fifty one

1870 คำ
LI. Pupunta kami ng Kcads. Sobra ang kaba dahil maraming nakakakilala sa'kin doon, halos lahat ng tao ay kilala ako sa school na 'yon. Natatakot din ako na makita nila ang mga pictures ko doon na nakalagay sa bulletin board. Gusto kong pigilan ang plano ni Janine na magpunta kami doon pero baka maghinala siya at magtaka kung bakit ayoko. "Bakit tagong-tago ang mukha mo?" Nakataas ang kilay na tanong ni Janine habang pinagmamasdan ako. Nasa kotse kami ni Gael ngayon, nagmamaneho siya at nasa tabi niya naman ako. Mag isa sa likod si Janine na naka-uniform ng pang-tourism student, hapit sa katawan iyon kaya kitang-kita ang hugis ng katawan niya. Hindi ko na itatanggi na sexy talaga siya. Tinanong niya ako bigla dahil sinuot ko na ang itim na baseball cap ko dahil malapit na kami. Suot ko naman ang uniform ng Business ad. Student, may pencil skirt ito pero pinili ko ang pants para mas makakagalaw ako ng ayos. Si Gael naman ay kapareho ang uniform nila Kyle. "Wala lang." Sagot ko at tinaasan din siya ng kilay. "Whatever." Maarteng sabi niya bago tanggalin ang seatbelt. Gano'n din ang ginawa ko dahil pinaparada na ni Gael 'yung sasakyan. "Here.." Inabot sa'min ni Janine ang fake I.D ng Kcads, hindi kasi makakapasok sa school na 'to kung wala I.D. Silvana Rivera Huminga ako ng malalim at lumingon kay Gael na sinusuot ang I.D, sinuot ko na rin ang akin bago ayusin ang baseball cap ko at bumaba ng kotse. Dire-diretso kaming nakapasok dahil sa I.D namin, lalo akong kinabahan nang makapasok kami. Nakita ko agad ang mga pamilyar na mukha na lagi kong nakikita no'ng dito pa ako nag-aaral. Maraming napapalingon sa gawi namin. Nagtataka dahil ngayon lang nila nakita si Gael at Janine, pero mas maraming nakukuhang atensyon si Gael na walang emosyon ang mukha. Lalo kong ibinaba ang suot kong cap para maitago ang mukha ko. Nakita ko sa gilid ng mata ko si Billy na dinaanan ako ng tingin, alam kong nakilala niya ako. Tumaas ang kilay niya kaya napapikit ako, alam kong alam niya na ang dahilan kung bakit kami nandito. Nilagpasan lang namin siya pero nakita kong tinitigan siya ni Janine. "He's hot." Maarteng sabi nito kaya napairap ako sa kawalan. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko kaya napatingin ako dito. May text si Billy. Billy: He knows something. What? Napalingon ako sa pinanggalingan namin para tignan si Billy pero wala na siya do'n. Ano daw? Sinong may alam? He daw, so si Gael? Me: Who? Kinagat ko ang labi ko at nilingon si Gael na wala pa rin emosyon ang mukha. He's always like this. Ganito naman siya lagi at walang pinagkaiba. He knows something? Anong alam niya? Baka nagkamali lang si Billy? Pero hindi nagkakamali si Billy! Hindi siya nagkakamali sa pagbabasa ng tao. "Sinong ka-text mo?" Tumaas ang balahibo ko nang marinig ang malamig na boses ni Gael sa gilid ko. "None, just checking something." Pag sisinungaling ko bago ngumiti. Gumalaw ang gilid labi niya at tumango, naramdaman ko pa na nag-vibrate ang phone ko pero hindi ko na 'to tinignan dahil maghihinala si Gael. "Damn.." Mahinang pagmumura ni Janine habang na-a-amaze na nakatingin kay Kieran Domingo na nakikipag-landian sa isang babae sa waiting area. "Kailangan ko na yatang lumipat, this school has a lot of attractive guys." Napalingon sa gawi namin si Kieran kaya napangiwi ako, tinignan niya lang ako saglit nang hindi nawawala ang mayabang na ngisi sa labi. Nilipat niya agad ang tingin kay Janine na nakatitig din sa kanya, pinasadahan niya ng tingin ang katawan nito bago kinagat ang ibabang labi. The hell, Domingo! Napahawak ako sa noo nang magpaalam si Kieran sa nilalandi niya, walang emosyon ang kanyang mukha habang maangas na naglalakad papunta sa gawi namin. I admit that he's very cool, naalala ko dati nung nakipag race siya sa isang racing car at isang van ang gamit niya. Partida ay nasa loob kaming lahat at nanalo pa siya, pakiramdam ko ay mamamatay na kami ng mga oras na 'yon dahil sa sobrang bilis pero wala akong nagawa kundi purihin siya sa huli. Because that was insanely cool! Mayabang siya dahil may maipag-yayabang. "Hey." Bati sa kanya ni Janine kaya sumilay ang nakakalokong ngisi sa labi ni Kieran. "What a hottie." His voice was husky and playful. Nakita ko ang konting pamumula ng pisngi ni Janine. Oh, she's really attracted! "Janine, we have something to do." Sabi ko nang hawakan na nito ang bewang niya. Pasimple kong pinandilatan ng mata si Kieran pero hindi niya ako pinansin. "Can i borrow her for a moment? We'll just talk for a second.." Ani Kieran kaya kinuyom ko ang kamao ko. Pinipigilan ang sarili ko na magsalita, sasapakin ko talaga 'tong Kieran na 'to mamaya! Nakita nang kasama ko tapos lalandiin niya pa?! "It's okay," Janine laughed. Lumingon siya sa'min ni Gael. "Wait for me, i'll contact you." Kulang na lang ay umusok ang ilong ko. Makati ba? Nangangati na ba Janine at Kieran? Hindi na ba kakayanin ng kamay lang para kamutin? Wala na bang makakapigil? "Sige." Bored na sagot ni Gael bago nauna nang naglakad palayo. Wala na lang akong nagawa kundi irapan si Kieran bago sumunod kay Gael na naglalakad. Dahil wala na si Janine ay kay Gael na naka-focus ang mata ng mga nadadaanan namin, ako ay nakatakip pa rin ang mukha ng cap. "Can we still continue?" Tanong ko kaya napalingon siya at tumigil sa paglalakad kaya gano'n din ako. "Bakit hindi?" Kumunot ang noo niya kaya napaiwas ako ng tingin. Gusto ko lang naman na umalis na kami dito dahil kanina pa ako kinakabahan. Ang school na 'to ang lugar na dapat kong iniiwasan puntahan habang nagpapanggap pa akong patay dahil sobrang daming nakakakilala sa'kin dito. At alam kong may klase si Kyle ngayon kaya nandito siya, ayokong makita siya nila Gael. Natatakot ako. "K-kasi mukhang may iba nang pinagkakaabalahan si Janine.." Sabi ko. Well, that's true. Nasaan kaya sila ni Kieran ngayon? Comfort room? Locker room? Ano na kayang ginagawa nila? Napangiwi ako habang iniisip 'yon. Huminga ng malalim si Gael at pinaglaruan ng daliri ang ibabang labi niya. "Dalawang linggo na mula nang ibigay sa'tin ang misyon na 'to, Vana. Dalawang linggo na tayong magkakasamang umaalis pero walang nangyayari." "So?" "So?" Pag-eemphasize niya sa sinabi ko. "Ibig sabihin ay mahirap ang misyon na 'to. Wala lang talaga akong pakialam kay Janine kaya hinahayaan ko siya sa gusto niya." "Cold naman." Panunuya ko kaya bigla siyang napangisi dahil sa tono ko. Tumawa ako kaya nag-iwas siya ng tingin at kinagat ang labi. Nagsimula siyang maglakad kaya tumatawang sumunod ako habang sinusundot ang tagiliran niya at napapatawa naman siya habang bahagyang nilalayo ang katawan. Naramdaman ko ang matalim na titig sa'kin kaya napalingon ako sa kung saan. Nawala ang ngiti ko nang makita si Kyle na nakasandal sa frame ng pinto ng isang room, nakapamulsa at nakatiim ang bagang na pinapanood kami ni Gael. Oh, s**t. Tumigil ako sa pagkiliti kay Gael at dumistansya ng konti. The jealous Kyle is activated at hindi maganda iyon. Baka bigla niya na lang kami lapitan ni Gael kapag hindi ako tumigil. Binilisan ko ang paglalakad ko para bumilis din ang lakad ni Gael, i don't want him to see Kyle. Hinila ko naman siya papunta sa kung saan nang makita na madadaanan namin ang bulletin board. Nandoon ang mukha ko at ang pangalan na Savanna Castro! He shouldn't see it! "Gael, cafeteria muna tayo habang hinihintay si Janine?" Aya ko. "Gutom ka?" "Medyo." Mabagal siyang umiling-iling at nauna pang naglakad papunta sa cafeteria. Kumunot ang noo ko, parang hindi siya masyadong focus sa mission ngayon. Kung anong gustong gawin namin ni Janine ay sinusunod niya. Hindi siya nagde-desisyon ng sarili niya. Nakakapagtaka. Tumambay kami ni Gael sa cafeteria ng lagpas thirty minutes. Tinawagan siya ni Janine para tanungin kung nasaan kami kaya maya-maya ay nakita na namin siya na naglalakad palapit samin. Maayos ang itsura, mukhang nag-retouch pa siya bago magpunta dito. Hindi halatang may ginawang milagro. "Enjoyed it?" Tanong ni Gael habang umiinom ng rootbeer, nabulunan ako kaya tumaas ang kilay niya. "He's great." Kumikinang ang mata na sagot ni Janine. Napangiwi ako kaya narinig ko ang malalim at mahinang halakhak ni Gael. "Saan kayo?" Tanong ko kaya lalong lumakas ang tawa ni Gael, to the point na may napatingin na sa kanya na ibang tao. Naramdaman ko ang pamumula ng pisnge ko dahil doon. Tumingin sa glass wall si Janine para makita ang labas. Tinuro niya ang Educ. Building sa tapat. "There." Aniya habang tinuturo ang nasa pinaka-dulong room sa fourth floor. Lalo akong napangiwi at nilingon si Gael na natatawa pa rin. Hindi ba siya nandidiri? "So.. Ano nang gagawin natin?" Tanong ko kaya nawala ang ngisi nilang dalawa. "Mag-ikot tayo ulit, sure ako na nandito ang Vergara na iyon." Ani Janine. "I asked that Kieran Domingo if he knows Vergara, he said yes. At magkaibigan daw sila.." Nanlaki ang mata ko. Sinabi ni Kieran na magkaibigan sila ni Kyle? What the fu.. Minura mura ko sa isip ko si Kieran habang pinapatay siya. Damn, Domingo! What are you doing?! Mabigat ang loob na naglakad-lakad kami sa school, iniwas ko na lang ulit sila sa bulletin board para hindi makita ang mukha ko do'n. Naka-text ko si Kyle at sinabing umuwi na siya dahil ayun ang gusto ko. Mabuti naman ay sumunod siya dahil kung hindi ay dalawa na sila ni Kier na makakatikim ng uppercut sa'kin. Pinasok namin ang ibang building para 'hanapin' si Kyle pero wala kaming napala. Well, may napala si Janine.. "Failed again?" Tanong ni ate Agnes pagkabalik namin sa HQ pero walang sumagot kaya mahina siyang tumawa bago umupo sa swivel chair niya at pinagsalop ang mga daliri. "We'll try again tomorrow." Ani Janine. Umiling si ate Agnes. "Mukhang nagkamali ako," Kumunot ang noo namin tatlo. "It's been two weeks at wala pa rin nangyayari kahit magkakasama pa kayo." "Sa inyong tatlo pa rin ang mission na 'to, pero hindi niyo na kailangan na magsama sama." Dagdag niya. "Do the mission individually. Think of this as a competition, ang unang makakuha kay Vergara ay may premyo." Napanganga ako at napangiti naman ng malapad si Janine. Lumingon ako kay Gael na wala na naman emosyon ang mukha. Napapikit ako ng mariin. This is dangerous, ngayong magkakahiwalay na kami ay hindi ko na alam kung anong mga plano nila. I suddenly feel uneasy. s**t. ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม