LII.
Habang kumakain sa cafeteria ng school ay nilingon ko si Gael. Nakaupo kami sa isa sa mga table dito habang naghihintay sa susunod namin na klase, pareho kami ng oras ng sched ngayon pero magkaiba kami ng subject.
"Anong plano mo?" Tanong ko sa kanya kaya napatigil siya sa pag nguya at lumingon sa'kin.
"Saan?"
"Hmm, sa mission natin." Sagot ko bago hawiin ang mahaba kong buhok, kumunot ang noo niya bago uminom sa rootbeer niya habang nakatutok ang mata sa'kin.
"Bakit? You'll sabotage my plan?" Nakangising tanong niya kaya natigilan ako. Alam kong nagbibiro lang siya dahil na rin sa tono ng pananalita niya pero tama siya, gusto kong malaman ang plano niya para masabihan ko si Kyle.
Tinaas ko ang kilay ko. "Oo! Isasabotahe kita, gusto kong manalo. Curious ako sa prize.." Sabi ko sa pabirong tono kaya suminghap siya.
"Kung kaya mo?" Mayabang na sabi niya kaya napanganga ako, bahagya siyang humalakhak. Pinatong niya ang kanang siko niya sa lamesa at pinaglaruan ang hikaw sa tenga niya habang nakatingin sa'kin. "May pride ako, Vana. Hindi ako nagpapatalo kahit sa babae pa.."
Ngumuso ako. "Fine! I just want to know your plan, wala akong gagawin! I won't sabotage you or something like that."
Unti-unting nawala ang ngisi niya at binagsak ang tingin sa pagkain niyang halos mauubos na. "I wonder why you want to know?" Aniya sa malamig na tono.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa kutsara na hawak ko. Sobrang bilis magbago ng mood niya. Tumatawa lang siya kanina pero ngayon ay nakakatakot na siya. I wonder. Kapag sinasabi niya 'yan ay para niya akong pinapatamaan, parang pinaparating niya sa'kin na may alam siya. Pero kung may alam siya sa nangyayari samin ni Kyle ngayon.. bakit ang bait niya pa rin sa'kin?
Kilala ko siya. Kilala ko si Gael Chavez. Gagawin niya ang lahat para wag lang masira ang agency, lahat ng ibabato sa kanyang mission ay tatanggapin niya at gagawin ng walang kahirap-hirap. Kapag may humarang at may ikasisira ang APO, he will do anything to save it. Para bang sa pagiging agent na lang umiikot ang mundo niya. Kapag nasira ito ay parang kasiraan na rin ng pagkatao niya.
Then, bakit hinahayaan niya pa rin akong mabuhay? I'm a traitor! Maybe hindi niya pa talaga alam at masyado lang ako paranoid ngayon dahil sa sinabi ni Billy? I don't know.
I cleared my throat. "Edi.. kung ayaw mo sabihin edi wag!" Sambit ko sa mataray na tono.
Dinaanan niya ako ng tingin at sumandal sa upuan. "Wala pa akong plano, hahanapin ko muna si Vergara. At kapag nasa harap ko na siya ay saka ako mag-iisip ng plano. That's how i work, Silvana.."
Huminga ako ng malalim. Gano'n naman talaga siya, nagbakasakali lang ako na may plano siya dahil sinabi niya naman na mahirap ang mission na 'to.
"Pero.. parang wala kang gana sa mission na 'to."
Bahagya siyang ngumuso at nagcross arms. "Hindi naman sa walang gana, sinadya ko lang na hindi seryosohin dahil alam kong kapag walang nangyari sa mga lakad natin tatlo nila Janine.. gagawin ni ate Agnes na paghiwalayin tayong tatlo. Dahil alam mo naman, Vana. Gusto kong nagtatrabaho ng ako lang mag isa, i can do better with myself.."
Napalunok ako. Sinadya niya ang pagiging easy niya sa mission na 'to para paghiwa-hiwalayin kaming tatlo nila Janine? So ngayong makakapag trabaho na siya ng mag isa lang ay magseseryoso na siya..
"12 days na lang ang mayroon tayo.." Sabi ko. Isang buwan ang binigay sa'min pero dahil na rin sa mga ginagawa ni Kyle ay walang nangyari. Plus, hindi pa pala nagseseryoso si Gael ng mga time na 'yon.
So, si Janine lang pala talaga that time..
"One month is quite long, actually." Aniya sa iritadong tono. "Hindi ko alam pero naiinsulto ako sa mission na 'to. Parang ang baba ng tingin sa'kin ni ate Agnes."
Sa totoo lang ay nagulat din ako nung tatlo kami na pinagbigyan ng mission na 'to. Siguro matatanggap ng utak ko kung kaming dalawa lang ni Janine. Alam ko sa sarili ko na kayang-kaya ipagtanggol ni Kyle ang sarili niya, alam kong magaling siya makipag laban. Pero mas trained si Gael kesa sa kanya, simula bata pa lang ay ineensayo na ito para pumatay ng tao. Unlike Kyle na parang naging libangan lang ito, mas tutok siya sa computers and such.
But yeah, mahihirapan ng sobra si Gael kay Kyle but i know that he can get him by himself. Without my help nor Janine's. Kaya mas natatakot ako ngayon.
"That's why you don't need to compete with me and Janine! Walang wala naman kami sayo." I smiled. "Sabihin mo kay ate Agnes na ayaw mo ng mission na 'to, kami na ang bahala.."
Tumitig siya sa'kin. Am i being obvious? Halata ba na ayoko siyang masama sa mission na 'to dahil ayokong mahuli si Kyle? Ngumiti ako ng normal kahit nanunuyo ang lalamunan ko dahil sa kaba.
"Should i really do that?" Blangko ang boses niya. Kumunot ang noo ko at yumuko dahil sa kakaibang nararamdaman ko, mabagal akong umiling.
"It's.. okay if you don't."
Hindi siya sumagot ngunit nakita ko sa gilid ng mata ko na ngumiti siya bago ibaling ang tingin sa wrist watch niya. Uminom siya ng isang beses sa rootbeer niya at tumayo.
"Limang minuto na lang ay may klase na tayo pareho. Tara na?" Aya niya kaya tumayo na rin ako. Inabot ng apat na oras ang klase namin, alas singko na ng hapon nang mapagpasyahan kong puntahan si Kyle.
Maagang umalis si Gael kanina sa school, hindi ko alam kung kumikilos na siya ngayon para hanapin si Kyle. Si Janine naman ay hindi ko alam.
Nawala agad ang kaba na nararamdaman ko nang makita si Kyle na natutulog sa sofa sa apartment. Nakapatong ang kanang braso niya sa noo niya at nasa sahig naman ang kaliwang niyang paa. Inayos ko ang paa niya para hindi siya mangalay, kumuha ako ng manipis na kumot sa kwarto at ikinumot sa kanya.
Hinaplos ko ang pisngi niya at pinagmasdan ito. Ito na naman 'yung nararamdaman ko sa tiyan ko, parang may nagwawala dito. Hindi ko maiwasan na mapangiti, ang amo ng itsura niya kapag natutulog. Hindi mo aakalain na kaya niyang magmanipula ng mga tao, ang peaceful ng mukha niya na para bang wala siyang mga masaklap na pinagdaanan.
Napabuntong-hininga ako bago siya mabilis na dinampian ng halik sa labi. Nag-init ang mukha ko dahil sa ginawa, ngumuso ako at tumayo para maghanda ng pagkain para kapag nagising siya ay may kakainin siya.
Bago pa ako tumalikod ay napaigtad ako ng bigla niya akong hawakan sa kamay, gulat na napalingon ako sa kanya at nakitang nakadilat ng konti ang mata niya.
"K-kanina ka pa gising?" Nahihiyang tanong ko kaya umiling siya. "Nagising.. ka dahil sa kiss.. ko?"
Parang bata siyang tumango kaya napatawa ako. "Are you perhaps.. the sleeping beauty?"
Ngumuso siya dahil sa biro ko. Umusog siya sa sofa at tumagilid ng higa.
"Tabi tayo." He said in a voice that low.
"Kyle.. hindi tayo kasya." Sabi ko kaya kumunot ang noo niya. Hinila niya pa ako kaya humiga na lang ako sa tabi niya para mapatunayan na hindi nga kami kasya at mahuhulog lang ako.
"See? Hindi tayo kasya--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil tinulak niya ang likod ko palapit sa katawan niya, halos magkadikit na ang noo ko at labi niya. Pinulupot niya ang kanang binti niya sa'kin kaya mas lalong nagdikit ang katawan namin.
"K-kyle, mahuhulog nga ako." Pagdadahilan ko pa para makaalis dito kaya mas lalo niya akong hinila palapit sa kanya. "K-kyle naman, e!"
"What?" Inaantok pang tanong niya habang nakapikit ang mata. Nararamdaman ko ang malambing niyang paghaplos sa likod ko.
"Mahuhulog nga ako." Pinilit kong maging iritado ang boses ko. Hindi siya sumagot, hinawakan niya ang bewang ko at hinila ako pataas kaya napunta ako sa ibabaw niya. Nakatihaya na siya ngayon at nakapatong ako sa kanya.
"Hindi ka na mahuhulog." Aniya sa namamaos na boses habang inaantok ang mata na nakatingin sa'kin. Nag-init ng husto ang buong mukha ko dahil sa posisyon namin ngayon.
Ah. Savanna.. what are you thinking?
"Kyle.." Pinipilit kong tumayo pero nakapulupot ang braso niya sa'kin.
"Aren't you comfortable?" Tanong niya kaya nag-iwas ako ng tingin at mabagal na umiling.
"Hindi naman sa ganon..."
"Then, how about.." Hinawakan niya ako sa likod at bewang bago mabilis na binaliktad ang posisyon namin. He's now on top of me. "..this?"
Lalong hindi!
Hindi ako nakapagsalita. Nasa ibabaw ko siya, nasa pagitan ng legs niya ang legs ko kaya na-trap talaga ako. Naka-alalay ang braso niya sa gilid ko kaya hindi niya ako nadadaganan. But.. Alam kong pulang-pula na ang mukha ko ngayon at kumakabog ng malakas ang dibdib ko.
"Magluluto pa ako." Sabi ko kaya kumunot ang noo niya. Bahagya siyang ngumuso at ibinaba ang tingin sa labi ko.
"You will cook for me?" Malambing na tanong niya at dinampian ng mababaw na halik ang pisngi ko.
"Y-yeah.."
"Yeah?" His voice was husky. Hinalikan niya pa ako sa pisngi papunta sa tenga ko pababa sa leeg. Napasinghap ako at naramdaman ko ang pagtindig ng balahibo sa buong katawan ko.
"K-kyle.." Nanginginig ang boses ko.
"Hmm?" Nagkatamaan ang mata namin nang mag-angat siya ng tingin. Parang nalalasing ang mata niya. Ngayon ko lang napansin na kanina pa pala ako hindi humihinga, kinagat ko ang labi ko kaya bumaba ang tingin niya doon.
He then kissed my lips. Mabagal at mababaw. Napapikit ako, para akong nalalasing sa ginagawa niya. Hinawakan ko ang likod ng ulo niya para lumalim ang halik, naramdaman kong natigilan siya saglit kaya naramdaman ko ang hiya. He continued kissing me, deeper and passionate.
Hindi sinasadya na makagat ko ang labi niya nang maramdaman ang kamay niya sa loob ng damit ko. Tumigil siya sa paghalik at lumayo. He catches his breath, staring directly at my eyes then leaned again for another kiss.
Nawawala na ako sa sarili. Nag-iinit ang buong katawan ko, bumibigat ang bawat paghinga ko. Binaba niya ang halik sa leeg ko habang tumataas ang kamay niya papunta sa dibdib ko.
"K-kyle.."
Napadilat ako ng mata nang marinig ang doorbell mula sa labas. Mabilis kong naitulak si Kyle kaya napalayo siya, nagmamadali akong tumayo at inayos ang sarili ko. Nahihiyang lumingon ako sa kanya nang marinig ang mahina at sunod-sunod na pagmumura niya.
Nakasandal siya sa sofa at kinakagat ang labi habang nakatingin sa'kin. Uminit ng husto ang pisngi ko. Tinalikuran ko siya at inayos ang buhok ko.
"M-may nag doorbell, b-buksan mo 'yung.. g-gate!" Nauutal na utos ko pero hindi siya sumunod at bahagyang ngumuso lang.
Halos mapatalon ako nang bumukas ang pinto at sunod sunod na pumasok sila Billy, Monique, King at Kieran.
"Surprise!" Maligayang sabi ni Monique habang nakataas ang dalawang kamay ngunit nawala rin agad ang ngiti. "Oh, bakit parang nakakita ka ng multo Vanna? Tapos, si Kyle.. ahm.. galit ka?"
Kumunot ang noo nila Billy at pinalipat-lipat ang tingin sa'min dalawa ni Kyle. Nag-iwas ako ng tingin at tinuro 'yung kwarto.
"Iihi lang a-ako!"
"Iihi ka sa kwarto?" Malamig na tanong ni Billy kaya nakagat ko ang labi ko.
"Pula ng labi natin, brad, ah?" Puna ni Kieran na nakatingin kay Kyle. "Parang may kumagat?" Humalakhak siya.
Napapikit ako ng mariin at nagmamadaling nagpunta sa kwarto dahil sa hiya. Napalakas pa ang pagsara ko sa pinto kaya nag-dive ako sa kama at kinagat ang unan saka sumigaw ng walang boses.
What just happened?
ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ