. You can't be inlove with him. You'll get broke, alright. He's mine and he loves me dearly. "Psychopath?" Tumango tango si Dianne. "Mukhang mahihirapan ang agents natin sa mission na 'to ah?" No, no. My Kyle is not a psychopath. Don't let him hear that, he'll get hurt. "Well, Gael is more trained when it comes to fighting.." Sumulyap si ate Agnes sa tahimik na si Gael. "No doubt, Gael can fight better than him. But, Kyron Nicole Vergara is a manipulator and that's the hardest part." Kinagat ko ang labi ko. He really is. "Kaya ang best agents natin ang nilagay ko sa mission na 'to." Tinignan niya kaming tatlo nila Janine. "Don't kill him, kahit nag-aagaw buhay niyo siyang dalhin dito ay wala akong pakialam basta ay makakapag salita pa siya. We would want to know what agency is he from, right?" "Of course!" Janine smirked. "I'm very interested." Stop it, Janine. Nasa likod mo lang ako, baka magulat ka na lang na hilahin ko ang makintab mong buhok. I would hit your face using your off-white stiletto if you don't shut up. "We'll kill him after niyang masabi kung anong agency niya. He's a big threat to us." Ani ate Agnes. Humigpit ang hawak ko sa laylayan ng damit ko. You can't. You can't kill him. "Mahaba ang deadline, maybe a month?" Tumaas ang kilay ni ate Agnes. "I'll give you a month to catch him." "Wow, a month! He's that hard to catch?" Parang na-a-amaze pa rin na sabi ni Krizel. "Can't we just recruit him?" Tanong ni Janine kaya nagkibit-balikat si ate Agnes. "Malaki ang maiaambag niya sa'tin, plus he's hot! I can be his girlfriend if wants to." I clenched my teeth while rolling my eyes. Try hard, Janine. Tignan natin kung papayag ba siyang maging girlfriend ka niya. That guy you are talking about is crazy for me. "We can't. Sa tingin ko ay hindi natin siya magagawang paamuhin, that will be impossible." Ani ate Agnes bago hawiin ang buhok. Sinabi niya pa ang maraming information tungkol kay Kyle, ang condo nito, ang school at kung anu-ano pa. Hindi ko alam kung paano ko napigil ang luha ko ng mga oras na iyon. Nagpaalam ako kay Gael na gusto kong magpahangin mag-isa, nakakapagtaka na hindi na siya nagtanong pa. Pero wala na akong oras para isipin iyon, sa taxi ay naiiyak na ako pero pinigilan ko pa rin. I don't wanna cry! Pumikit ako habang nakasandal sa back rest. What did you do, Kyle? Anong ginawa mo at nakuha nila ang informations mo? God. I'm so scared for him! Hindi na siya pwedeng manatili dito, they will hunt him! It's Janine and Gael for petes sake! Elders sila ng APO. They're very dangerous! Wala silang awa.. Pagkadating ko ng apartment ay wala si Kyle. Napaupo ako sa sofa at kung anu-ano agad ang naisip ko, i called him multiple times but he's not answering. Tinaas ko ang paa ko sa sofa at niyakap ang tuhod ko. Ilang sandali lang ay biglang bumukas na ang pinto, tumambad si Kyle na naka-uniform pa. Nagkatinginan kami kaya hindi na napigilan ng luha ko na mag unahan na bumagsak, napalitan ng gulat ang mukha niya at mabilis akong nilapitan. "Hey, are you okay?" He asked softly. Tinulak ko siya kaya napaatras siya, pinunasan ko ang luha ko at matalim na tinignan siya. "What did you do?" Galit na tanong ko. "Bakit nakita nila ang informations mo? Bakit ka nila nakilala?! Hindi mo ba alam na target ka na nila? They will freaking hunt you anytime! You're not safe here anymore! Aren't you scared, Kyle?! Are you really going to be like this, huh?" Natigilan siya saglit at napatitig. Nag iwas siya ng tingin at naglakad papunta sa kwarto habang tinatanggal ang butones ng uniform niya. How can he be so calm? Namamatay na ko dito dahil sa pag-aalala tapos ganito lang siya? "Aren't you scared for your life?!" Iritadong tanong ko bago sumunod sa kanya. Nakaupo siya sa kama at pinapanood akong sinisigawan siya. Tinakpan ko ng dalawang palad ang mukha ko at nilabas ang hagulgol na kanina ko pa pinipigil. Hindi niya ba naiintindihan? I don't wanna lose him! Natatakot akong mawala siya sa'kin! Natatakot akong mapahamak siya. Pwede bang maging gano'n din siya para sa sarili niya? Naramdaman ko ang banayad na paghaplos ni Kyle sa binti ko kaya napaigtad ako. Nakaluhod na pala siya sa harap ko at nakakunot ang noo na pinagmamasdan ang namumulang binti ko na natapunan ng sobrang init na kape. "What happened to your leg?" Nag-aalalang tanong niya bago nag-angat ng tingin kaya nagkatamaan ang mata namin. Nag iwas ako ng tingin at pinunasan ang luha. "Napaso lang 'yan, Kyle. You should worry about yourself." Mariin at galit na sabi ko. "They will hunt you for a month. Si Gael at Janine, including me! Sa'min binigay ang mission para hanapin ka! They'll ask you questions then they will kill you after!" Tumayo siya at ginulo ang buhok, kinamot niya ang ilalim ng labi niya habang nakatitig sa'kin. Kinagat ko ang labi ko nang makita na walang kahit anong bahid ng takot sa mga mata niya, madilim ang mata niya kaya nakaramdam ako ng pangingilabot. "Did you plan this? Sinadya mo ba 'to?" Nanginginig ang boses na tanong ko. Hindi siya sumagot kaya nakumpirma ko na totoo nga 'yung sinabi ko. Napamura ako sa isip. Hinawakan niya 'yung braso ko pero agad kong tinabig. "Hindi kita maintindihan, Kyle! I don't freaking understand you!" Sigaw ko. "Savanna.." Malambing na sabi niya at hinawakan ang mga daliri ng dalawang kamay ko. "Trust me, alright. I won't let them kill me, kasi kapag nawala ako ay malulungkot ka. I don't want you sad." Napayuko ako kaya tumulo ng tumulo ang mga luha ko. Ito na naman ako, nanlambot na naman ako dahil sa way ng pagsasalita niya. His expressive eyes are buried on me. Natatakot lang ako ng sobra para sa kanya, kahit kailan ay hindi ako magiging handa na mawala siya sa'kin. He tilted my chin up using his finger. Nag-iwas ako ng tingin kaya pinunasan niya ang luha sa mukha ko. Softly and carefully, it gave shivers down my spine. "I made you cry again." Parang nagagalit sa sarili na sabi niya. Dinungaw niya ang mata ko kaya iniba ko ang direksyon ng mata ko. "Can you look at me, please?" Huminga ako ng malalim bago tinuon ang mata sa kanya. Oh, Kyle. Why do you look so sad? Are you finally scared for your life? Or not? Gagawin mo ba talaga ang lahat para lang mabawi ako? "Maybe you should get rid of me." Halos pumiyok na sabi ko, naramdaman ko ang kirot na dumaan sa puso ko dahil sa sariling sinabi. Kyle leaving me? It will break me, sigurado akong mawawala ako sa katinuan kapag nangyari iyon. Nag-igting ang bagang niya at lalong dumilim ang mga mata. Hinawi niya ang takas na buhok sa mukha ko. His thumb touched my lower lip, his eyes are fixed on me. "Never," He said in a voice that deep, tracing my lips softly. "You're mine as long as you breathe." ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม