Nagising na lang ako sa view na si Kyle ay pinupunasan ang mga braso ko, hindi siya lumingon sa’kin kaya’t tinignan ko ang ginagawa niya. Nagulat ako nang makita na may mga sugat ako ro’n na halatang nanggaling sa mga basag na bagay, kung hindi ako nagkakamali ito ay ‘yung natamaan ako ng windshield! Hindi ko ito napansin kanina dahil madilim pa at hindi ko nakikita, nakakapagtaka lang na hindi ko naramdaman. “Good morning,” bati ni Kyle saka lang siya lumingon sa’kin. Tumayo siya at pinanood akong lumingon lingon sa paligid, nasa ilalim lang kami ng isang matayog na puno kaya’t hindi kami natatamaan ng sinag ng araw. Maliwanag na rin dahil umaga na. Ngayon ko nakita kung gaano kami kalayo sa mga sibilisasyon, naalala ko kanina na sinabi ni Kyle na maghanap muna kami ng lugar na mapagpa

