fifty three

2038 คำ
LIII. Kahit nahihiya ay hinarap ko rin ang mga 'bisita' na dumating. Nagpalit lang ako ng damit at tumabi kay Kyle sa sofa na nakabusangot ang mukha. "Wala ba kayong Xbox dito?" Tanong ni Kier habang nililibot ang tingin sa buong salas. "Wala." "Bakit wala? Kyle's obsessed with games, too." Ani Kier habang nililingon si Kyle, ngumisi siya nang makitang nakakunot ang noo nito. "I think he can play it sa bahay niyo." Sagot ni Monique na katabi ni King. "Gano'n?" Humalakhak si Kier bago ulit lingunin si Kyle. "Edi iba pala ang pinag-kakaabalahan mo dito, brad?" "Of course, he's with Vanna!" Inosenteng sagot ni Monique kaya tumawa na ng malakas si Kier. Kumunot ang noo ni King at pinagmasdan ako ni Billy. He glared at me when i looked at him. "Vergara." Pagtawag ni King kay Kyle kaya napangiwi ako. Tinatamad na lumingon sa kanya si Kyle at tumaas ang kilay. "Ano?" Iritadong tanong nito. Tumaas din ang kilay ni King hudyat na naiirita din siya. "You need to control yourself." Aniya sa malamig at seryosong tono. Emphasizing his every single words. Nanlaki ang mata ko at naramdaman ang pag-akyat ng mga dugo sa mukha ko. How can he freaking say that? Humalakhak ng malakas si Kier at kumunot ang noo ni Monique dahil hindi niya maintindihan, si Billy naman ay wala pa rin reaksyon. "Brad, come on! Wala naman masama do'n! Ang kj niyo." Sabi ni Kier na may pinaglalaban, ngumuso siya para pigilan ang pagtawa ng malakas. "Shut up, Kieran." Inis na sabi ko kaya napalingon siya sa'kin at pinigilan ang pagtawa kaya napahagikgik na lang siya. "What do you mean? Hindi ko kayo ma-gets." Ngumiwi si Monique kaya napalingon sa kanya si King. "You don't need to." Malumanay ang boses niya. Parang kanina lang ay kulang na lang manapak 'yung tono ng boses niya, tapos kapag kay Monique malambing? Tumayo ako dahil ayoko nang asarin pa nila kami ni Kyle. Wala naman pakialam 'tong katabi ko at halatang iritado siya. Nilingon ko siya at nakitang wala na naman siyang emosyon, nabaling ang tingin niya sa'kin kaya napaiwas ako ng tingin. "I'll cook for dinner." Sabi ko dahil lumingon silang lahat sa'kin. Maligayang tumayo si Monique. "Sali ako!" "Hmm.. hindi ako maglalaro, Mon." "I'll cook too.." Namilog ang mata ko. "You already know how to?" "Of course, marunong naman talaga ako." Aniya na parang nagyayabang. Narinig ko ang pagpigil ng tawa ni Billy at ang fake cough ni King. Napangiti ako nang sumimangot si Monique at inirapan ang dalawa. "Bahala nga kayo diyan." Walk out niya papunta sa kusina. Nilabas ko sa plastic isa-isa ang mga ingredients na pinamili ko kanina bago ako magpunta dito. "Anong lulutuin?" "Kare-kare." Sagot ko kaya napaangat siya ng tingin at ngumiwi. "Kaya mo? Mahirap lutuin 'to ah?" Nag-aalangan sa sabi niya habang tinataas ang isang gulay. "Marunong ako," Hinugasan ko 'yung kamay ko sa sink. "It's Kyle's favorite." "Ohh.." Nangingiti na sabi niya kaya ngumuso ako. "I shouldn't help you, though. Ako na lang maghihiwa?" Ngumisi ako at tumango. Gusto ko naman talaga na ako lang ang magluluto dahil gusto kong mabawi 'yung maalat na kare-kare na nailuto ko dati. Well, malaking tulong din si Monique dahil tamad akong maghiwa. Sinalang ko 'yung beef sa pressure cooker dahil matagal 'yon lumambot. Tinutulungan ko na rin si Monique na hugasan 'yung mga vegetables kaya magkatabi kami dito sa sink. "Ahm, Vanna.. May mga pantal ka sa leeg?" Ani Monique habang tinuturo 'yung leeg ko gamit 'yung sitaw na hinuhugasan niya. Mabilis kong tinakpan 'yung leeg ko gamit 'yung petchay na hawak ko kaya nagulat siya. Kinagat ko ang labi ko at nag-iwas ng tingin. "M-malamok kasi.." "I have an ointment! Want me to put it for you?" Nakangiti na tanong niya. "No!" Nagulat kami pareho sa pagtaas ng boses ko. "I mean.. it's okay. Meron din ako sa bag ko." "Okay?" Nagtatakang sagot niya kaya ngumiwi ako at nagpatuloy na sa ginagawa. Pagkatapos namin hugasan ang mga gulay ay nagpunta ako ng banyo para tignan 'yung nasa leeg ko. Binalot ako ng hiya nang makita ang tatlong malilit na pula sa leeg ko. These are hickies! Kyle, you really.. Pumikit ako ng mariin at tinaas ang kwelyo ng suot kong polo shirt bago lumabas ng banyo. Nilingon ko si King na naglalakad papunta kay Monique na naghihiwa ng ingredients habang mahinang kumakanta. "Careful, love." Malambing na sabi niya mula sa likod ni Mon kaya gulat na napalingon ito at ngumiti ng malapad. Ngumuso ako at nilingon si Kyle na nakaupo sa sofa. Nagkukwentuhan sila pero sa'kin siya nakatingin, tinaasan ko siya ng kilay kaya nginuso niya 'yung leeg ko. Umirap ako habang tinataas lalo 'yung kwelyo ko dahilan para mapangisi siya. Natapos akong magluto sakto para sa oras ng dinner. Hindi ko maiwasan na mapangiti nang makita na lahat sila ay ginaganahan kumain, kahit ako ay nasarapan sa sarili kong luto. Nilingon ko si Kyle na ganang-gana kumain sa tabi ko. Sa lahat sa'min ay siya ang pinakamarami nang nakakain dahil paborito niya 'to. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong nasasarapan siya. Hindi naman talaga ako magaling magluto pero itong recipe na 'to ang inaral ko. I want to impress Kyle. "Bye, Vanna! Bye, Kyle!" Kumaway kaway si Monique mula sa loob sa bintana ng kotse ni King. Almost 10pm na at paalis na sila. Dala ni Kier 'yung kotse niya at si Billy naman ay naka motorbike. "Ingat kayo!" Paalala ko habang sinusundan sila ng tingin na papalayo na. Napahinga ako ng malalim nang hindi ko na sila makita at pumasok sa loob, sumunod sa'kin si Kyle kaya lumingon ako sa kanya. "You look so tired, bebe ko." Sabi ko nang makita ang pagod niyang mata. "You too." Aniya at hinawi ang mga buhok sa mukha ko. "Guess you need to go home early." "Sorry.." Mahinang sabi ko. Kailangan ko na rin kasi umuwi dahil baka hanapin ako ni ate Agnes. "Mga istorbo kasi." Iritado ang boses niya. Nag-init ang mukha ko nang maalala 'yung nangyari kanina bago dumating sila Monique. Kaya ba siya iritado kanina kasi hindi natuloy.. Mabilis kong kinurot ang sarili ko para kalimutan 'yung mga iniisip ko. Bahagyang ngumuso si Kyle dahil sa ginawa ko, alam kong alam niya 'yung iniisip ko. Nakakahiya! Tinagilid niya ang ulo niya para silipin ang leeg ko kaya napayuko ako dahil sa nararamdaman na hiya. He bit his lower lip while rubbing the kiss marks on my neck using his thumb. "Sorry about this." Malambing na sabi niya kaya mabilis akong napaangat ng tingin. "It's o-okay.." Nahihiyang sabi ko kaya tumawa siya ng mahina. Lumabi ako kaya kinagat niyang muli ang labi niya. "Can you stay here for tonight?" Tanong niya kaya pinasingkit ko ang mata ko. "N-nope!" Nauutal na sagot ko bago siya tinalikuran. "Nakalimutan kong pagalitan si Kier kanina, alam mo bang sinabi niya kay Janine na kaibigan ka niya?" Sabi ko kay Kyle nang bigla kong maalala. Nasa kotse niya na kami ngayon at ihahatid niya ako sa bahay. I'm kinda worried, papaalisin ko na lang siya agad kapag nando'n na kami. "That's alright." Aniya bago lumiko sa street namin. Kumunot ang noo ko. "Why?" "Because we're really friends." Nagkibit balikat siya. "He's your closest friend, right?" Tanong ko kaya tumango siya. Napangiti ako. Naikwento niya na sa'kin dati na 'yung mom ni Kieran ang kumupkop sa kanya nung mga oras na namatay ang pamilya niya. He said that Kieran was a chill and annoying kid, lagi daw siyang inaasar nito pero hindi siya pinapabayaan. Naging kaibigan niya rin daw si Rigo noon dahil kalaro ito ni Kieran dati. He described Rigo as a very cheerful and caring friend, lagi daw itong nakangiti at nagjo-joke. Nakakatuwa lang na magkakaiba sila ng ugali. Natatanaw ko na 'yung bahay ni ate Agnes at nararamdaman ko na ang pagbagal ng takbo ng kotse. Mas mabilis pa yata kapag naglakad na lang ako. Napatingin ako kay Kyle at na-realize na ayaw niya pa talaga akong makauwi. Ayaw niya pa talagang maghiwalay kami. It's alright, bebe ko. We can meet tomorrow, alright. "Maaga ang tapos ng klase ko bukas, pupunta ako sa apartment. Wala kang klase bukas, diba?" Nakangiting sabi ko kaya napalingon siya at bahagyang ngumiti bago tumango. Tumigil na kami sa bahay ni ate Agnes at nakitang patay ang lahat ng ilaw kaya nakahinga ako ng maluwag. Walang tao. Tinanggal ko ang seat belt ko at nilingon ulit si Kyle. "I'll miss you." Sabi ko kahit magkikita naman kami bukas. Sumimangot siya. "I miss you already." I smiled. Lumapit ako sa kanya at mabilis siyang hinalikan sa labi kaya kinagat niya ang labi niya. "Drive safely!" Paalala ko bago tumalikod sa kanya para bumaba na ng kotse. Kumaway ako sa kanya nung nasa gate na ako at sinundan na lang ng tingin ang kotse niya. Pagkabukas ko ng gate ay na-estatwa ako nang makita na nakaupo sa duyan si Gael sa may garden. Umiinom ng beer na nasa lata at diretso ang tingin sa'kin. Unti-unting nanlaki ang mata ko at nanginig ang buong katawan ko. Imposibleng hindi niya kami nakita. Imposibleng hindi niya nakilala ang kasama ko kanina. Nakita niya. "G-gael.." Nanginginig ang boses ko at hindi ako makagalaw. Tumayo siya at humakbang palapit sa'kin kaya nakita ko ang blangko niyang expression. Hinawakan niya ako sa braso kaya napapitlag ako. Hinila niya ako papasok sa loob at sinara ang gate. "Pumasok ka na sa loob, maaga pa ang klase mo bukas." Mahinahon na sabi niya kaya kumunot ang noo ko. "Gael, n-nakita mo kami.." Sabi ko kaya tinagilid niya ang ulo niya. Nag-init ang mata ko nang makita ang malungkot niyang mata. "Matulog ka na, hinintay lang kita na dumating. Aalis na ko." Sabi niya at nilagpasan ako pero mabilis ko siyang hinawakan sa braso. "G-gael.." Tumutulo na ang luha ko. "P-please, don't h-hurt him.." Nag-igting ang bagang niya at tumingin sa'kin. Lalong naging malungkot ang mata niya at bahagyang namumula ito. Mabigat ang pag-hinga niya, mabagal niyang hinila ang braso niya na hawak ko. "Don't worry.." Tumitig siya sa'kin. "Wala akong lakas ngayon para gawin 'yan." Napa-hagulgol na ako ng iyak at yumuko, hinawakan ko ang kamay niya. "I-i'm so sorry, Gael.. S-sorry.. I-i love him so much.. Please, wag mo kaming isumbong. P-please! T-they will kill him!" Pagmamakaawa ko. Naramdaman kong natigilan siya. Tinabig niya ang kamay ko kaya kinagat ko ang labi ko at pumikit. Ready na ako sa kung ako man sampal o sapak na gagawin niya. "Y-you can hurt me, but please.. not Kyle. Not him.. He suffered too much already.." Lalong nanginig ang boses ko at halos pumiyok na ako, napaiyak na naman ako ng husto. "Vana." Malamig na sabi niya kaya nag-angat ako ng tingin. Nag-unahan pa lalo na tumulo ang luha ko nang makita na nagtu-tubig ang mata niya. Nasasaktan ba siya? Nasasaktan ko ba siya? He looks so hurt and sad. Why can't he hurt me? Ngayong alam na niya na nakikipagkita ako kay Kyle, sigurado akong alam niya na rin na tinatraydor ko ang agency. Na niloloko ko sila at bumalik na ang memory ko. I deserve a gazillion punch from him, did i? Gusto ko siyang yakapin pero natatakot ako. Natatakot akong itulak niya ako palayo dahil nandidiri siya sa'kin. "Matulog ka na." Sabi niya at huminga ng malalim bago ako titigan saglit at tumalikod para umalis. Napahawak ako sa dibdib ko at napaupo habang umiiyak. ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม